SON OF BILLIONAIRE IS SECRETLY INLOVE Chapter 2


Author:Princess RO RA IN
Genre:Romance
✨Chapter 2✨
||First Meet||
“Sige mag ingat kayo ah”sabi ni Inay at nginitian Kami
Umalis na kaming tatlo at Syempre naglalakad Lang Kami wala nga kaming pambiling masarap na pagkain Ede Syempre wala rin kaming pangtricycle Kaya naglalakad Kami ngayon kahit medyo Malayo ang school Nila.. Nandito na Kami sa may gate ng school Nila
“Ate dun kana wag ka ng pumasok nakakahiya yang suot mo ang dumi mukha kang pulubi dyan”sabi nitong si Nalyn
“Hoy manahimik ka dyan Nalyn!”sigaw ni Calix Kay Nalyn
“Che!”sabi Niya at saka nauna na siyang pumasok
“Ate pagpasensyahan mo na si Nalyn alam mo naman ganon talaga yun diba”sabi ni Calix sakin at saka pumasok na rin sa gate Nila
Naglalakad na ko ulit dito sa gilid ng may high way para umuwi na ng Biglang may muntik pang makabangga sakin nasa gilid na nga eh tumigil naman
“Hoy tumingin ka sa daanan mo” sabi pa nung nakasakay na lalaki dahil sa inis ko Kaya binato ko ng bato yung kotse Niya bumaba Ito ng kotse at lumapit sakin
“How dare you para batuhin yung car ko ha Hindi mo naman kayang bayaran yan at saka mukhang mas mahal pa toh kesa sayo”nagmamayabang na sabi nito
“Hoy Mr. Mayabang excuse noh muntik mo na Kaya ako mabangga itong pangit na toh”sabi ko Sabay Irap sakanya
“Ako pangit itong gwapong mukha na toh excuse me mas maganda pa yung kotse ko kesa sayo at excuse me Gwapo ako noh” pagmamayabang Niya pa
“Duh ang hangin mo!”sigaw ko sa kanya
“Hindi ako mahangin noh dahil totoong Gwapo ako “sabi Niya saka sumakay sa kotse Niya
“Hoy ikaw lalaking mayabang mabait ako pero sa taong Gaya mo tss Hindi!”inis na sambit ko
“Tss wala na Kung panahon para sa walang kwentang Gaya mo”sabi nito at saka sumakay na sasakyan Niya at nagmaneho na Ito.. Maglalakad na Sana ako paalis ng may bigla Akong napansin may...


nahulog na wallet yung lalaking yun binuksan ko para makita Kung may ID ba siya
“Wow” manghang sabi ko puro tig one thousand ang pera wala manlang barya o kahit tig five hundred ang kapal sa tantya ko mga nasa thirty thousand laman ng wallet na toh may nakita Akong ID ‘Justine Xy De Dios’ oh nice name but bad attitude naman saglit Lang student siya sa ‘De Dios National University’ may sarili silang university.
Nandito na ko sa may bahay at agad na bumungad sakin si Inay na ngayon ay naglilinis nanaman siya agad ko muna ng binaba yung wallet sa may lamesa at saka lumapit Kay Inay at kinuha yung walis na Hawak Niya
“Ako na dito Nay”sabi ko sa kanya at saka nginitian siya
“Hay ikaw talagang Bata ka magpahinga ka na Lang dun”sabi Niya sa akin
“Nay ikaw ang dapat magpahinga”sabi ko at saka nagwalis di ko na napansin si Inay Kung San siya pumunta at tinuon ang atensyon sa pagwawalis kahit maliit Lang ang bahay namin ay dapat malinis naman kahit papaano
“Leah!”sigaw ni Inay Kaya agad naman Akong napatingin sa kanya “halika ka nga dito Bata ka”sabi ni Inay Kaya naman lumapit ako
“Bakit po nay?”tanong ko
“Bata ka kailan pa kita tinuruan magnakaw ha kahit Mahirap tayo hin…” Di ko na pinatuloy ang sinasabi ni Inay inaakala Niya ba na ninakaw ko yung wallet na yun Hindi ah
“Nay naman Hindi ako magnanakaw kahit kailan turo niyo yan na wag na wag magnanakaw kahit pa Anong hirap ng Buhay”katwiran ko
“Tama! Pero San galing itong wallet na toh at tignan mo ang daming pera nito”sabi ni Inay
“Nay napulot ko po yan”sabi ko
“Mabuti naman Kung ganon siguraduhin mo Lang anak at Kung malaman ko Lang talaga na ninakaw mo toh hay ewan ko na Lang”babala ni Inay
“Hay Inay Hindi ko po talaga ninakaw iyan promise po”sabi ko at saka taas pa sa kanang kamay





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top