𝚁𝙰𝙸𝙽 𝙵𝚄𝙴𝙽𝚃𝙴𝙱𝙻𝙰𝙽𝙲𝙰 ༄ ✍︎ ℂℍ𝔸ℙ𝕋𝔼ℝ 𝕋ℍℝ𝔼𝔼 ✍︎


“Aaaahhh!!” naiiritang sigaw ni Claire habang pumapadyak.
Tumakbo siya kaagad palayo kay Rain. Alam niyang hindi niya matatakasan ang lalaki pero pagtakbo agad ang naisip niya ng makita si Rain.
💭 Bakit kasi kailangan mangyari ito? 🥺😐 Bakit dito pa nag-aaral yung Rain na yun! Baka nakakalimutan mo Claire, may kasalanan ka sa lalaking yun. 💭
Napabuntong-hininga siya at umupo sa bench.
💭 Paano kaya ako mabubuhay dito sa school ng tahimik kung nandito yung ulan na yon. Sigurado ako gagantihan ako nun sa ginawa kong katangahan dati. 💭
Natigilan siya ng maalala ang sinabi ni Ashly……….
💭 Kapag napagtripan kayo maiiyak nalang kayo.. 💭
“Aaaah. Bully pala talaga yung ulan na yon! Wala na masisira na talaga ang kinabukasan ko sa lalaking yun!”
“Claire, bakit nandito ka?” agad si Claire napalingon sa nagsalita.
“Ikaw pala, Lara.” sabi niya at saka tipid ngumiti.
“Hoy, nagchichismisan yung mga kaklase ko. Sabi nila natapunan mu raw ng kape si Rain ng member ng BTS group.” nag-aalalang sabi ni Lara. Napatango nalang si Claire habang may kunting pag-alala.
“Kaya dapat umiwas iwas ka na sa akin, Lara, kasi baka madamay ka pa dahil lagi tayong magkasama.” sabi ni Claire.
“Hindi kita iiwasan, ikaw ang pinaka friend ko dito sa school, eh.” sabi ni Lara na niyakap siya sa braso. Ngumiti na lang si Claire, na miss niya tuloy si Jellaine.
“Hindi pa ba magsisimula ang klase mo?”
“Magsisimula na nga pala. Sige, mauna na ako!” paalam ni Claire sa kanya. Ngumiti si Lara at tumango.
💭 Haaay, kailangan lumayo na ako kay Lara baka madamay pa siya kung mapagtitripan man ako ni Rain. 💭
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
PUMASOK na siya sa unang subject niya. 20 pataas na ang mga estudyante na nasa loob ng classroom. Kaya mas pinili nalang niya sa likod umupo.
💭 Grabe, ang ganda pala talaga ng classroom dito lalo na pag nasa loob ka na. 💭
“Siya yung nakatapon ng kape kay Rain, diba?”
💭 Napatigil siya. Grabe naman silang magchismisan. Yung tipong maririnig ko talaga. Bwesit! 💭
“Haaay, kawawa naman. Mukhang scholar,” napapikit si Claire sa narinig. Iniharang nalang niya ang libro sa mukha niya at naglagay ng earphones sa tainga kahit walang tugtog.
💭 Mukhang wala akong makakasundo sa subject na to. 💭
“Sa tingin niyo maaawa si Rain sa kanya?”
“Nakita mo na bang naawa si Shark?” tumaas ang mga balahibo ni Claire sa narinig na sabi ng babae.
“Goodmorning.” natahimik ang lahat nang dumating na ang Professor.
“Im Prof Julius Dialino.”
Maayos naman magturo yung prof, medyo sabog lang ang utak ngayon ni Claire dahil sa kakaisip kay Rain.
💭 Panira ng araw at ng buhay. 💭
“Mr. Fuenteblanca, w-why are you here?”
💭 Ano daw? Fuenteblanca?…. Saan ko nga ba narinig yun? 💭
“Sit-in.”
Natigilan siya ng marinig ang boses ni Rain. Napatingin ang mga kaklase niya sa kanya. Ibat ibang klase ng tingin ang pinupukol...


