The_lost_daughter Chapter_14


Dahil di ako makatulog,ay pumunta muna ko nang harden,at naupo habang nakatingin sa langit..
Namimiss ko ang inay ko,at sino kaya ang totoo kung mga magulang hinahanap kaya nila ako,o baka hindi na dahil iniwan na nga nila ako sa kakahuyan..
Natigil ako sa pag iisip nang lumapit sakin si Manang flor,at naupo sa tabi ko..
Di kaba makatulog chuchay,tanung ni manang.
Opo manang namimiss ko si inay.
Hayaan mo chuchay nakatingin lang ang iyong inay sa langit,sigurado akong masayang masaya siyang nagkaroon siya nang anak na katulad mo,masayahin mapagmahal at mabait..
Ang totoo niyan manang hindi si inay ang totoo kung ina,nakayuko kung sabi kay manang..
Napulot lang daw ako noon ni ina sa kakahuyan,kung sino man ang mga magulang ko yun ay hindi ko kilala.
Hah..ang inay mo ba ang nagsabi sayo niyan chuchay.
Opo manang..
Agad akong niyakap ni manang,kawawa ka naman anak.
Hayaan mo mahahanap at makikilala mo din ang totoo mong mga magulang may awa ang diyos,kasi napakabuti mong bata.
Halika na,matulog na tayo yaya ni manang flor agad naman ako tumayo at sinabayan si manang flor bumalik sa kwarto namin..
Naiwan naman tulala si Christian sa narinig niya,iinom lang sana siya nang tubig nang makita niya si manang flor at chuchay.
Lalapit sana siya kaso nahinto siya nang marinig niyang seryoso ang usapan nang dalawa.
Nakaramdam siya nang awa kay chuchay,hindi niya akalain na sa pagiging masayahin ni chuchay,matinding lungkot pala ang nararamdaman nito.
Sabado nang hapon nang makita ko si manang nanunungkit nang mangga..
Manang,tulungan na kita,aakyatin ko na lang yung puno pra hindi kna mapagod kakasungkit.
Wag na chuchay baka mahulog kapa..
Naku manang wag kang mag alala sanay ako umakyat nang mga puno.
Nasa taas na nga ako ng puno nang mangga at inihagis ko lang sa malaking basket na dala ni manang ang mga,mangga..
Tuwang tuwa si manang sa kakasalo nang mga mangga..
Nasa bintana naman si Christian nakatingin lang kila manang at chuchay,at natatawa kay manang..
Subukan ko din kaya umakyat,matagal narin ako hindi naka akyat nang puno,bulong nito sa sarili..
Kaya lumapit nga siya kila manang at chuchay..
Manang aakyat din ako tulungan ko kayo mag harvest nang bunga,bungad na sabi nito na ikinagulat ni manang..
Asusss..maryusepp,sir wag na ho baka mahulog pa kayo diyan..
Pero hindi nakinig ang binata at tinuloy tuloy ang pag akyat sa puno.
Sandali lang kukuha lang ako nang malaking basket pa,sigaw ni manang flor sa baba..
Nakita ko naman na naka akyat na si sir at malapit na sakin na nakahawak sa sanga..
Sir kapit mabuti sigaw ko..
Maya maya ay niyugyog ko nang malakas ang sanga na hawak niya..
Chuchay!!!! Sigaw niya..
Hindi ako napahinto sa sigaw ni Sir kundi napahinto ako sa...


sigaw nang nasa baba..
Oouucchhh itigil niyo yan,boses nang babae..
Pagtingin namin si Syra nahulugan nang mga manggang hinog..
Nang makita iyun ni Christian ay agad naman siya bumaba..
Sumunod din ako bumaba para mag sorry kay maam syra.
Pero nagulat ako nang hawakan ako sa bewang ni Sir Christian pababa,at napatitig sakin nang matagal.
Sa inis ni Syra sa nakita niya ay agad ito umalis.
Natigil lang ang pag titig sakin ni sir christian nang mapansing umalis si syra kaya sinundan niya.
Syra sigaw nito kaso di ito narinig ni syra at agad pinaharurot ang sasakyan..
Sa mansyon nang mga Fernandez..
Pabagsak na sinirado ni Syra ang pinto sa sobrang inis.
Nang makita niya Daddy niya ay bigla itong umiyak at yumakap..
Ano bang problema mo anak,agad na tanung ni Don federico kay syra..
Daddy hiwalay na kami ni Christian hindi na niya ko mahal,hagulhol nitong sabi..
Ha!? Bakit!? Kala ko ba malapit na kayo ikasal..
May dumating kasing malanding babae, nilalandi si Christian..
Sino naman ang babaeng yun,para paiyakin ka niya sabat ni Madam mariel na papalapit sa mag ama..
Mommy,kasama ni Christian sa bahay katulong niya,iyak nitong sumbong sa mommy niya..
Isang katulong,lakas naman nang loob niya para paiyakin ka,inis nitong sabi.
Tama na,tama na kausapin ko na lang si Christian pag nakita ko sa opisina,sabat ni Don federico para tumahimik na ang mag ina.
Araw na nang anibersaryo nang kompanya nila Don Federico at Christian..
Chuchay tawag ni christian kay chuchay na buzy sa kanyang ginagawa..
Ano po iyun sir,agad na na tanung ko nang makalapit na ko kay sir.
Maghanda ka mamayang alas sais nang gabi samahan mo ko..
Saan naman po sir agad kung tanung.
Basta,malalaman mo din mamaya..
Naghanda na nga ako nang maisusuot ko,napakamot pako sa ulo ko.
Naguguluhan kung ano isusuot wala naman kasing sinabi si sir kung ano ang isusuot.
Kunti lang mga damit ko ang lahat ay luma na,kaya ang napili ko na lang suotin ay pants na itim at malaking tshirt na itim,pinarisan ko pa ng sumbrero.
Magiging bodyguard ako mamayang gabi kay sir,bulong ko sa,sarili habang tinitingnan ang sarili sa salamin..
Paglabas ko nang kwarto ay nagulat ako na nakatingin ang lahat sa akin,si manang flor at ate inday na ang tapang tumingin,napadako naman ang tingin ko kay sir Christian na seryoso ang mukha,katabi nang dalawang bakla na naka cross arm..
Kami na ang bahala dito sir,sabi nang isang bakla.
Dahan dahan na lumapit sakin,inihanda ko naman ang kamao ko.
Bakit anu gagawin niyo sakin,agad kong sabi.
Hinawakan nang bakla ang kamay ko at pinababa ang kamao ko.
Wag kang mag alala hindi kami mkipag boksing sayo nuh,babae kami..
Kaya gagawin ka naming diwata,malandi na sabi ng bakla..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top