Ako Naman End


❤❤❤
Kahit ok na ang estado ng buhay namin ni totoy ay di parin ako tumigiL sa profession ko…
MahaL ko ang profession ko at masaya ako sa trabaho kong ito..
Wala ngayon si Totoy.. Isang Linggo sya sa MayniLa dahiL may bago kmeng buyer ng isda..
“Ayaw mo ba talagang sumama?? “paglalambing nito..
Ngumiti lang ako ..
“Kaya mo na yan saka may tiwala ako sayo “,
Ayaw ko talagang sumama dahiL masama ang pakiramdam ko nung mga nakaraan pang linggo ..
Ayaw ko ng magp.t dahiL baka wala na nman.. Ilang beses narin kse akong umasa.. At ang sakit ..
Umalis na nga si totoy papuntang mayniLa ..
Limang araw na ang nakakalipas..
Nsa bayan ako ngayon at dto ako naka duty ngayong araw..
NaguLat ako ng makita ko si Tom..
Pero dahiL siguro matagaL na yung ginawa nya ay napatawad ko na sya..
Pagkatapos ng duty namin ay nilapitan ako ni Tom..
“Marya pwede ba tayong mag usap ..”,
Tumango ako..
“Sa pyer nlang para makauwe narin ako sa baryo namin pagkatapos..”, sabi ko kay Tom
Pumayag din nman ito .
Pagdating namin sa pyer ay umupo kme sa bakanteng upuan sa waiting shed..
“Marya.. Pasensya ka na dun sa nangyare.. Alam kong matagaL na yun pero pinagsisisihan ko yun at gusto kong humingi ng tawad “, malungkot na sabi nito sa akin..
Tiningnan ko ito saka ngumiti..
“Hayaan mo na yun.. ‘matagaL na yun saka napatawad na kita… Dahil nga sa ginawa mo ay mas naging close kme ng tita at tito ko.. Kaya salamat sayo “, nakangiti kong turan dto saka hinawakan ko ang kamay nito at pinisiL ito.. Gusto kong iparamdam kay Tom na totoong napatawad ko na sya..
Tumingin sya sa akin saka pilit na ngumiti ..
Sa ganung tagpo ay narinig ko ang boses ni Totoy..
“Marya!!!
Sa bigLa ko ay nabitawan ko ang kamay ni Tom.. At saka mabilis na lumingon..
Saktong paglingon ko ay ang paghawak Ni totoy sa braso ko ..saka mabilis na hinila palayo kay Tom..
Masakit ang nakabaong mga daliri ni Totoy sa braso ko..
“Totoy nasasaktan ako.. “, mahinang sabi ko dto..saka medyo nakaramdam narin ako ng hilo..
Huminto din nman agad ito sa paglakakad at medyo niluwagan ang pagkakahawak sa braso ko..
” Baka nakakalimutan mo Marya.. Asawa mo na ko “, galit na turan Ni totoy sa akin..
Ngumiti ako saka hinaplos ang mukha nito..
“Di ko yun nakakalimutan… “, huling salitang binitiwan ko bago ako nawalan ng malay..
Dahan dahan kong iminuLat ang mata ko..
Nakita kong hawak hawak ni totoy ang Kamay ko.. Habang nakaupo ito sa upuan at natutukog sa gilid ng higaan ko..
Pinagmasdan ko ito..
Napakagwapo talaga nya… Di mo mahahalata na lumaki syang mahirap dahiL talagang ang laki ng pinagbago nya..
Hindi na rin magaspang ang kamay nito..
Napangiti ako saka marahang hinaplos ang mukha nito.. DahiL sa ginawa ko ay nagising ito..
Agad rumihistro sa mukha nito ang pag aalala “Marya kamusta?? Anong nararamdaman mo?? “sunod sunod na tanong nito…
Umiling ako saka ngumiti..
“Ang O.A mo ata Totoy ,nahilo lang ako dahiL sa pagod.. “,
Di ito nagsalita at mabilis akong niyakap ng mahigpit..
“Mahal na mahaL kita.. Kayo ng magiging Baby natin “, bulong nito sa akin..
NaguLat ako sa sinabi nya kaya nilayo ko sya sa akin para tingnan nya ko..
Nagtatanong ang mata ko at masayang masaya itong tumango ..
” six weeks ka ng buntis Marya!! ” masayang masaya talaga ito..
Sa sinabi ni Totoy ay umiyak ako.. Sa tagaL kong hiniling sa Diyos na sana Bigyan nya na kme ng anak.. Ngayon ay...


