Ako Naman


❤❤❤
Isang Linggo pagkatapos ng kasaL ay lumipat na ng Ibang isLa ang mga maguLang Ni totoy..
“Marya ..ingatan mo ang anak ko “, biLin ng nanay ni Totoy.
“At ikaw naman totoy. Wag mo papabayaan si Marya “, bilin din ng tatay Ni Totoy ..
“opo Nanay. Opo Tatay “, sabay na sagot namin ni totoy..
Yumakap muna kmeng dalawa ni totoy sa mga maguLang nya at saka hinintay naming makaalis ang bangkang sinakyan niLa..
Nung d na nmin matanaw ang bangkang sinakyan ng magulang nya ay umuwe na kme sa bahay Nila..
Masyado ng luma ang bahay niLa.. Pero pwede pang tirhan kaso kinausap ko si Totoy na kung pwede ay ipagiba na agad para maipagawa na agad…
Di kse alam ni totoy na bago pa kme ikasaL ay nagLoan na ko para sa pampagawa ng bahay namin.. Pero di ko sinabi yun sa kanya dahiL baka isipin nyang minamaliit ko sya.. Alam mo na baka masyadong masaktan ang pride nya..
Yung nalikom namin sa kasaL ay pinambili ko ng baboy para alagaan …dun ko nlng aalagaan kela tita..
Kaya ko nman yun.. Papakainin ko bago umalis saka pakakainin ko ulit pag uwe ko ng tangHali at ska hapon..
Giniba na ang bahay na barong barong niLa totoy pero di ako bumili ng mga materyales saka nLang pag alis ni totoy..
Kailangan ko lang magbudget para mapakasya ang perang hawak ko.. Kahit kalahati ay semento at plywood lng ang kalahati ay ok na.. Basta may sarili lng kmeng kwarto ni totoy na kapag may bisita kme ay meron parin kmeng privacy.. Kahit maliit lng basta maayos na tirahan bago kme magkaanak..
Dalawang linggo mula ng umalis ang mga magulang ni totoy ay nagpasya narin syang pumunta sa tiyuhin nya sa MayniLa ..
Mas pabor yun sa akin para maipagawa ko na ang bahay…
Bukas na ang alis ni Totoy ..
Inayos ko na rin ang mga dadalhin nya para bukas kaya magkatabi kme ngayon para matulog..
“Mag iingat ka dun “, biLin ko sa kanya..
Tumango ito..
“ikaw din.. Mag iingat ka dto.. “,sabi nito..
Niyakap ako nito saka hinalikan..
“Mahal na mahal kita Marya..”bulong nito..
Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya inunahan ko na si totoy..
“mahal na mahal din kita pero di ako pwede ngayon.. “, bulong ko sa kanya..
Nakita kong sumingot ito..
“Ang malas naman “, pagmamaktoL nito..
Tumawa nlang ako saka ito hinalikan sa labi at ginawang unan ang braso nito..
“Mamimiss kita “, sabi ko kay totoy bago ipinikit ang mga mata ko..
Kinabukasan ay maagang nagising si Totoy para sa pag alis nya ..
Nalulungkot man ako ay titiisin ko..
Saglit Lang nman ang isang taon..
“Ingat ka dun “, bilin ko saka hinalikan ito sa labi..
Tumango...


ito saka umakyat na ng bus.
Pag alis ng bus ay may natanggap akong text..
“Mahal na mahal kita Marya.. Ingatan mo ang sarili mo.. Mamimiss kita.. “, text ni totoy..
Napangiti ako ..
“Ang sweet nman “, reply ko .
Mabilis lumipas ang araw at sinimuLan narin ang pagpapagawa ng bahay namin ni Totoy..
Di nya alam na sinisimuLan na tong gawin..
Ang alam nya kse ay nag iipon pa kme ng pampagawa..
Ang pinapadala nyang pera tuwing sabado ay tinatabi ko..balak ko kseng pagnabinta ang mga baboy ay bibili ulit ako ng biik saka ang subra ay idadagdag ko sa pagbili ng bangka..
Para sa pagbalik ni Totoy at gusto nyang mangisda ay may sarili na syang bangka at di na namin kaiLangan pang makiamo..
Para ang kita namin sa pangingisda nya ay wala ng hahatian pa..
Nagtatawagan kme at magkatext palagi sa selpon.. Sa tuwing break time ni totoy..
Ok nman ang takbo ng relasyon nmin..
Ako nman kung saan saan ako napunta para puntahan ang mga islang walang sariling center ..naghahanap kme ng mga batang wala pang bakuna..
Nag eenjoy ako sa trabaho ko khit magkalayo kme ni totoy..
Minsan talaga kaiLangan nyo lng magsakripisyo para sa ikakabuti ng bawat isa..
Mabilis lumipas ang apat na buwan.
Dalawang buwan palang ay tapos na ang bahay namin ni Totoy ..kaya nagpaalam na ko kay tita na lilipat na ko ng bahay
“pero anak.. Ikaw lang mag isa dun.. “, sabi ni tita ‘ kung ako Lang ayaw kong lumipat ka “, malungkot na sabi nito.
“Hayaan mo na yang si Marya.. Mas maganda nga yan para matotong tumayo sa sarili nyang Paa. “, sab nman ni tito.. “saka ang lapit lapit lng ng bahay niLa.. Pwede mo syang puntahan ..
“oo nga tita.. Saka pupunta din nman po ako dto.. “,
Wala ng nagawa si tita kundi ang pumayag..
Masaya kong nilipat ang mga gamit ko at ang mga regalo nung ksal namin ni totoy ay magagamit ko na.
Masaya akong inayos ang mga gamit sa bahay..
Nang matapos na ay natawa ako..
Kakaunti lang ang gamit pero masaya..
Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay nakaramdam ako g antok kaya natulog na ko..
Isang Linggo lng mula ng makalipat ako ay naibenta ko na rin ang baboy ..
Bumili ulit ako ng tatlong biik para pamalit dun sa ibenenta ko..
Inabutan ko din si tita ng pera para sa panggastos nila ni tito ganun din sa magulang ni totoy..
Pinayuhan ako ni tito na magpagawa nalng ng bangka kesa bumili..
Mas matibay daw at suLit kaya sa halip na bumili ng bangka ay nagpagawa ako ..sinunod ko ang payo n tito..
Napansin kong simula ng lumipat ako ng bahay ay d narin nagparamdam si totoy..
-itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top