sa kanya.
“Mukhang magsisimula na si Rain.”
“Nakakaawa talaga.”
Inangat niya ang libro at iniharang sa mukha niya.
💭 Lord, sana po hindi niya ako mahanap. 💭
“But you have——–” agad na pinutol ni Rain ang sasabihin ni Sir Julius.
“Wala akong klase.” kalmado ang pagkakasabi ni Rain at umiwas kaagad ng tingin kay Sir Julius.
💭 Bastos na estudyante. Dapat tinatapon to sa Pacific Ocean. 💭
Pasimpleng sumilip si Claire.
“Okay.” pagsuko ni Sir Julius. Napalunok si Claire at iniharang uli ang libro at nagkukunwaring nagbabasa.
💭 Wag kang lalapit sa akin ulan! Utang na loob, sana wag mo kong makita! 💭
Kinakabahan ni Claire nang may tumabi sa kanya at naamoy ang mabangong perfume nito.
💭 Wag, Claire. Wag mung pupurihin ang Rain Rain Go Away na yan! 💭
Napasinghap si Claire nang biglang hablutin ang libro niya at inihagis sa bintana.
Napaawang ang labi ni Claire. “Ang libro ko…” 🥺
“Wag kang bastos, you’re reading a book while he’s discussing in front? Where’s your manners?” parang wala lang ito at ibinaling na ang tingin kay Sir Julius.
Naikuyom niya ang kanyang kamao at inirapan nito si Rain.
💭 Kumalma ka Claire, nagkakaganyan yang ulan na yan dahil may kasalanan ka sa kanya. 💭
Dali dali niyang binitbit ang bag matapos ng klase.
💭 Kailangan makaalis ako sa ulan na to lagi. Kahit imposible makawala ako sa kanya dito sa school. 💭
“Araaaaaay!!” napapikit siya ng mariin at inayos ang kanyang sarili. Tinignan niya si Rain ng masama.
“Bata ka ba?” naiiritang tanong ni Claire kay Rain.
Tinalisod lang naman siya nito at mukha siyang tanga na nadapa. Nakatingin na din sa kanila ang mga estudyante.
“Oh, hindi ka nag iingat.” natatawang sabi ni Rain.
Natigilan si Claire nang pumantay sakanya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Halos, maduling siya sa pagtitig.
“Wala pa yan sa gagawin ko sa mga susunod na araw. Ihanda mo ang sarili mo, ha?” tinapik niya ako sa balikat.
Napasimangot ako. “Ang sama mo, alam mo ba yun?”
“I’m Rain Fuenteblanca and i’ll make your life a living hell in anyways I can.”
💜💜💜💜💜💜💜💜💜💜
Nasa locker room siya nang may nagtext sa kanya.
𝙵𝚁𝙾𝙼 : 𝚄𝙽𝚁𝙴𝙶𝙸𝚂𝚃𝙴𝚁𝙴𝙳 𝙽𝚄𝙼𝙱𝙴𝚁
𝙿𝚞𝚖𝚞𝚗𝚝𝚊 𝚔𝚊 𝚜𝚊 𝚑𝚒𝚍𝚎-𝚘𝚞𝚝 𝚗𝚊𝚖𝚒𝚗, 𝚜𝚞𝚜𝚞𝚗𝚍𝚞𝚒𝚗 𝚔𝚊 𝚗𝚒 𝙲𝚕𝚊𝚛𝚎𝚗𝚌𝚎. 𝙳𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚖𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚐-𝚞𝚞𝚜𝚊𝚙𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚢𝚘!
– 𝚁𝚊𝚒𝚗.
Napapikit si Claire sa sobrang inis. Aalis na sana siya ng matigilan na palapit na si Clarence sakanya.
💭 Bakit ang bilis? Paano nila nalaman na nandito ako. Grabe, nakakatakot sila. 💭
“Claire, pinapatawag ka ni Rain.” seryosong sabi nito.
“M-may kailangan pa akong gawin.” palusot niya kay Clarence.
“Wala kang klase.” napalunok si Claire sa sinabi ni Clarence.
“Basta may gagawin ako. Uuwi na ako” agad binitbit ni Claire ang kanyang bag at dali daling lumabas.
💭 Wala ba talagang balak ang ulan na yun na tantanan ako?! Hintayin niya muna ako makapagtapos. 💭






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top