(Tanya POV)
KINABUKASAN
+ wala parin syang malay, kung alam ko lang na ganto ang mangyayare sana matagal ko ng binigay sa kanila ang singsing. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat to. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyareng masama sa kanya.
Hinawakan ko sya sa kamay.
Tanya- Syto? Gising ka na. Sabi mo di ka mawawala diba?
+ nagsimula ng tumulo ang luha ko.
Tanya- okay lang kung sakaling magka amnesia ka eh, basta gumising ka lang.
+ bumibigat ang pakiramdam ko.
Tanya- siguro nga mas mabuti pang manyare yun, para di mo nako ma alala, para di mo na maalala lahat ng to.
+ ang dami kong bagay na gustong sabihin na hindi ko masasabi sa harap nya kapag nagising sya.
Tanya- dito lang ako hanggang sa magising ka. Ku-kung sakali mang pag gising mo wala ako, sana… Isipin mong sobrang saya ko pag nalaman kong okay ka na, nawala man ako sana isipin mong ginawa ko yun para sa ikabubuti mo. Sana pag gising ka na……
+ niyakap ko na sya dahil di ko na mapigilang umiyak ng sobra.
Tanya- sana… Makalimutan mo na lahat ng masasakit na pinag daanan mo.
+ iyak lang ako ng iyak dun ng magulat na lang ako dahil bigla na lang syang naghingalo at bumagal ang tibok ng puso, pabilis ng pabilis ang tunog ng detector, para akong na estatwa, hindi ko alam ang gagawin ko.
Tanya- S-Syto??? anong nangyayare sayo???
+ nagulat na lang ako ng may humila sakin palayo at nagsidatingan ang mga nurse at doctor. Habol hininga sya, kitang kita kong naghihingalo sya na parang hirap na hirap sya. Hindi ko kayang makita kaya tumalikod ako. At dahil ayoko ring marinig tumakbo ako palabas ng kwartong yun, nasalubong ko pa sila Ken at Lander na halatang alam na kung anong nangyayare at dire diretso sa kwarto.
(Nathan POV)
+ kalunos lunos ang utsura ngayun ni Syto, hindi ko alam kung ano bang ginagawa ko dito. Kung bat nakatingin lang ako sa kanya habang naghihingalo sya. Wala akong ibang makita kundi ang Syto na hinding hindi ko plinanong kalimutan simula pa nung bata ako. Hindi ko magawang malungkot sa sitwasyon nya ngayun, pero hindi rin ako natutuwa at di ko malaman kung bakit? Maya maya dumating sila Ken at Lander.
Ken- anong nangyare?
Nathan- pagdating ko naghihingalo na sya.
+ halos di maipinta ang muka nila, ganun ba kahalaga ang buhay ni Syto, sa mga taong to?
(Tanya POV)
+ Nakaupo lang ako sa mga upuan sa hallway, hindi ko sya kayang makitang nagkakaganun.
Nathan- okay ka lang?
+ hindi ko na lang sya pinansin.
Nathan- okay na sya.
+ bigla akong nakahinga ng maluwag ng sabihin nya yun.
Nathan- sa itsura mo ngayun parang gusto mo syang sabayan sa nangyayare sa kanya.
Tanya- anong ibig mong sabihin?
Nathan- pag namatay sya ikamamatay mo rin.
+ tumungo lang sya
Nathan- nakakatawa. Ilang taon akong naka subaybay sa kanya kaya alam kong hindi ganun kadali maka sundo si Syto, nagulat ako nung napaka raming tao ang nasa tabi nya ngayun.
+ tahimik lang ako. Tumayo n sya.
Nathan- puntahan mo na, marami pakong dapat asikasuhin, sabihan mo lang ako pag handa ka na umalis.
+ naglakad na sya paalis, kaylangan ko na rin kasi nyang gawan ng paraan ang pag reresign sa kompanya ng hindi nila naiisip na isa sya sa dahilan ng aksidente. Nang masigurado kong ayos na si Syto nagpaalam ako saglit kila ken na uuwe at kukuha ng damit, wala nakong balak umalis sa tabi nya hanggang sa araw na mawawala nako. Halos nanghihina padin ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. parang lahat ng nangyayare ngayun ay isang nakakapagod na bangungot. At gusto ko ng matapos. Wala ako sa sarili at ni hindi ko na namalayan na malapit nako sa bahay. Napansin kong may nakatayo sa sa harap ng pinto na parang may hinihintay. Hindi ako pwedeng magkamali, likod palang kilala ko na.
