VANESSA CHAPTER 4


Dalawang linggo naring nag tatrabaho si Vanessa sa Restaurant sa Resort bilang Waitress .. Mahigit 6pm na siyang naka uwi, habang nag lalakad siya pauwi ay napadaan siya sa Isang Park na kung saan ay maraming mga batang nag lalaro at nag hahabulan , napa hawak siya sa kaniyang ulo ng maka ramdam siya ng sakit hanggang hindi na niya kinaya ang sakit, napapa sigaw siya habang umiiyak dahil sa Sobrang sakit ng kaniyang ulo.
Nakikita niya sa Kaniyang isip ang Dalawang batang nag hahabulan at masayang nag Lalaro.
“Sebastian habulin moko hihihi hindi kita pahiihiramin nito kung hindi mo ako hahabulin ” sabi ng batang babae habang pinapakita ang laruan nitong plastik na Baril.
” ang daya daya mo talaga Vanessa kanina Pa kita hinahabol eh. Pagod na ako, sige na pahiram ako niyan ” nag papaawang sabi naman ng Batang Lalake.
” last nato habulin mo mun ako ” masayang sabi naman ng batang babae. ”
“AHHHHH! ” sigaw ni Vanessa dahil sa Sobrang sakit ng kaniyang ulo. Hanggang sa maka ramdam na siya ng pagka hilo. Akmang matutumba na sana siya ng may bisig na sa sumalo sa kaniya. Ngunit hindi naniya ito nakilala at tuluyan na siyang nawalan ng Malay.

Pabalik na ng maynila si Lance dahil tumawag sa kaniya ang kaniyang daddy Romuel at pinapabalik na siya ng maynila dahil sa may importante silang pag uusapan para sa Negosyo. At Habang nag mamaneho si Lance ay napansin niya ang isang Familiar na babae sa Gilid ng kalsada. Naka hawak ito sa sa ulo at halatang umiiyak ito.
“VANESSA ” sambit niya at hininto niya ang sasakiyan sa hindi kalayuan sa babae at kunot nuo niyang tinitignan ang babaeng umiiyak.
” Anong ng yayare bakit siya umiiyak? ” mahinang sabi niya , muli niya naalala yung usapan nila ng kaniyang Girlfriend na mag kikita sana sila ngunit hindi natuloy dahil may importanteng pinuntahan kaagad si Jenny.
Nanlake ang mata ni Lance ng makitang matutumba na ang babae. Kaya mabilis siyang bumaba at tinakbo ang kinatatayuan ni Vanessa. Pagka lapit palang niya ay siya namang pagka tumba ni Vanessa mabuti nalang ay nasalo niya kaagad ito.
Kaagad niya itong binuhat at dinala sa malapit na hospital. , naka upong nag hihintay si Lance sa pag labas ng Doctor na tumingin sa Babae . Napa angat siya ng ulo at mabilis na tumayo ng bumukas ang Pinto at lumabas duon ang Babaeng Dr.
” Doc kumusta po siya? ” nag aalalang tanong ng binata.
” mukhang unti unti ng bumabalik ang ala ala ng pasyente sa ngayo–
“Ala ala? What do you mean doc? ” kunot nuong tanong ni Lance.
” mukhang wala kapang alam sa kalagayan ng Pasyente Mr Salvi. , mahigit 3 Years na siyang may Amnesia , at ako ang Doctor niya . Sa Case niya ngayon. Malaki ang posibilidad na hindi na mag tatagal ay babalik na ang kaniyang Memoriya. ” sagot ng babaeng Doctor ..

“MGA WALANG S*LBI ! ” pagalit na sabi ni Margarita sabay tapon sa Cellphone...


nito.
“Mommy ano na naman bayan? ” taas kilay na tanong ni Rita sa kaniyang ina.
” Yang mga tauhan natin maging ang walang Kwenta mong ama. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakukuhang impormasyon tungkol sa Katawan ni Vanessa. Hindi pa rin nila nahahanap. ”
” what ?! Ibig bang sabihin buhay Pa ang P*steng babaeng yun mommy? ”
” no hindi pwedeng mabuhay ang babaeng yun at imposible pang mabuhay yun, sa Pag sabog ng Helicopter, mukhang kailangan konang gawin ang Plano ko para mawala na ang Matandang Rafael nayun. At para masolo narin natin lahat ng kayamanan nila. Walang ibang pwedeng mag mamana kundi tayo Lang. Kaya hindi dapat mabuhay ang Vanessang yun. ”
“Ikaw bakit ka nandito diba dapat nasa Kompaniya ka ngayon ni Vanessa. Paano ka mapipiling CEO kung nandito ka at wala ruon. Bumalik kana dun at pilitin mo ang mga Board member na pumanig sayo. ” sabi ulit ni Margarita sa kaniyang anak.

Lasing na lasing si Sebastian habang titig na titig parin sa larawan ng babaeng pinaka mamahal niya. Ng biglang mag ring ang kaniyang Phone at nakita niya sa Screen ang pangalan ng Secretary ni Vanessa. Walang pag alinlangan niya itong sinagot at pinakinggan ang nasa Linya.
📞Sir nandito nanaman po si miss Rita hindi po namin kayang pagsabihan. Pinagalitan ni—
Hindi na naituloy ng babaeng nasa linya ang sasabihin ng biglang binaba ni Seb ang tawag at ng gagalaiti sa Galit. Dahil ayaw na ayaw niyang pinapakelaman ng ibang tao ang Kompaniyang itinayo ni Vanessa at lahat ng pag aari ng kaniyang mahal. Kahit nahihilo ay pinilit niya paring tumungo ng Kompaniya at tinawagan niya si Nelson ang kaniyang kanang kamay para ipag maneho siya.
Ng makarating na sila sa Kompaniya na pag aari ni Vanessa ay Lahat ng mga tao ruon ay bumabati sa kaniya ngunit seryoso Lang siyang nag lalakad at madilim ang Aura
“Sir nasa loob po si Miss Rita ” ani ng Secretary na sumalubong sa kaniya.
Derederetso Lang siya sa pag lakad at hanggang sa malakas niyang binuksan ang Pinto at lalo siyang ng gagalaiti sa galit ng makitang naka upo sa President chair office si Rita.
“Hi Sweety napa—Araaaay bitiwan mo ko Seb! “. Malakas na sabi ni Rita habang pilit inaalis ang kamay ni Sebastian sa kaniyang buhok.
Halos matanggal na lahat ang kaniyang buhok dahil sa Higpit na pagkaka hawak ng binata at malakas siyang kinaladkad palabas ng Opisina.
” araaay Sebastian nasasaktan ako. Araaaay masaket bitiwan mo—-
“SHUT UP! ANI*AL B*TCH ” sigaw ni Seb sa babae at malakas na itinulak sa Labas ng opisina. At napa daing naman sa Sakit si Rita dahil sa lakas ng kaniyang pagka bagsak sa Sahig.
” KUNG AYAW NIYONG MAWALANG NG TRABAHO. AKO AT SI DON RAFAEL LANG ANG PWEDE NIYONG SUNDIN AT WAG NA WAG NIYONG PAPAPASUKIN ANG BABAENG ITO MAGING ANG KANIYANG INA. MALIWANAG BA. ! ” malakas na sabi ni Sebastian sa mga Gwardya at sa Mga taong nag tatrabaho sa Kompaniya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top