Aking Prinsesa Chapter 17


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 17
.
Lumipas ang napakahabang byahe ni Yna ay nakarating na din siya sa bahay nila sa America..sobrang nalulungkot siya na parang pinagsisisihan ang naging desisyon, parang hindi niya yata kakayanin na hindi makita si Nico..sinisisi niya ang sarili kung bakit daw ba kasi naging padalus dalus siya ng desisyon, pero sabi naman ng kabilang banda ng isip niya na, tama lang ang naging desisyon niya, dahil kung mahal siyang talaga ni Nico bakit hindi manlang siya pinuntahan nito agad upang kausapin manlang, kaya sabi ni Yna na hayaan na lang niya, siguro naman daw makakalimutan niya rin daw si Nico, baka nga naman daw hindi siya totoong mahal ni Nico kaya hindi na siya pinuntahan nito para makitang muli..kaya nanaig na naman ang kanyang isip, sabi nalang niya, siya rin lang na naroon na siya wala na siyang magagawa, kundi tuparin ang mga pangako niya sa kanyang ama, at ayaw na niyang biguin pa ang ama, dahi matagal na panahon na ang mga sinayang niya sa buhay, kailangan may maipagmamalaki din siya sa papa niya, kailangan na daw niyang bumawi sa lahat ng pagkukulang sa ama, kaya si Yna ay nagsumikap na mag-aral pinagbuti niya talaga ang pag-aaral niya, para bigyan naman niya ng kasiyahan ang kanya ama.. at samantalang si Gino ay doon na din siya pinag-aral ng mga bagong magulang niya, masayang masaya si Gino sa Feeling ng kanyang mga magulang, sa araw araw niyang kasama si Gino ay araw araw niya rin na naaalala si Nico..dahil lumipas ang mga araw at mga buwan at mga taon.ay hindi niya nakalimutan ang binata..nasa puso padin niya ito, na sa gabi ay kaulayaw ng puso at maging isip niya..ewan ba niya kahit anong dikta ng isip niya na niloko lang siya ni Nico at pinagsinungalingan, ay hindi pa din kinalimutan ng puso niya si Nico, kung gaano niya kinasasabikan ang mga yakap at halik sa kanya ni Nico, kaya tuwing gabi ay umiiyak siya, kapag naaalala niya ang mga panahon na masaya silang magkasama, at yong mga gabing magkatabi sila sa pagtulog na kahit nasa panganib ang buhay nila, ay masaya pa din siya at panatag ang kalooban dahil sa kasama naman niya ang lalaking itinitibok ng puso niya, yun lang hindi naging tapat si Nico sa kanya, ang gusto niya lang sana ay maging totoo sa kanya, dahil natatakot na siyang malokong muli..dahil masakit daw pala kapag nalaman mo na hindi ka pala totoong mahal ng mahal mo. Walang nakakaalam ng nararamdaman niyang lungkot, pero pansin naman iyon ng papa niya, kapag dinadalaw siya ng papa niya sa america..at ngayon nga ay naroon ang papa niya dahil araw ng pagtatapos niya iyon.
at nahuli siya ng papa niya na umiiyak..at dinig na dinig ng papa niya ng banggitin niya ang pangalan ni Nico.
.
Ferdie : anak.!
.
Dali daling pinunasan ni Yna ang pisngi niyang may luha.
.
Yna : papa nandiyan po pala kayo, kanina pa po ba kayo dumating, sila tita bel po at Gino?.
Ferdie : Nandoon pa sila sa bahay nila.
Yna : ah okay po, sige po akyat muna ako sa kwarto ko.
Ferdie : ah, anak pwede ba tayong mag-usap muna..
Yna : po?
Ferdie : anak, mamaya ka na umakyat sa kwarto mo..mag-usap muna tayo.
.
Pinag usapan nila Ferdie at Belinda, si Yna, dahil pansin din pala ni Belinda ang pagiging malungkutin nito..at napapansin din nila, na kapag binabanggit ni Gino ang pangalan ni Nico ay nalulungkot si Yna. At ngayon nga nalaman ni Ferdie kung ano talaga ang ikinalulungkot ng kanyang Unica Hija, si Nicolas..kaya wala namang nagawa si Yna kundi sundan ang papa niya sa may sala ng bahay nila.
