TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 15


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 15
After the mass, dumiretso kami sa library. Busangot ang mukha ng mga ka-klase. Masyadong halata na ayaw makaharap si Ginoong Aklat.
Sumunod ako kay Bana at Keith, malapit sa bintana ang napili nilang puwesto. I put my things on the table, ganoon din ang ginawa nilang dalawa.
Dahil malaki ang library ng school, kalahati lang nito ang sinakop ng aming klase. I took my notebook and ballpen from my bag, at inilapag sa parisukat na mesa.
Then, my eyes darted to the group of students na kapapasok lang. Sa tangkad at pangangatawan, hindi imposibleng mapuna ang atensyon sa kanya. With his bag in his right shoulder, he’s busy talking to a girl.
Sa alaala ko, siya iyong babaeng kausap niya noon kila Aling Lukring.
Friends pala, huh?! Ni hindi nga niya nabasa ‘yung message ko sa kanya. Kahit manlang sana nag-online siya, hindi niya nagawa. Because he’s busy to that girl!
Ahhh! Travis Gellego, you’re getting into my nerves!
Tumawa ulit iyong babae sabay hampas sa braso ni Travis. Baliw ata iyong babae, siya lang kasi tumatawa sa kanilang dalawa.
Selos ka lang, Candace!
Now that his eyes is on me, nawala agad iyong nararamdan kong inggit doon sa babae. Nagulat ako nung tumaas ang sulok ng kanyang labi at nakitaan ng pagkamangha sa buong mukha. Ganito ba ako kay daling basahin, ultimo sinasabi ng mata ko, nababasa niya.
Patuloy sa paglalakbay ang isip ko nang sikuhin ako ni Bana.
“He was staring at you.” nginuso niya si Travis na ngayon ay patungo sa katabi ng aming mesa, at pinili pa iyong puwestong nakaharap ako.
“And you, too! E di ikaw na ang may katitigan.” Bana, again.
Hindi ko pinatulan ang sinabi ni Bana. Because I’m aware he is staring at me, again. Feeling ko kapag ibuka ko ang bibig ko para tugunan ang sinabi ni Bana, walang lalabas kahit isang salita. So, I just keep my mouth shut up.
Galing sa bintana, pumasok ang preskong hangin dahilan ng pagsayaw ng buhok ko’t napunta ang ilang takas sa mukha. In a girlish way, inipon ko ito at inilagay sa likod ng aking tainga. At ‘di sinasadyang mapako ang tingin ko sa kanya.
Tumalon ang...


puso ko sa inabutang mapanganib niyang titig. Ni hindi niya pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa kanya.
His eyes is too much… nang hindi ko kayang ibalik ang intensidad na binibigay niya, iniwas ko ang aking tingin.
Gusto ko man titigan siya pabalik, ay hindi ko kaya. Hindi ko kaya ang nag-aalab nitong titig.
Naka-ekis ang dalawang brasong nakatapat sa kanyang dibdib, at tila nag-e-enjoy na tinititigan ako. Ni hindi man lang nabalisa nang kanina ko pa siya nahuling nakatitig sa’kin.
Then Hiron came to the picture, blocking Travis’ view.
I looked at Hiron, magkasalubong din ang kilay. Masama ang tingin niya sa akin, na parang may ginawa akong mali na hindi ko alam.
Dahil ba doon sa hindi ko siya binigyan ng kahit kaunting oras ko? Ang pag-iwas ko sa kanya nitong mga nakaraang araw?
Kung iyon nga, tama si Bana, kailangan namin mag-usap na dalawa. Para malinawagan sa isa’t-isa. Na pakikipag-kaibigan lang ang kaya kong ialok sa kanya. Nothing special behind that.
I exhaled. Walang gana kong sinarado ang aklat, at tumayo para isauli sa dating pinagkuhanan.
“Oh! Are you done?” Si Keith.
Tumango ako kahit walang tumatak sa utak ko dahil wala naman akong naintindihan. I’ll asked Keith about it later. Siya nalang paliwanagin ko baka sakaling may makuha akong impormasyon mula sa binabasa.
Pagkatapos kong inayos sa pagkakalagay ay inabala ko ang sariling tumingin ng ibang libro at dahil ayoko ng bumalik doon uubusin ko na lang siguro ang oras ko dito kahit mangalay ang paa ko. Gusto ko munang iwasan si Hiron.
May tamang oras din para sa pag-uusap namin. Hindi pa sa ngayon.
Nang walang nakakuha ng interes ko sa mga libro, bumuntong hininga ako sabay talikod sa mga nakahilerang libro para sana sandalan iyon.
“Shit!” napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa gulat. “Don’t scare me like that!”
Mula sa seryoso at prenteng pagkakasandal sa mga libro habang nakatingin sa akin ay tumawid siya sa pagkakatayo. At unti-unting lumalapit kung nasaan ako nakatayo.
“I’m sorry. I didn’t mean too…” he softly whispered.
And just like that… in one snap… bumalik ulit ang nakakapaso niyang titig. Na kahit kailan hindi ko kayang salubungin.
“Gusto kitang makausap.” he said in a hoarse whisper.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top