THAT MAFIA IS THE FATHER OF MY SON CHAPTER 27


SARAH SILVESTER’ POV
NAGISING ako ng maaga dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mata, kinusot kusot ko muna ang aking mga mata bago bumangon. Saktong pagbukas ng banyo, ay lumabas roon si Damion na nakatapis lamang ng tuwalya sa kanyang pribadong parte.
Nginitian niya ako ng napakatamis tamis at linapitan niya ako ng makita niyang tumayo na ako. Agap niya akong sinalubungan ng matamis na halik sa labi pero saglit lamang iyon.
“Good morning wife” nakangiting binati niya ako.
“Good morning Hubby” matamis na ganti ko rin sa kanya at yinakap ko ito ng mahigpit, napansin niya sigurong nangigigil ang bawat yakap ko sa kanya. Dahil narinig ko ang bahagyang tumawa ito ng mahina.
Maya maya lang ay napakalas na kami dahil, magbibihis siya. Wala ba siyang naaalala ngayong araw na ito? Nakakalungkot isipin na hindi niya man lang ako babatiin dahil kaarawan ko ngayon.
Iniupo ko na lamang ito habang hinihintay si Dam na lumabas ng walk in closet. Sana nga may maaalala sila ngayong araw na ito.
Napabalik ako sa wisyo ng makita kong lumabas na roon si Damion kaya napatayo na ako ng marahan. Hindi pa niya naiilagay at naayos ang kanyang kurbata sa leeg nito. Kaya ako na ang nag-presentang mag-aayos.
Hinayaan lamang niya ako habang ginagawa ko ito, alam kong nakatingin siya sa akin ngayon lagi naman iyon ang kasanayan niya pero wala akong balak na titigan ito dahil nakapukos lamang ako na inaayos ang kanyang kurbata.
“Well wife, I’m so sorry if aalis ako ngayon may aasikasuhin lang ako sa Company but promise. Babalik rin ako agad” nakangiting ani niya kasabay ang pagdampi ng kanyang labi sa aking pisngi.
Ngumiti at tumango lamang ako bilang tugon ko. Akmang aalis na sana siya ng pigilan ko siya, ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg.
“Hub wala ka bang naalala o nakalimutan ngayong araw” malungkot ang aking boses na tinanong.
“I got it, I forget wife. Bye wife I love you” nakangiting sinabi niya at dinampian ng halik ang aking labi. Bago siya lumabas ng kuwarto niya.
Malungkot naman akong naiwan rito, happy birthday self bati ko na lamang sa aking sarili. Buti pa, ako lang ang nakakaalala kaarawan ko ngayon. Hindi ba nila naaalala na birthday ko ngayon.
Napabuntong hininga na lamang ako, saka inayos na ang aming hinigaan. Pagkatapos niyan ay ginawa ko na rin ang morning routine ko.
After a few minutes bumaba na rin ako patungo ng dining area dahil nagugutom na rin ako, pagkapasok ko roon ay nadatnan ko roon si Grey na kumakain kasama sina Papa at Mamita.
“Oh ijah come on let’s eat, ako nagluto ng mga ito” nakangiting ani sa akin si Mamita.
“Morning Mamita” nakangiting bati ko rito.
“Morning rin hijah”
“Mommy, ang sarap talaga ang luto ni Mamita” masayang sambit ng aking anak habang nakaupo, sinusubuhan naman ni Mamita si Grey.
“Baby, wala ka bang naaalala” nakangiting tanong ko baka sakaling babatiin niya ako sa aking kaarawan.
“Ay oo nga pala Mommy, I forget my greetings. Good morning Mommy” sabay yakap sa akin, sakit naman yun lang ba alam niya na igreet sa akin.
“Kain na hijah habang mainit pa” tipid ngiting sinabi niya sa akin. Naupo na lamang ako para kumain na rin.
AFTERNOON
“HIJAH, ano na ba ang oras?” Tanong ni Mamita habang nag aayos ito. Samantalang ako ay nakaupo lamang rito sa Sofa sa may Teresa hinihintay ko kasi si Damion, hanggang ngayon kasi ay hindi pa umuuwi.
“Mag 3 pm na po Mamita, bakit ho” tanong ko.