.
Ferdie : anak, kung ano man yang kinikimkim mong lungkot huwag mong sarilinin anak, nandito ako anak, ilabas mo lang yong nasa loob mo kung ano yang gumugulo sa isip mo..may problema ka ba anak,?
Yna : ano ka ba papa, wala akong problema.
.
Pilit niyang pinapatatag ang kanyang damdamin, dahil ayaw niyang umiyak sa harapan ng papa niya, dahil nahihiya siya na sabihin na lalake ang dahilan ng pagiging malungkutin niya.
,
Yna : masaya ako pa, lalo na mamaya, makakakuha na ako ng diploma sa aking pagtatapos..sino naman po ang may sabi sa inyo na malungkot ako papa..ikaw talaga..
Ferdie : anak, pagsinungalingan mo na ang ibang tao huwag lang ako, dahil alam ko naman eh.,kahit hindi mo sabihin sakin ay ramdam ko naman dahil anak kita, dahil ba yan kay Nicolas?
.
Hindi nakakibo si Yna dahil, sukol na siya ng papa niya, at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kayang luha sa mga mata.,umiiyak na siya..nilapitan siya ng papa niya at niyakap siya nito.
.
Yna : papa..bakit ganun, ang sakit!!
Ferdie : anak, hindi ko naman kasi sinabi sayo na dito ka mag-aral sa america.
Yna : pero ako po talaga ang may gustong mag-aral dito.
Ferdie : bakit? Kahit na maiiwanan mo si Nicolas sa pilipinas.
Yna : mahal ko siya pa, pero niloko niya ako..hindi niya sinabing bodyguard ko pala siya, na kaya lang pala siya nag-aalala sakin kaya pala, todo alaga siya sakin, at kaya niya pala ako prinoprotektahan ay dahil bodyguard ko lang pala siya.
Ferdie : bodyguard lang siya? Bakit kung bodyguard mo lang ba siya hindi mo na siya tanggap.
Yna : hindi po sa ganun papa, kahit na sino pa siya, kahit siya ay isang karpentero, tubero, o basurero, tanggap ko siya, pero ang hindi ko tanggap ay yong pagsinungalingan ako, yong paglihiman ako..tulad ng ginawa sakin nila poli at Mitch..ngayon paano ako maniniwala sa sinabi niyang mahal niya ako, gayong nagsinungaling at naglihim siya sakin..
Ferdie : ibig sabihin, nagkaroon kayo ng ugnayan ni Nicolas?
Yna : opo papa, hindi ko napigilan ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa pagmamalasakit niya sakin, sa pagkakaligtas niya sakin sa holdaper–
Ferdie : ha! ibig sabihin na-holdap ka pa?
Yna : opo, una nga po na-snatch pa yong bag ko, saka pangalawa na-holdap po ako.. kinuha po nila Yong mga alahas ko.. tapos gusto pa akong pagsamantalahan nong dalawang holdaper, tapos po dumating siyA.. iniligtas niya po ako.
Ferdie : grabe naman pala ang nangyari sa’yo.
Yna : at kaya pala, ganun na lang ang pag-iingat niya sakin ay dahil sa bodyguard ko pala siya na hindi man lang sinabi sakin..
Ferdie : pasensiya ka na anak, kasalanan ko..ako ang may sabi kay Nico na huwag niyang sabihin sa’yo na bodyguard mo siya, inilihim sayo dahil utos ko yun, dahil alam ko namn na ayaw na ayaw mo ng may bodyguard..kaya wala siyang kasalanan anak.ako ang may kasalanan dun.
Yna : eh kung mahal niya po ako bakit po hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay alam naman niya kung saan ako pupuntahan.
Ferdie : eh baka May dahilan lang siya, anak dapat kasi sinabi mo sakin nun na boyfriend mo na pala si Nicolas.
Yna : ang sabihin nio po, wala na talaga siyang paki-alam sakin kasi, nagkaroon na siya ng malaking halaga.
Ferdie : Pero hindi niya tinanggap ang perang ibinibigay ko sa kanya.
.
natigilan si Yna sa sinabi ng ama.
.