Tanya- Nay?
+ humarap sya sakin, at hindi ko mapigilang mapaluha ng nagmamadali syang lumapit sakin at niyakap ako.
Nanay- anak? Kamusta ka na? Nag aalala ako baka kasi napapabayaan mo na sarili mo kaya dumalaw ako.
+ niyakap ko na lang sya ng mahigpit.
Nanay- ayos ka lang ba? May problema ba?
+ umiling iling na lang ako at ngumiti sa kanya. Pumasok kami sa loob at pinaghanda sya ng makakain, napaka rami nyang dala na prutas at kung ano ano pa, lalo akong nanlumo dahil ang bigat ng mga yun.
Nanay-maganda rin pala ang bahay na to ano, ang swerte mo anak sa kamag anak natin at pinatira ka dito, tsaka nakakatuwa yung kapit bahay mo ha, habang hinihintay kasi kita kini kwento nyako.
+ si Tessie?
Tanya- m-may nasabi ba sya sayo ma? tungkol sakin?
Nanay- wala naman, binigyan ko narin sya ng ibang mga dala ko dito.
Tanya- nay bat naman ang dami nyong dala? sana di na kayo nag abala.
Nanay- alam ko kasing mahirap ang mag isa kaya alam kong nahihirapan ka sa pagkain dahil may trabaho karin.
Tanya- okay lang naman po ako eh.
Nanay- anak uuwe rin ako maya maya ha. Alam mo naman may mga alagain pakong hayop satin, kinamusta lang talaga kita baka kasi nahihirapan ka.
+ nakaupo sya sa sofa at lumapit ako sa kanya para tabihan sya at yakapin.
Nanay- nakuuu naglalambing na naman ang anak ko. Ang totoo isa pang dahilan kaya narito ako ay para i congratulate ka anak.
+ napatingin ako sa kanya.
Tanya- po?
Nanay- tumawag sakin ang Boss mo, ang sabi nya, i tatransfer ka daw nila sa hindi ko matandaan kung anong lugar yun eh. Sabi pa nya napaka galing mo daw kaya na promote ka. Totoo ba yun anak?
+ hindi na lang ako nakaimik mukang kilala ko na ang taong yun. Ngumiti na lang ulit ako at niyakap sya ng mahigpit.
Tanya- nay? Mahal na mahal ko po kayo.
Nanay- asus naman ang anak ko. Mas mahal kita ha. Natutuwa ako kasi napaka tapang mo kahit mag isa ka dito, at dun sa pag transfer mo, mag iingat ka don, wag mo kami alalahanin basta galingan mo sa trabaho ha. At tatawag ka palagi lagi
Tanya- opo.
+ mga pahapon ay nagpa alam narin si nanay. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumasok sa kwarto ni Syto para kunan sya ng damit pero di ko mapigilang tumayo lang dun at pagmasdan ang boong kwarto. Saglit akong lumapit sa kama at humiga don habang yakap ang unan ni Syto at umiyak lang ng umiyak hanggang sa mapagod nako. Maya maya ay bumalik nakong ospital. Hindi parin sya gumigising, pinunasan ko na muna ang katawan nya at pinalitan sya ng damit sa tulong nila ken. Pag gabi ako lang ang natitira munang nagbabantay, hindi ko sya halos tinutulugan, nagbabaka sakaling mafising sya, hindi ko rin binibitawan ang mga kamay nya at tinititigan ko lamang sya. Paano na? Paano na kami? Hinalikan ko sya sa noo pagkatapos ay sa labi. Hindi ko sya iniwan hanggang sa araw ng pag alis ko, hindi ko alam pero binigyan ako ng palugit ni Nathan at ngayung araw ang araw na yun. Dumating si Jim na may dalang mga pagkain.
Jim- kamusta sya?
Tanya- hindi parin sya nagigising.
Jim- hayyy, sya nga pala. Kilala mo ba tong taong to?
+may pinakita sya saking picture ng isang lalaki na naka sumbrelo.
Tanya- parang.
Jim- pinakita samin ni Sir ang cctv nung araw na maaksidente si Syto, at yang lalakeng yan ang nakunan na sumabotahe sa lightings.
+ medyo nakikilala ko ang muka nya. Hindi ako pwedeng magkamali sya yung nakabangga ko nung oras na pupunta ako sa backstage. Hindi ko na lang sinabi sa kanya dahil alam ko narin naman ang totoo na sila Chris ang nagplano nun, hindi na nila kaylangang malaman pa,...