“Hijah pwede mo ba akong samahan, kasi may imemeeet ako sa resort pati na rin si Grey isama na natin para hindi maiwan mag isa rito” nakangiting tanong sa akin si Mamita. Agap naman ako ngumiti at tumango lalot na Resort iyon. Kaya pwede akong lumanghap ng mas sariwang hangin roon.
“Sige na hijah magbihis ka na, para makaalis na rin tayo” agad ko na ring sinunod kaya tumayo na ako, pumanhik na ako sa kuwarto ni Dam. Upang maghanap kung ano ang magandang susuotin ko ngayon. Agap ko namang nakita ang floral dress sa loob ng closet kaya kinuha ko na ito, hindi pa naman masyadong kalaki ang tiyan ko dahil 3months pa lang ito pero feel ko malaki na dahil siguro kambal ang nasa sinapupunan ko kaya ganito kalaki.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na rin ako ng kuwarto at saktong nakita ko na agad sina Grey at Mamita na nakaupo sa Sofa sa Living room.
“Masyado ba po ako matagal? Kanina po ba kayo diyan” tanong ko pero umiling lamang sila at nginitian nila ako ng napakatamis habang tiningnan nila ako mula ibaba pataas kaya nailang ako tuloy.
“May problema ba sa suot ko??” Naiiling ko itong tanong habang napakakamot ako sa aking ulo. Iba kasi silang makasuri e.
“You look, your so blooming today hijah, so let’s go” nakangiting ani ni Mamita. Agad na ring hinawakan ang aking palad dalawa kami ni Grey, you look parang teen ager tuloy si Mamita.
Pumasok na rin kami sa loob ng Van at sinara nila muli ito at agad na nilang pinaharurot ang Van palabas ng Mansyon.
After a few minutes sa aming byahe ay nangunot noo ako ng makita kami sa tapat ng parlor, teka anong ginagawa namin rito. Kala ko ba resort ang patutunguhan namin.
“Hijah, Parlor muna tayo I think kailangan nating maging fresh sa totoo nga e parang okasyon iyon. Kaya magpaayos tayo”
“Ahh, ok naman po yung ayos ko ho diba ok lang po kayo na lang” tanggi ko, pero marahan lamang niya ako hinila habang si Grey naman ay nakahawk ng IPad,naglalaro.
“Mamita ok na po yung ayos ko”
“Sige na hijah, sige ka magtatampo ako pag hindi tayo mag paparlor, 5 pm pa lang naman iyon magsisimula” pangungumbinsi niya sa akin kaya literal na nanlaki ang mga mata ko. 5pm ka niya paano na yung birthday ko,seriously walang nakakaalala sa kaarawan ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy I feel so sad at nagtatampo na rin ako.
I can’t believed na wala talagang nakakaalalala sa birthday ko. Namalayan ko na lang na nakaupo na pala ako sa harapan ng malawak na salamin.
“Relax hijah aayusin ka lang nila ok” nakangiting ani ni Mamita. Nagsimula na nila akong ayusan I feel kinikiskisan nila ang kilay ko, animoy mine makeupan nila ako. Hinayaan ko na lang kung anong ginagawa nila sa aking muka wala naman sila sigurong gagawin na masama sa aking muka.
“Perfect, madam mas lalong gumanda tong anak niyo” tili ng bakla.
“She’s not my daughter, manugang ko siya thank you sa pag aayos mo sa kanya” nakangiting ani ni Mamita. Bahagya naman akong napalingon sa harapan ng slamin, napakumot naman ako ng makitang naka light make up ako at nakaayos ang buhok ko.
“Maganda ba hijah, you like it” tanong ni Mamita, na may bahid na saya sa kanyang muka. Pero ako sa kalooban ko ang lungkot ko ngayon, napayuko na lamang ako.
“Hijah you look so sad, huwag kang sumimangot riyan. Baka masira ang make up mo dapat smile lang” malumanay na sinabi ni Mamita. Pilit ang ngiting rumihistro sa aking muka.
“So let’s go, excited na ako hijah” sabay hila sa akin. Palabas ng parloran.