Yna : hindi niya po tinanggap yong pera?
Ferdie : oo anak..alam mo bang nagkita kami sa airport noon nong pagkahatid ko sa’yo noon..sabi ko noon puntahan niya ako at kuhanin ang pera niya ngunit hindi siya nagpunta..wala na akong naging balita sa kanilang mag-ama..anak alam mo sa tingin ko ay totoong mahal ka ni Nicolas, sana hindi ka naging padalus-dalos sa desisyon mo, dapat sana sinabi mong gusto mong kausapin si Nicolas sakin, di sana nakagwA ako ng paraan para nagkausap kayo..at isa pa sinisigurado ko sa’yo na talagang mahal ka niya, dahil kaya pala siya naroon sa airport ay para sundan ka, sabi kasi sa bahay, nagpunta daw sa bahay si Nicolas para kausapin ka, sinabi ng guard natin na nasa airport na tayo, kaya pala siya naroon.
.
hindi na makapag salita si Yna dahil sa sobrang iyak niya, pinagsisisihan niya Yong naging pasya niya na doon siya nag-aral.. naiinis siya sa sarili niya dahil sa pinahirapan lang niya ang puso niya, May tatlong taon din niyang kinimkim ang sakit ng kalooban niya, na inakala niya na hindi totoo ang pagmamahal sa kanya ni Nico.. naiinis siya sa sarili niya ang tanga tanga daw talaga niya, kung bakit ba natagpuan na pala niya ang totoong nagmamahal sa kanya ay naiwala pa niya.. lalo siyang napahagulgol ng iyak, dahil pano niya uling makikita si Nico eh 3 taon na ang nakalilipas, marami na ang nagbago sa tatlong taon, na baka daw May iba na itong mahal..o baka daw May asawa’t anak na ito, lalong mas bumigat ang dibdib niya sa isiping may pamilya na ito. Sobra niyang pinagsisisihan ang naging desisyon niya… At hanggang sa lumipas ang mga buwan ay, umuwi na din si Yna ng Pilipinas, pagkatapos kasi ng kanyang graduation day ay naunang umuwi ang papa niya, saka lang siya nagpasyang umuwi ng pilipinas dahil handa na siyang sumabak sa mga negosyo nila ng papa niya..at hanggang sa lulan na siya ng eroplano pauwi ng Pilipinas..at makalipas ang mahabang biyahe ay masaya siyang sinalubong ng papa niya.
.
Ferdie : Welcome back anak.
.
Niyakap niya ang ama.
.
Yna : hmmm.. namiss kita pa..at namis ko din ang pilipinas.
Ferdie : ako lang ba, at ang pilipinas ang namiss mo, wala ng iba?(pagbibiro nito)
Yna : ikaw talaga pa!! Sino pa ba ang iba kung mamimis?
Ferdie : si Nicolas.
Yna : papa naman eh..(lumungkot ang mukha)
Ferdie : pasensiya na anak, nagbibiro lang ako..malay mo naman magkita kayong muli.
Yna : pa, matagal na panahon na ang nakalipas, baka meron ng pamilya yun, may asawat anak na yun.
Ferdie ; bakit matagal na ba ang 3 taon?
Yna : opo matagal na po yun, para sakin, marami na pong nabago sa loob ng tatlong taon.
Ferdie : ikaw ba anak, sa loob ng tatlong taon may nabago ba sa nararamdaman mo kay Nicolas?
.
Lalong lumungkot ang mukha ni Yna sa sinabi ng papa niya ang totoo, hindi nagbago ang nararamdaman niya kay Nico, mahal na mahal pa rin niya ito, at kahit kailan ay hindi nawala sa isipan niya si Nico.
.
Ferdie : hay, kalimutan mo na yong sinabi ko anak, masyado kasing madaldal si papa, nag-uulyanin na yata ang papa mo, kung ano ano na ang nasasabi..halika na umuwi at kanina pa naghihintay ang yaya Meding mo..nagluto siya ng paborito mo.
.
At lulan na sila ng kotse pauwi na sila sa bahay nila, at lumipas ang mga minuto ay nakarating na din sila sa Mansion nila, madilim na ng makarating sila sa bahay nila..sinalubong siya ng mga kasama nila sa bahay, at nasorpresa siya dahil naroon din si Princess...


