TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 16


TWO HEARTS BENEATH THE MOON
Kabanata 16
“Gusto kitang makausap?” aniya
Kung ano man ang kahihinatnan ng pag-uusap na ito… hindi man maganda ang kalalabasan… I will accept it… I think hanggang doon na lang talaga ako.
At least, I tried my luck. At wala akong pagsisihan na ano pa man, because I fought for my feelings for him.
If he didn’t accept my heart, bukas ay titigil na ako, and I will never ever across that line, again, between us.
“T-travis,” I softly whispered. “Ako muna. May sasabihin din ako.” sabi ko.
He nodded.
“Gusto k-kita.. matagal na. Gustong-gusto,”
His lower jaw tighten. Mas lalo kong nakitaan ng pag-apoy ng kanyang mata sa binitawan kong mga salita.
Batid kong gusto niya muna akong patapusin. Ayos na din iyon, ayokong makipag-unahan sa kanya, at baka hindi ko masabi sa kanya ang gusto kong sabihin.
Hinayaan niya ang sariling titigan ako.
I bit my lower lip, at ibinuka ulit ang bibig, “Totoo ‘yun. A-at gusto ko rin malaman mo na tatanggapin ko kung ano ang magiging sagot mo. Pero gusto ko munang malaman na kahit kaunti manlang nagkagusto ka rin ba sa akin… please, be honest to me…” I smiled, hindi abot sa mga mata.
Titig na titig talaga siya sa akin. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-iwas sa titigan. Ngunit nahabol pa rin ng tingin ko ang pagtaas ng kanyang magkabilang gilid sa labi.
“Instead of answering your obviously question, Candace,”
I’m all ears… handa pati ang puso.
“Hayaan mo akong ligawan ka,”
Biglang huminto ang pag-ikot ng aking mundo. Mabilis nabaling ang tingin ko sa kanya.
“Pwede ba kitang ligawan?” ulit niya. He gently reach for my elbow, pulled me to him, and, still, his very serious eyes never leave mine.
“I’m sorry for such an ass. But believe me, I’ve been waiting for this day.” he said in a begging way for me to believe him.
“I don’t do promise, Candace. But you have my words… that I will take care of your heart.” Now, he’s firmly holding my both hands. Tila natatakot pakawalan pa.
And here I am, speechless. Para akong lumilipad kasama ang mga nagsasayawan paru-paru. May mas isasaya pa pala ang puso ko.
“Pe-pero nanliligaw ako s-sa’yo. S-sagot mo na lang ang kulang.” sabi ko agad.
He chuckled. Hinawakan ang baba ko gamit ang mahaba niyang hintuturo. “Hey, look at me.” tunog naaaliw niyang sabi.
Matagal niya akong tinitigan. Then, he licked his lower lip, at bahagyang yumuko. I heard him cursed.
“Okay. I don’t want to waste my time, anyway. Mas mabuting maaga kang nakatali sa akin.” he said. “You’re now my girlfriend, Acantha Candace.”
Kinuha ko ang hawak niyang kamay ko upang takpan ang namumulang mukha, at tumango.
“Ako lang… dapat.” bulong ko, sapat para marinig naming dalawa.
Very demanding, Candace! Of course! I am his girlfriend now!
Malutong siyang napamura, sabay hila sa akin. Para akong presong nakabilanggo sa matigas niyang mga bisig, wala ng balak palayain.
Pakiramdam ko hindi lang iisa ang tambulero sa puso ko, kundi higit pa doon. Sobrang lakas ng tibok nito. Ni wala akong mahanap na salita na pwede kong ilarawan sa nararamdaman.
“You have my words, Candace. I will love you everyday…” He, then, kissed my forehead.
“Mahal din kita, Travis.” And I can’t stop myself from smiling.
“My! Oh! My! My gosh! Kayo na?!” Hindi makapaniwalang tanong ni Bana. Nanlaki pa ang mga mata niya, kita ko iyon sa repleksyon niya sa malaking salamin dito sa comfort room.
Pagkatapos namin sa library, dumeretso kami dito. Si Keith, nakangiti lang. Hindi gaya ni Bana na maingay. Mabuti at kaming tatlo lang ang nandito.