binigay nya na..
Ako na ang kusang yumakap kay Totoy …
“magiging Nanay na ko “, sambit ko..
“Magiging tagay na ko “, sabi din ni Totoy ..
Para kmeng iwan na paulit ulit binibigkas ang mga salitang yun ..
Tawa iyak kameng dalawa ..wala na kmeng pakialam sa ibang taong padaan daan ..Nasa hospitaL kme ng bayan..
Dito ako dinala ni totoy ng mawalan ako ng malay..
Kinabukasan ay nakalabas narin ako sa hospitaL..
Di nman ako maselan sa pagbubuntis kaya Wala nmang naging problema ..
Hanggang sa mabilis na lumipas ang buwan at nanganak na ko..
Mas piniLi kong NormaL delivery dahiL ayaw kong i CS ako..
Double ang sayang naramdaman namin ni Totoy dahiL hindi lang isa ang baby namin kundi kambaL ito..
Dalawang magagandang mga babies..
PinangaLanan ko itong sina LOVE at KISSES..
dahil sa pagmamahal na meron ako para sa asawa kong si Totoy at ang di ko malimutang first KISS na iginawad sa akin ni Totoy …
Isang gabi Lang kme sa HospitaL at nakalabas din agad..
Nakaupo kmeng dalawa ni totoy at masayang pinagmamasdan ang payapang natutulog naming mga munting angheL..
“Ang gaganda ng anak natin Marya ..manang mana sayo “, puri nito..
Kinurot ko ito sa tagiliran.. “Asus.. Alam ko na yun.. Saka wag kang ano jan.. Di pa pwede kakapanganak ko plang “, biro ko..
Tumawa ito..
“Pilya ka talaga kaya Mahal na mahaL kita “, bulong nito sa akin..
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalik halikan ito..
“Maraming salamat sa pagmamahal na ibinigay mo para sa akin.. Maraming salamat at binigyan mo ko ng mga anak.. Maraming salamat at tinulungan mo kong abutin ang mga bagay na meron ako ngayon khit alam ko dating malabong mangyare.. Salamat ng marami Marya.. Hayaan mong AKO NAMAN ang bahalang iparamdam ang pagmamahal ko pra sayo.. Hayaan mong AKO NAMAN ang mag alaga sayo at sa mga anak natin.. AKO NMAN ngayon ang bahalang suklian ang ibinigay mong pag intindi at mga suporta.. AKO NAMAN ngayon Marya ang umako sa mga responsibilidad na inako mo pra lang sa pamiLya natin… “,emosyonaL na turan nito..
Subrang subrang saya ang naramdaman ko dahiL sa sinabi ni totoy..
Walang tigil sa pag agos ang mga luha ko..
Wala na kong masabi kundi ang umiyak nLang sa labis na sayang nararamdaman ng puso ko..
Hinalikan ako ni Totoy at tumugon ako ng buong pagmamahal..
“Di ko man naranasang haranahin habang namamanhikan ay naranasan ko namang MAPIKOT. ” biro ko kay totoy sa kabila ng mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.. “Di ko man maranasang ikasal sa simbahan at magkaroon ng engrandeng handa ay ok lang dahil naging ninong ko nman si Mayor.. Mas bongga yun.. At kahit ginahasa mo sa araw ng honeymoon natin ay sulit nman “, huminto muna ako bago ngumisi “Matagal man tayong nagkaroon ng anak pero kita mo nman.. Di Lang isa ang binigay sa atin kundi dalawa pa “, nakangiti kong turan kay totoy habang nakatingin sa mga mata nito..
Sa sinabi ko ay niyakap ako nito ..
“Mahal na mahal talaga kita Marya ”
“Ako din Mahal na mahaL din kita John.. “,
Hahalikan na sana ako ni Totoy ng biglang umiyak ang kambaL..
“istorbo kayo mga anak “, biro ni totoy ..
Natawa naLang ako.. Saka tinuLungan si totoy na patahanin ang KambaL..
Mahirap man ang buhay ay sigurado na kong mabibigyan namin ng magandang kinabukasan sina LOVE at KISSES.
END ❤
salamat sa Lahat ng sumuporta ng story nina MARYA AT ESANG..
Sana po ay nag enjoy kayo ❤
Author ng “MUNTING PANGARAP NI ESANG ” at “AKO NAMAN”
❤❤❤






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top