DAMION CAMPBELL’ POV
Finally natapos ko na ring naipaayos ang event na ito. I just want to surprise Sarah. I know she so sad dahil inutusan ko ang mga tauhan ko sa Masyon ni Mom kung kamusta si Sarah doon. Medyo nakokonsensya rin ako sa kalagayan niya but I’ll hope na ngayong gumabi na ay, pasasayahin ko na siya.
Wala siya kasing kaalam alam, she thought na walang nakakaalala sa birthday niya ay hindi, palabas lang namin nina Mommy at Grey sa mga kinikilos namin upang isurprise si Wife.
Hanggang ngayon kasi kasi hindi ko pa rin nakakalimutan kagabi, yung nanyari uli sa amin. Naka 2 rounds kami eh. Yeah, tinotoo ko yung sinabi ko na hindi ako titigil hanggang hindi ako nakakabawe o nakakaganti at nagsasawa dahil sa panbibitin niya sa akin.
We both did, she respond kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa na gawin iyon. Gusto ko pa sana mag more rounds kaso tinulugan na nya ako. Napagod ko siguro siya ng husto.
I love her, i love her so much. More that anyone and anything. Lagi naman e lubos lubusan na iyon na binibigay ko she’s everything, she’s my happiness
I never thought na siya pa rin ang minahal ko sa kabila ng lahat na nailayo ako sa kanya, gusto lang naman na matanggal ang pangungulila ko sa kanya, but Im was wrong hindi ko pala kayang kalimutan sa aking puso, at ang pagmamahal ko para sa kanya but i have no regrets, shes the best thing that i ever had.
Wala akong pinag sisisihan na sya ang babaeng pinagpatuloy na minahal ko, kaya ngayon handa kong pakasalan siya at makasama hanggang sa huli naming hininga.
And this time wala ng makakapigil pa sa amin, she will stay as my beloving girl and i as her husband soon. Bubuo kame ng masayang pamilya at isang dosenang mga anak, para masaya maraming bata sa aming tahanan.
Naupo na lamang ako rito sa may kubo habang hinihintay ko si Sarah sa pagdating nila para mainform ko kaagad sa loob na paparating na siya. Madilim kasi sa loob. Syempre madali na ang oras 5pm pa lang kasi didilim na pag...


lumalayo na at nalilipasan na ang month.
SARAH SILVESTER’ POV
TUMIGIL na rin ang Van sa tapat ng Resort, napatingin naman ako sa pangalan ng Resort. ‘Campbell Resort’. So pagmamay ari pala nina Damion ito hindi ko aakalaing may resort pala silang negosyo so dito pala gaganapin yung event na sinasabi ni Mamita. Agap na rin nilang binuksan ang pintuan ng Van kaya lumabas na rin ako.
Namangha naman ako sa kaganda ng Resort na ito ang daming halaman at mga orchids lalo na yung ayos ng billionaires bine na naisilong sa daan na may nakaayos sa giliran nito na orchids.
Grabe sobrang ganda talaga. Mas lalo akong nahuhumali sa taglay na ganda sa resort na ito. Sabay sabay kaming humakbang sa bawat dadaanan naming halaman. Natanaw ko rin agad ang malawak na pool at hindi lang iisa meron ding mga pang activities na naform sa kanilang pool na mas malawak pa lalo.
“You like it, maganda ba ang resort namin hijah, napapansin ko kasi ang saya saya mo habang humahakbang” nakangiting ani ni Mamita.
“Sobra Mamita ang ganda naman rito, hindi ko aakalaing may ganito palang kagandang resort ang galing na pagkakadesenyo at ayos ng resort niyo”
“Yeah marami ring turista na pumupunta rito, actually nung last month lang ito napabukas” nakangiting sambit ni Mamita.
“So let’s go baka malate pa tayo sa event”
Humakbang na rin ako sumunod habang nililibot ko ang resort na ito.
Pumasok na kami sa isang malaking building parang hall siya pero nangunot naman ako ng habang tumatagal ay agad ko ng nahagilap sa aking mata na madilim. God ano ba to.
“Mamita bat ang dilim naman rito, kinakabahan ako tuloy” hindi ko maiwasang masidlan ng kaba ang puso ko.
“Oo nga bat ang dilim naman rito” takang sinabi niya. Parang ayaw ko nang tumuloy pa naninindig na rin ang balahibo ko.
