HE IS MY FIRST LOVE CHAPTER FOUR


🌺🌺🌺🌺CHAPTER FOUR🌺🌺🌺🌺
Naguguluhan na rin si Giuseppe sa nararamdaman niya para kay Cathrina Agatha at dahil sa takot niya na tuluyan niyang mahalin ito ay muli niyang tinanggap ang nagbabalik na dating nobya. Hiwalay na rin ito sa lalaking sinamahan nito. Napag-alaman kasi nito na pamilyado pala itong tao.
β€œGiuseppe thank you binigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sa’yo na nagsisisi na ako,” niyakap ni Mercy ang lalaki.
Naglapat ang labi ng dalawa. Iyon ang tagpong nadatnan ni Cathrina Agatha nang magtungo sa farm nang araw na iyon. Tila bigla siyang tinarakan ng patalim sa dibdib. Naiyak siya sa sakit na naramdaman nang makita iyon. Pinahid niya ang luhang agad na pumatak sa pisngi niya. Pilit niyang nilabanan ang selos na nadarama. Hindi niya dapat hatulan si Giuseppe, wala naman kasi siyang alam baka nagpi-flirt lang ang dating nobya nito.
Ang hinala niya ay nabigyang linaw nang marinig ang mismong pa gamin ni Giuseppe sa ama. Hindi sinasadyang napakinggan niya ang sinabi nito nang magtungo siya sa tahanan ng mga ito nang tanghaling iyon matapos palipasin ang sama ng loob sa farm.
β€œTotoo itay kami na ulit ni Mercy,” si Giuseppe.
β€œAno? Minsan ka ng niluko ng babaeng iyon bakit nakipagbalikan ka pa?” Tanong ni Mang Guiller na hindi maunawaan ang anak.
Hindi na pinakinggan ni Cathrina Agatha ang isinagot ni Giuseppe. Tumakbo siya palayo sa lugar na iyon. Sa resthouse siya humantong. Doon umiyak siya ng umiyak. Hindi niya iyon kayang tanggapin. Napakasakit ng katotohanang iyon para sa kanya. Lahat-lahat ginawa na niya pero hindi man lang pinahalagahan ng lalaki.
Buong maghapon siya sa resthouse na umiyak. Dahil sa sobrang sama ng loob nagawa pa niyang uminom ng alak. Magdamag siyang walang ginawa kundi iyakan ang kabiguang iyon.
Dahil sa pangyayaring iyon ipinasya ni Cathrina Agatha na tapusin na ang pagbabakasyon niya sa farm at bumalik na lang sa Baguio. Minabuti niyang pormal na magpaalam sa mga magulang ni Giuseppe. Itinago niya sa likod ng salamin ang namumugtong mga mata. Naitago man niya ang sakit na nadarama at ang ginawang pag-iyak ay hindi naman maitago ng tinig niya ang lungkot.
β€œHija batid naming ang lahat ng ginawa mo para kay Giuseppe, nahihiya kami sa’yo,” si Aling...


Cecilia.
β€œPasensiya ka na hija,” si mang Guiller.
β€œTay, Nay wala po iyon, salamat po sa lahat. Nag-enjoy po ako!”
Hindi akalain ni Cathrina Agatha na kakausapin pa siya ni Giuseppe. Wala sa plano niyang kausapin pa ito.
β€œHindi natin kailangan mag-usap, kung anuman ang sasabihin mo tama na. Tama ka tigilan ko na!” seryoso niyang wika.
β€œCathrina…”
β€œKasalanan ko talaga ang lahat, minahal kita kahit alam ko ng hindi mo ako mamahalin. Masakit lang kasi hindi mo man lang pinahalagahan lahat ng ginawa ko. Akala ko mamahalin mo rin ako hindi pala,” biglang pinahid ni Cathrina Agatha ang pumatak na luha.” Kalimutan mo na lang na minsan nagpakatanga ako sa iyo!”
Akmang aalis si Cathrina Agatha nang biglang siya nitong hawakan sa braso.
β€œBitiwan mo ako,” hiniklas niya ang brasong hawak ng lalaki. May galit na iniwan niya ang lalaki.
Napabuntong hininga na lang si Giuseppe na nakuyom ang kamao habang sinusundan ng tingin ang palayo ang dalagita. Batid niyang sinaktan niya ito ng sobra sa ginawa niyang pakikipagbalikan kay Mercy.
ONE WEEK LATER
Kahit isang lingo na ang nakaraan mula nang umalis si Cathrina Agatha sa farm ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya si Giuseppe. Kahit anong pilit na alisin ito sa isip niya ay hindi niya magawa. Mahal pa rin niya ito sa kabila ng lahat.
Walang kaalam-alam ang parents niya tungkol sa hirap ng kalooban na nararamdaman.
Nang dumating ang daddy niya galing Australia at muli siyang yayain nito kasama ang mommy niya na bumalik sa farm upang bumisita roon ay tinangka niyang tanggihan iyon pero naisip niyang baka mag-isip ang mga ito ng dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik roon.
β€œBalita ko nag-enjoy ka daw sa farm sabi ng mommy mo e bakit umuwi ka kaagad?”Ang daddy niya nang papunta na sila ng Ilocos. Kasalukuyan sila noong nagbi-biyahe.
β€œEwan ko ba nagtaka din nga ako, mula ng dumating parati na lang iyang tahimik,” ang mommy niya.
β€œBaka naman pinasakit mo ang ulo nina Aling Cecilia at Mang Guiller o kaya kung anong kapilyahan ang mga pinagagawa mo roon,” dudang wika ni Jake sa anak.
β€œHindi ho Daddy,” simpleng tugon niya na minabuting ngitian na lang ang mga magulang.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top