I’LL NEVER GO CHAPTER 4


Nang sumapit ang pasukan ay pinag enroll nga ako ni Maam Pia.Grabe ang saya ko dahil suwerte ako sa naging amo ko.Bihira ang ganito mangyari kaya dapat i grab agad ang pagkakataon.
First day of school ay medyo kinakabahan pa ako,di ko alam mga classrooms ko.Kaya habang naglalakad ay palinga linga ako.
Hanggang sa me nakapansin sa akin,akala ko mataray sila pero nilapitan nila ako.
“Hi bago ka lang dito ano? tanong sakin ng magandang babae.Actually dalawa silang magkasama.
“Opo Maam bago lang po ako dito sa school.”
“Ngek wag kang mag po sa akin,at wag mo akong tawaging Maam parehas lang tayo estudyante dito.”
“Sorry pasensya ka na.”
“Freshman ka pa lang ba? Anong course mo dito sa department namin?”
“Fine Arts major in Fashion design at third year na ako,bale transferee ako dito.”
“Wow magkaklase pa ata tyo.Paano yan Beb me bago na tayong friend.Oh my! Di pa pala tayo magkakilala.By the way im Cassy ito naman si Sab and you are?”
“Alexandra Aragon.”
“Na ah,masyadong mahaba ang name mo can i call you Xandie?”
“Okay lang.”
“Tara punta na tayo ng classroom baka malate pa tyo.”
“Salamat ulit.”
“Paano yan Beb me classmate na ako,kita na lang tayo mamaya sa cafeteria pag breaktime,wala pa naman sila Kuya.”
Sabay na nga kami ni Cassy at nakakatuwa pa ay magkalapit lang ang tinitirhan namin.Habang naglalakad kasi kami panay ang kwento nya.
Unang araw pa lang ay nagkapalagayan na agad kami ng loob,ang swerte ko lang dahil lahat ng nakakasalamuha ko ay mababait sa akin.Ay hindi pala lahat except dun sa masung*t na yun.
Taliwas sa pagkalaalam ko na mag ingat daw dito sa Maynila madaming hala*g ang kaluluw* dito,na kesyo wag magtiwala agad.Siguro...


mahal lang talaga ako ng maykapal.Harinawa!
Pagkagaling ko ng school ay diretso pa din ako sa flowershop,maaga pa naman.Isasabay sana ako ni Cassy kaso sabi ko me work pa ako.
Ang akala ko madidis appoint sya dahil hindi ako mayaman na kagaya nya,pero natuwa pa sya sa akin dahil napaka independent ko daw.
“Sige Beb bye na,next time isama mo ako sa shop ha?”
“Syempre naman.”
“Thank you,pag free ka sama ka samin pag me jamming ang grupo.Me banda kasi sila Kuya yung bf ni Sab.sama ka ha?”
“Okay i promise.”
Pagkasabi ni Cassy na banda ay naalala nya yung kapitbahay nila Maam Pia.
Bigla nya tuloy naalala si Mr.Sung*t.
Siguro hindi naman sila yun.Sana lang talaga hindi madami naman ang nagbabanda dito sa mundo imposible yun.
“Oh heto na pala ang estudyante natin.Dapat diretso ka na lang sa bahay.” bati sa kanya ni Maam Pia.
“Maaga pa naman po Maam.”
“Kahit na,next time magfocus ka na lang muna sa pag aaral mo.Tsaka Tita na lang ang itawag mo sa akin.Di mo ako titser.”
“Okay po Ma..Tita.Maraming salamat po talaga sa lahat.”
“Naku nagdrama pa to,saka ka na magpasalamat kapag nakamit mo na pangarap mo.”
Sabay na kaming umuwi ni Tita Pia.Kaya naman kahit wala ang mga anak nya dito ay napapasaya ko daw sya.Pareho na kasing me pamilya ang dalawa at bihira umuwi dito sa Pilipinas.
Nakausap ko na ang mga ito ng minsang magvideo call at pinakilala ako ni Tita Pia sa mga anak nya.
Akala ko nga magagal*t sila sa akin pero natuwa pa at meron daw kasama ang Mama nila.Wala na din kasi ang Papa nila.
Atleast sila alam nila kung nasaan Papa nila samantalang ako di ko man lang kilala.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top