“Wait lang hahanapin ko lang ang switch dito ka lang hijah huh, nakalimutan nila sigurong nagbukas ng switch rito. Talagang mga staff ko talaga” mahinahong ani ni Mamita.
“Grey asan ka” tawag ko pero walang sumagot, asan na ba yung batang iyon. Iniwan pa ako rito. Pero paano kung, huwag naman sana mali ang iniisip ko. Siguro napaparanoid lang ako.
“Mamita asan na kayo” tawag ko kay Mamita, pero wala ring sumagot biglang bumugso ang lakas ng kabog ng aking puso. Ano bang nangyayari naku naman o kinakabahan na ako.
Papalapit na sana ako ng diretso at tinawag ko ng malakas sina Mamita at Grey ng bumukas ang ilaw.
“Surprise!!!!!” Umalingasaw na sigaw ng loob ng building na ito. Nagulat naman ako at hindi ko namamalayang napatakip ako sa aking labi at nanubig ang mga mata ko ng makita ko ang ayos rito at makilala ang mga tao rito. My gosh ano to tears of joy na ba ito.
“Tay, mga Tita ko”
“Daddy”
“Yumi and my friends”
“At pati na rin sa mga kaibigan nina Dam at sa mga couples nila”
“Hey wife why are you crying” natatawng tanong ni Damion.
I move closer to Dam at napayakap ako saka hinapit pa nya ako palapit sa kanya, feeling ko kasi hindi na nila naalala pa ang birthday ko kaya for me im so happy, hindi ko aakalaing isusurprise nila ako naiiyak na ako dahil sa saya.
Nang mayakap ko na sya ng mahigpit ay dinikit ko ang bibig ko sa may tenga nya before whispering these words, pero saglit akong natigilan ng may inabot sa akin na ilang pirasong roses kaya agap ko itong tinanggap at hinagkan
“I love you so much hon, thank you!”
Nagitigilan ako ang masuyo nyang haplusin ang pisnge ko.
“I love you too wife, happy birthday”
Halos pabulong nyang tugon saken yung boses nya ay puno ng ligaya, so ako lang talaga yung nakakaisip na walang nakakaalala sa birthday ko Ibang klase naman epekto saken ng mga malalapit sa akin.
“Hon, mamaya bago tayo matulog bibigyan mo ako ng Price we make love again”
Natatawa niyng bulong pa sa aking tenga ko, awtomatiko naman napunta ang kamay ko sa taligiran niya at kinurot siya roon. Wow huh ano to gantihan ganun e kung putulin ko kaya yang kaibigan niya.
“Aww, ok fine. Im just kidding, so tayo na kainan na.”
Pag sukong saad niya agap naman nyang hinapit ang aking bewang ko at pinulupot ang kanyang braso sa bewang . Rinig ko pang ang mahinang pag tawa nila bago muling isiniksik ang sarili ko sa kanya. Pero natigilan ako ng nakita ko si Bea na paparating
Anong ginagawa ng higad rito, don’t tell me na gagawa siya ng eksena sa araw ng birthday ko. Napatingin naman ako kay Damion na ganun rin na magkasalubong ang kilay nto animoy iisa lang ang aming iniisip.
“Hi Damion” nakangiting bungad niya but biglang napansin ko na hindi kasing kapal ng muka niya ang make up niya saka hindi kinulang sa tela.
“And what do you think what are you doing here??” Taas kilay kong tanong.
“Hey anak, she’s your cousin” bungad sa akin ni Dad. Pero yung inis ko hindi pa rin naalis sa aking muka.
“I know na may nagawa akong kasalanan sayo, hindi ako pumunta rito para guluhin ko kayo ni Damion. Narealize ko kasing hindi na tama yung ginagawa ko and syempre pinsan kita kaya humihingi ako ng tawad sayo Sarah I’m so sorry kung nasaktan kita” malumanay niyang sinabi sa akin saglit ako napatingin kay Damion.
“Then good, kung sa ganon” seryosong sinabi ni Damion.
“Sarah I’m really really sorry for everything na nagawa ko” sabay luhod sa akin kaya agap ko siyang pinigilan.
“Ok pinapatawad na kita Bea sana nga totoo na yan” nakangiting ani ko, ngimiti siya at tumango.