o esang..at si Mang Artemio o temyong.
.
Esang : ate Yna!!
Yna : Esang, mang temyong!!
Temyong : magandang gabi po mam Yna..
Yna : magandang gabi din po, si mang temyong naman huwag nio na po akong tawaging mam, Yna na lang po..mabuti at nandito po kayo.
Ferdie : hindi ko nga pala nasabi na dito sila nakatira sa atin, kasi naman, nakaka-inip naman kasi dito. Wala akong makakwentuhan, at saka si Artemio na yong driver ko..marunong naman pala siyang mag-drive eh..tapos si Esang isang graduating na yan ng High school.
Yna : wow, mabuti at narito kayo mang temyong.
Ferdie : yun nga lang ayaw naman nila dito sa malaking bahay, doon sila natutulog sa imbakan sa likod ng bahay..
Temyong : sir Ferdie, kahit naman po imbakan ay maayos naman po..hindi siya mukhang imbakan kasi magandang bahay naman,.may mga kwarto..
Yna : naku, masaya pala at may makakasama kami ni papa dito..
Meding : hija, dumating ka na pala
Yna,: yaya..mukhang gumaganda yata ang yaya nanay ko?
Meding : hindi naman ikaw talaga bata ka..o halina kayo doon sa loob at nakahain na..nagluto ako ng paborito mo.
Ferdie : oh Artemio Esang, dito na kayo kumain ha. Baka nagluto pa kayong mag-ama.
Temyong : hindi po.
Yna : ah nagsasarili kayo ng luto esang?
Ferdie : ayaw naman nila anak pumayag na isalo sila sa pagkain.gusto nila magsarili pa..sabi ko naman sa kanila libre na sila sa pagkain sana, ayaw naman nila..
Yna : ganun po..
.
Hanggang sa nakadulog na sila sa hapag-kainan..at masaya silang nagkukwentuhan, pero naaalala na naman ni Yna si Nico dahil kila Esang at Mang temyong, dahil nong time na magkakasabay silang kumain sa maliit na lamesa nila esang, ay nagsisiksikan sila at halos magkadikit sila ni Nico..at dahil sa pagka-alala niya kay Nico ay napatulala na lang siya at napansin naman ng papa niya ang pananahimik niya.
.
Ferdie : anak, anong iniisip mo, may problema ba?
.
At kahit si yaya niya ay napansin din ang pananahimik niya.
.
Meding : hindi mo ba hija nagustuhan yong luto ko?
Yna : ah hindi yaya.nagustuhan ko masarap nga po eh.
.
Na-iiling na lang si Ferdie dahil alam niya na baka naisip na naman niya si Nico.
.
Yna : ah papa, bukas po mag-uumpisa na akong magtrabaho sa kompanya natin ah..
Ferdie : bukas agad anak, di ka ba magpapahinga muna?
Yna : papa, matagal na po akong nagpahinga, kaya panahon na ng pagsabak sa trabaho.
Ferdie : ganun!! O sige ikaw na ang itatalaga ko bilang Presidente ng kompanya..
Yna : ay huwag muna dad, gusto ko munang mag-umpisa sa mababa..
Ferdie : at bakit naman anak sa mababa mo gusto, ano pa at nag-aral ka sa America kung sa mababa ka lang mag-uumpisa, at saka sa iyo yun, ikaw ang amo dun..ah basta, at saka kung inaakala mo na baka hindi mo kakayanin, nandito naman ako para ituro ko sayo lahat,.anu pa’t nagkaroon ka ng karangalan nong ikaw ay nagtapos, alam kong kaya mo yun, matalino ka anak.mana ka sakin, kaya kaya mo ng magpatakbo ng kompanya.
.
Sinang-ayunan naman ni Yaya meding niya ang sinabi ng papa niya, kaya sumang-ayon na din siya.
.
Ferdie : sige, hayaan mo at pupunta tayo sa opisina, at ituturo ko sayo ang mga dapat mong malaman tungkol sa pagpapatakbo natin sa ating mga negosyo..pero hindi bukas ah, magre-relax muna tayo, mamamasyal..
