IT WAS ALWAYS YOU Chapter 18


”Mr.Mendoza,Mrs.Mendoza..nakita po namin ang kotse at cellphone na naiwan ni Galvin Santiago sa isang inaabandonang Pension house doon sa isang liblib na lugar..at sigurado kaming baka nga doon din itinago ni David Ocampo ang anak nyo..” paliwanag ng mga kapulisan
”Nakakulong na si David Ocampo at ang mga tauhan niya di ba?saan naman niya itinago ang anak ko at si Galvin Santiago?” takang tanong ni Helen
”Gumawa na po kami ng Investigation,mahirap paaminin si David..Mrs.Mendoza..pero gagawa agad kami ng action..” patulog ng Pulis
”Oh my God,sana ligtas lang ang anak natin..”
Kinuha nila ang cellphone ni Galvin at nabasa ang mga text galing sa David na iyon at ang milyones na usapan nila.
******
“Bakit gising ka pa?” tanong agad ni Galvin nang mapansin niyang nakadilat pa ang mga mata ni Clarence
“Paano ako makatulog niyan?ang lakas mo namang makahilik diyan!!”
“Ako,naghihilik?natulog lang naman ako ha,” natatawa niyang saad
“Samahan mo ako dito Galvin..please,”
“Nandito naman ako sa baba,babantayan naman kita..natatakot ka ba?”
“O-oo ,para kasing..basta,hindi ako sanay sa ganito kadilim..” nag-alalang sagot niya
”Ok lang ba?yayakap sa iyo Clarence..para makatulog...


ka..”
Nagtabi sila sa isang higaan at patalikod siyang nahiga,naramdaman agad niya ang mga kamay ni Galvin na nakayakap sa kanya.Hanggang nakatulog siya.
****
“Mr.Galvin Santiago,the owner of La Fortuna Resort.Gwapo,makisig,mayaman at kilalang Businessman..pero nakikita kong nakasibak ng kahoy??!!!” natatawang sabi ni Clarence nang umagang makita si Galvin na nagsisibak
”Hey,good morning!?gising ka na pala,ano ulit iyon?gwapo?makisig?” natatawa nitong tanong at hinubad ang sout niyang damit dahil pinapawisan siya.
Agad namang nag-iwas ng tingin si Clarence pero nakita niya ang mala-abs na katawan ni Galvin.
“And you are?Ms.Clarence Mendoza a topfan model at sikat sa States. Maganda,Seksi,a multimillionaire pero nakikita kong nakadaster at nagdala ng walis..” ganti ni Galvin
“What?!!!what did you say?bakit kilala mo ako Galvin? At paano mo nalaman?” takang tanong ni Clarence
“I’m your stalker,I have four eyes and five ears..malamang sa tagal na nating nagsama kilala na kita..”
“What do you mean?,inalam mo ang buo kong pagkatao?” takang tanong niya dito
”I have to tell you Clarence, sana maintindihan mo para malinaw sa iyo ang lahat..”
“Ano naman iyon?” may galit at pagtataka ang boses niya






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top