“Thank you and happy birthday” sabay yakap sa akin kaya hinagod ko ang kanyang likod. Napatingin ako kay Damion na seryoso lamang siya nakatingin sa akin na animoy wala pa siyang tiwala sa ngayon.
————
Pagkatapos ng mga iyon ay binati nila ako isa isa na malalapit sa akin at pati sa mga bisita ni Papa, Mamita pati si Dad. May mga regalo sila sa akin.
“O eto bess, damit na ng mga baby yan huh” nakangiting ani ni Kevin sa akin,napatawa naman ako.
“Sure ka na ba sa bigay mo huh, alam mo na ba gender ng mga anak ko? ” natatawang ani ko.
“Don’t worry same gender clothes na mga iyan” nakangiting ani ni Kevin.
“Ako kasi damit baby na pambabae ang binili ko Sarah siya naman panlalaki” nakangiting ani ni Aika. Napangiti na lamang ako.
“Thank you”
“Ehemm, ako naman eto” sabay lahad ni Lucas. Grabe naman ang lalaki ng mga gift nila.
“Diaper, mamador at ibang kailangan ni baby nandiyan na” nakangiting ani ni Lucas. Nagawa naman ako. Kala ko ba may para sa akin halos lahat ay para kay baby.
“Ako duyan ng kambal ang gift ko sayo Sarah” natatawang ani ni Jade.
“Sarah eto o pasensyahan mo na lang huh formal dress lang ang regalo ko sayo” nahihiyang ani ni Trixie. Napayakap naman ako sa kanya.
“Its ok naiintindihan kita, kala ko kasi ay para kay babies lang mga regalo niyo sa akin.” Nakagusong ani ko, natawa naman sila. Nang matapos na ang mga kaibigan kong newly at mga old friend ko naman ang nasunod.
“We miss you Sarah” sabay nilang lima. At niyakap nila ako.
“Yumi, Mich, Sia, Lia, Aya. Miss ko rin kayo” sabik ang aking mga yakap na inalay ko sa kanila.
Ibinigay na rin nila ang mga gift nila sa akin, pati na rin sina Dad, Tay at iba pa. Grabi andami nito huh.
“Amm, Sarah juice for you” nakangiting ani ni Bea. Tipid na ngumiti ako sa kanya umalis na rin siya, favorite juice ko ito. Iinumin ko na sana ng tumunog ang phone ko kaya inilapag ko muna sa table at sinagot ito.
“Hello po” natigilan ako ng may batang bumungad sa akin. Uy ang cute naman nito.
“Hello baby, ano iyon. What’s your name and how are old you now” nakangiting tanong ko.
“Kasi po naghahanap ako ng juice, ako po pala si Bianca I’m 6 years old” nahihiyang ani niya sa akin, so naghahanap pala siya ng juice.
“Ahh ganon ba, sige sayo na lang to. Kukuha na lang ako ng bago para sa akin” nakangiting inilahad ko sa kanya ang juice.
Ngumiti naman siya agad na ininum ito, tinalikudan ko na siya para sagutin ang tawag.
“Hello Hub,”
“Sarah, nainum mo na ba ang juice” nagpapanic niyang tanong, teka ano bang nangyayari sa kanya.
“Hindi, binigay ko sa bata kasi naghahanap siya kasi ng juice na inom na niya, bakit anong meron?”
“Oh shit its to late, f*** her”
“Huh Damion, nanyayari sayo” nag aalalang tanong ko, saglit lang kami hindi nagkasama ganyan na siya.
“Oh god Sarah, Bea is pretending. Yung juice na yun binigyan niya ng lason para malason ka but shit ngayon nakabiktima na siya ng iba” agad kong nabitawan ang phone ko sa lamesa. Literal na nagulat ako.
“Oh gosh, no!!! Help me” umalingasaw ang boses ni Bea. Agap kung tinungo ang kinaroroonan nila marami na rin ang pumalibot rito kaya pumunta ako sa unahan. Pero ganon na lang ng makita ko si Bianca na bumubula ang bibig nito.
“Baby no, huwag mong iwan si Mommy, anong nanyayari sayo” hagulgul ni Bea. Anak niya ba si Bianca. Napatakip na lamang ako sa aking labi dahil gulat…..
“May anak na siya??”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top