Yna : nagsawa na po akong mamasyal papa..
Ferdie : ganun! Baka gusto mong sumama sakin, bukas, kasi inaasahan ako ng mga tribo ng katutubo dun eh..lalo na si Ka Imong.
.
Nagdalawang isip si Yna kung sasama ba siya o hindi..pero pinili pa din niyang sumama para daw magpasalamat uli siya sa mga taong tumulong sa kanya, kahit na maaalala niya si Nico dahil sa kasama niya ito sa kapahamakan..kailangan na siguro niyang tanggapin na wala na silang pagkakataon ni Nico na maipadama uli ang pagmamahal nila sa isat isa..kailangan niyang tanggapin na hanggang alaala na lang niya si Nico, pero kailanman daw ay hinding hindi niya makakalimutan si Nico, dahil naroon pa ito sa puso niya.
.
Ferdie : ano anak sasama ka ba?
Yna : opo papa, sasama po ako..
Ferdie : ikaw Princess gusto mong sumama?
Esang : gusto ko po sana, kaya lang hindi po pwede..mayroon po kaming kailangang tapusin na project sa school.
Ferdie : ganun ba..sige sa susunod ka na lang sumama.
.
At nang makatapos silang kumain. Ay nagpaalam na ang mag-ama at lumipat na ito sa likod bahay..at si Yna naman ay pumasok na sa kwarto niya, nakalimutan niyang bigyan ng pasalubong ang mag-ama na sina esang at temyong. At ganun din ang yaya niya at ibang mga kasambahay nila, bukas na lang daw niya bibigyan ang mga ito..sobrang namiss niya ang kwarto niyang iyon..naglinis muna siya ng katawan bago siya nahiga sa kama, matagal na siyang nakahiga ngunit hindi pa siya makatulog, katulad ng mga nagdadaang gabi, nasa isip na naman niya si Nico, lagi niyang binabalikan ang mga masasayang araw na magkasama sila ng binata, ang mga salitang itinatawag sa kanya ni Nico ang Aking Prinsesa at sweetheart, na siya ang may kagagawan kung bakit siya tinatawag niyo ng sweetheart, at hanggang sa naging sila sa maikling panahon, nasira lamang dahil sa maling akala na hindi siya mahal ni Nico..tinatanong niya lagi sa kawalan na bakit daw ba kailangan mangyari iyon sa kanila ni Nico..lagi niyang sinisisi ang sarili, dahil kung hindi siya agad lumayo sana pala nagkausap pa sila ni Nico dahil sinubukan pala siya nitong puntahan..halos malapit ng magmadaling araw ay hindi pa siya nakakatulog..tulog na ang lahat ng tao sa loob ng bahay nila, siya lang ang gising pa, dahil kanina pa laman ng isip niya si Nico, hinihiling na sana ay makita niya uli si Nico, gusto niyang makausap ito..pero paano daw niya gagawin iyon eh.wala siyang alam kung nasaan ito..wala din daw balita ang papa niya dito, at kahit yong dating driver ng papa niya na si Leo na tatay ni Nico ay wala nang kumunikasyon ang papa niya dito..sa pag-iisip niya kay Nico ay napagod din ang kanyang isip, kaya unti unti na siyang dinadalaw ng antok, at hanggang sa makatulog na siya..at lumipas ang mga oras ay nagising siya sa katok ng papa niya..
.
Ferdie : anak, gising ka na mag-breakfast na tayo, maaga tayong pupunta kila ka imong.
Yna : opo papa.
.
Kaya kahit mabigat ang ulo niya gawa ng puyat ay bumangon na din siya..nag-ayos muna siya ng sarili bago bumaba para mag-almusal, nang makaligo na siya ay mabilis siyang nagbihis, at ng makabihis ay nagsuklay na siya ng buhok at bumaba na din siya pagkatapos..nadatnan niya ang papa niya na nakadulog na sa hapag-kainan..at dumulog na din siya para mag-almusal..at ng makatapos silang kumain, ay umakyat siyang muli sa kwarto niya upang ayusin muli ang sarili, dahil pupunta na daw sila ng papa niya sa lugar kong saan ay pinagsaluhan nila ni Nico ang tamis ng mga halik nila sa isat isa..tiningnan niya ang repleksiyon niya sa salamin, tatlong taon na siyang hindi nakakaranas ng totoong saya sa puso niya, baka daw kailangan na niyang isiksik sa puso niya na huwag masyadong makulong sa alaala ni Nico, dahil mas masakit daw na baka malaman niyang may mahal na itong iba, kung sakaling makita na niya itong muli..nagpahid lang siya ng polbos sa mukha, at nagpahid lang siya ng manipis na lipstick sa kangyang magandang hubog ng labi, at kahit hindi naman na siya mag-make up ay maganda na din naman siya, kagut simple lang ang ayos niya ay litaw pa din ang natural niyang ganda.