“Oo, Bana. Paulit-ulit.” Hindi ko na mabilang kung pang-ilan ko ng sinabi iyon kay Bana.
Wala pa sana akong balak sabihin sa kanila, kaya lang noong nakita kami ni Keith na ganoon ang ayos sa gitna ng mga libro. At nalaman din noong mas mabunganga talaga. Kaya ito ang ending, pinapaulanan na ako ng maraming tanong.
Same question. Same answer. And that’s because of the great talkative Bana.
“I’m happy for you, Candace.” nakangiti pa rin na sabi ni Keith. Agad ko rin sinuklian iyon ng isang matamis na ngiti.
“Wala ka naman sigurong pinainom na gayuma, noh, Candace?” Bana joked.
“Gaga! Saan ako kukuha nun?!” sabi ko sabay ayos sa blouse kong may kaunting gusot. Paniguradong may dumikit na pabango ni Travis.
“Totoo ba iyon?” taas kilay kong tanong kalaunan.
“Aba malay ko! Kaya ka nga tinatanong, e.”
Nagkibit balikat ako. Nang may naisip, I steal Bana’s attention.
“Ito ang gayuma ko, Bana.” I said in a girlish tone as I put the dorsal of my hand on my chin, and smiled seductively.
“O! E di ikaw na ang maganda! singkit na ‘to!” mataray niyang sabi sa biro ko.
Keith and I laughed. Kalaunan ay nakisama na din si Bana sa tawanan naming dalawa.
Naputol din ang pagtawa kong iyon nang tumunog ang cellphone ko.
Nahigit bigla ang paghinga ko sa pangalan na nakarehistro. Kasabay ang malakas na tambol sa aking puso.
Bakit ganito? Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili na maging normal ‘pag andyan siya… kung hindi baka himatayin pa ako sa kilig.


/> Nakakahiya iyon!
Travis;
Alas tres ang uwian niyo, right?
Kumunot ang noo ko. Nabaling na doon ang buong atensyon.
Ako;
Opo. Bakit?
Wala pang tatlong segundo, may mensahe na ulit siya. Hmmm… He’s not that busy, huh.
Travis;
I’ll wait for you.
Nagtaka ako doon. Alam ko kasi, 6:00 pm ang dismissal nila, so probably, ako dapat ang maghintay sa kanya.
Ako;
Wala na kayong pasok?
Travis;
Wala na.
Kaya pala. May sumunod ulit.
Travis;
Hihintayin kita sa may gate. Okay?
Napalabi ako. Tatlong oras! Tatlong oras siya maghihintay sa akin. Gusto ko iyon… kaya lang, syempre, baka may gagawin pa siya… like project o assignment. Matagal na oras din iyon… kahit gustong-gusto ko, ayaw ko naman unahin ang sarili sa mga ganoong kagustuhan lang. Besides, may bukas pa naman.
Ako;
Huwag na… Ahm, mababagot ka lang.
Travis;
Try me, Candace.
Ngumuso ako, pilit hindi ibaling sa ngiti.
Ako;
Ikaw ang bahala. Nasaan ka kung ganoon?
Travis;
Aling Lukring.
Tumaas ang isang kilay ko sa nabasa. Noong huli ko siyang nakita doon, kasama ang mga barkada niya pati iyong babaeng nakita ko din doon at sa library.
Don’t tell me, kasama niya ngayon?
Imbes na magtanong pa, at magmukhang nagseselos na wala namang katwiran. Pinigilan ko ang sarili.
And top to all of that! May tiwala ako sa kanya. I kept his words.
Palihim akong humikab, habang nakikinig sa kasalukuyang nagre-report na kaklase. Mga mata’y sa kanya nakatuon… hanggang sa umangat iyon, at napatingin sa ulonan niya. The wall clock says, “2:21”
It’s seems like I want to stand up, and reach for that damn sluggish clock! At ako na mismo ang magiging kamay noon makarating lang sa alas tres!
I straightened my back nang makita ang paglakbay ng mga mata ng aming striktong Prof. Nang agad din bumalik sa harapan, ay bumaling ako kay Bana sa katabi kong upuan.
She’s not listening. What’s new? She’s always crazy busy with her phone. Magaling din itong magtago, e.
Speaking of cellphone. Hindi na muling nagtext sa akin si Travis. Hindi ko alam kung dahil baka busy siya sa anumang ginagawa o pinili na lang huwag muna akong i-text.
At dahil sa kuryusidad, maingat kong inilabas ang cellphone sa bulsa ng aking skirt. Tinapik ko ng isang beses ang screen noon, at umilaw agad.
Nagulat pa ako ng makitang may mensahe doon si Travis. At the same time, nabuhay din ang kaninang inaantok kong diwa.
Sumulyap muna ako sa Prof. namin bago sinilip ang mga salitang pinadala ni Travis.
Travis;
Can I smoke?
Hindi ko alam kung pagbabawalan ko ba siya o ano? Damn! Hindi ko alam! This is my first time! Siya ang naging una kong boyfriend. I don’t know what to say as a girlfriend.
Hindi ko alam ang pupuloting tamang salita. Iyong salitang… parehas namin gusto…parehas namin pagkasunduan. Mga salitang… hindi na kailangan pag-awayan pa.
It’s okay for me. But, now, that he is asking,
Ako;
Masama ‘yan!
Then, send. Noong 12:50 niya pinadala iyon. Siguro naninigarilyo na iyon habang binabasa ang text ko.
Masakit pa ang sinag ng araw nang lumabas ako ng classroom. Pero hindi nagpapatalo ang may kalakasang ihip ng hangin. Tila sila nasa giyera, nagpapalakasan sa isa’t-isa ngayong alas tres ng hapon dito sa Santa Alicia.
Noon, nabibilang lang ang mga araw na masaya ako ‘pag uwian. Iniisip ang pag-iwas sa akin ni Travis. Iniisip lagi ang kawawa kong puso.
Until the day came, ngayon, napawi agad ang mga kalungkutan iyon, at nadaganan ng bagong masayang alaala. Iniisip ko palang ang salitang girlfriend, nilulunod na ako ng saya.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang buong akala ko wala siyang nararamdaman dahil sa pinaramdam niya sa akin… na puro kalupitan ang pakikitungo niya sa akin. Ngunit may lihim din pala siyang pagtingin sa akin. Hindi na dapat ako nagulat sa parteng iyon. He’s really good at hiding his feelings.
Nang malapit na ako sa may bungad ng gate, binagalan ko ang paglalakad animo’y binibilang ang mga hakbang.
With his tall, hindi ako nahirapan siyang makita. Suot pa rin ang uniporme, nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks. Bahagyang nakayuko ang ulo habang sinisipa ang kawawang bato.
“H-hi…” mahina kong sabi nang tuluyan akong nakalapit sa kanya.
Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay sumayaw ang maitim niyang mga buhok, at ang pag-angat niya ng tingin sa akin.
“Hello.” tila nanunudyo niyang sagot sa akin.
He bit his lower lip, at inilahad ang nakabukas niyang palad sa akin.
I looked at him like there’s a big question mark on my face.
“Your bag, Candace.” He said sweetly and gently.
Kahit natangay na ang boses niyang iyon ng ihip ng hangin, nanatili pa rin iyon sa pandinig ko.
Sa paraan ng pagkakasabi niya’y unti-unting humaplos sa puso ko.
Binigay ko sa kanya ang bag ko. Inilagay niya iyon sa kanang balikat. Sa tangkad at katamtamang laki ng kanyang katawan sa maliit kong bag, nagmumukha tuloy iyong bag ng elementary.
At sa nakikita ko, ako iyong sinundo niyang nakakabatang kapatid galing eskwela!
Ganoon ang nakikita ko ngayon!
Sa susunod nga! iyong medyo kalakihang bag ang dalhin ko.
“Maaga pa,” sabi niya pagkatapos sulyapan ang relong nakayapos sa kaliwang pulso.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Delete mo ‘to. Hindi sa’yo ‘tong story. Magnanakaw ka!

Leave a Reply


top