.
Ferdie : anak, nakagayak ka na ba?
Yna : opo papa..
.
Hindi nagtagal ay lumabas na siya sa kwarto niya..hindi nagtagal ay lulan na sila ng kotse, at nagpunta na sila sa company building nila kung saan ay naroon ang chopper nila na pagsasakyan nila..at ng makarating sila sa building nila ay isa isang bumabati ang mga taong empleyadong nasasalubong nila, at nagpunta muna ang papa niya sa kanyang opisina, at may ibinilin ito sa kanyang secretary..at hindi nagtagal ay pumunta na sila sa rooftop upang sumakay na sa chopper..at hindi nagtagal ay unti-unti ng umaangat sa ere ang kanilang sinasakyan..at lumipas ang mga oras ay nakarating na din sila.tumanaw siya sa bintana at namangha si Yna dahil mukhang maganda na ang lugar na iyon, at mukhang may mga konstraksiyon na bagong gawa, at ang mga bahay ay mukhang mga gawa na ito sa bato, at hindi na gawa sa kugon at pawid..at nakita din niya na may magandang daan nadin na maliit na sementadong kalsada..at unti-unti na din na lumalapag ang kanilang sasakyan..at hanggang sa unti-unti ng lumalapag ang kanilang sinasakyan..at ng makalapag na ng tuluyan ay pinatay na din ang makina ng chopper at binuksan na ang pinto, masaya silang sinalubong ng mga tao at nangunguna roon ang mag-asawang Imong at Mara at kasama pa ng ibang mga katribo..
.
Ka imong : magandang araw po Don Ferdie, (at napatingin siya kay Yna)..
Yna : ka imong, aling Mara, kumusta po kayo, kilala nio pa po ba ako..
Mara : magandang araw sayo ma’am Yna, akala ko hindi mo na kami kilala..
Yna : naku, Yna na lang po..maaari ko po ba kayong hindi makilala eh, kayo po yong tumulong sa amin ni Nic–nico..
Ka imong : ah si Kulas, galing nga siya dito kahapon, dinalaw niya kami dito.
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Yna, ibig sabihin nagpunta si Nico roon..nakadama siya ng panghihinayang, may nabuhay na naman na pananabik sa kanyang puso.
,
Ferdie : ah napunta rito si Nicolas?
Ka imong : opo, sayang nga po hindi kayo nag-abot, dito nga po sila natulog ng kasama niya eh..
Ferdie : kasama? May kasama siya?
Mara : opo.. may kasama po siyang babae.
.
Parang may tumusok sa puso ni Yna sa nalamang may kasamang babae ito, parang sumama ang pakiramdam niya sa nalaman, gustong tanungin ni Yna kung girlfriend ito ni Nico, pero hindi nalang siya kumibo, at napansin din ng papa niya na parang nalungkot ang mukha niya.
.
Ka imong : tara na po doon sa may lilim at kayo po ay mag-meryenda muna.
Mara : buti pa nga po.
.
Ayaw ni Yna ang nararamdaman niyang iyon, masaya na sana, dahil mukhang may pag-asa silang magkita ni Nico, pero yong malaman niya na meron itong kasakasamang babae, ay parang nasasaktan ang puso niya, yan na nga daw ba ang sinasabi niya, masasaktan at masasaktan siya oras na malaman niyang may iba na itong minamahal, samantalang siya nakakulong pa din ang puso niya kay Nico at walang nagbago sa loob ng tatlong taong mahigit ay hindi nagbago ang pagmamahal niya kay Nico.
.
itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top