🌺🌺🌺🌺CHAPTER FIVE🌺🌺🌺🌺
Nagulat ang mga magulang ni Giuseppe nang dumating sila nang araw na iyon sa farm. Si mang Guiller ang sumalubong sa mga magulang niya samantalang si Aling Cecilia naman ang lumapit sa kanya.
“Hija narito ba kayo dahil sa mga nangyari?” Alalang tanong ni Aling Cecilia sa kanya.
“Hindi po, bumisita lang sila at isinama ako. Wala silang alam kaya huwag n’yo na rin hong sabihin sa kanila ang mga nangyari,” tugon niya.
Nang maihatid sila sa resthouse ni Mang Guiller ay agad na nagyaya ang daddy niya upang magtungo sa farm at bisitahin ang mga trabahador.
“Pupunta kami ng mommy mo sa farm, sasama ka ba?” tanong ni Jake sa anak.
“Dito na lang ho ako Daddy nakakapagod ang biyahe, magpapahinga na lang ho ako, kayo na lang po ni Mommy,” tugon niya sa ama.
Minabuti ni Cathrina Agatha na magpaiwan na lang sa resthouse. Ang totoo iniiwasan niya si Giuseppe na makita at makaharap man lang.
Hindi pa lubusang nakakaalis ang mommy at daddy niya nang may mag-doorbell sa pinto. Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. Si Giuseppe ang bumungad sa kanya. My god! Hindi pa rin nawala ang kagandahang lalaki ng nasa harap niya. Ito pa rin ang lalaking minamahal at hinahangaan niya.
“Bakit ka nandito?” Kunut-noong tanong niya rito. Pilit niyang ibinabalik ang nararamdamang galit sa lalaki.
“Cathrina mag-usap tayo.”
“Wala tayong dapat pag-usapan, umalis ka na! Tapos na ang pagpapakagaga ko sa iyo. Diba sabi ko sa’yo ayaw na kitang makita,” akmang isasara niya ang pinto pero pinigilan iyon ng binata.
Pumasok ito kahit pinipigilan niya.
“I said get out! Ayaw kong makipag-usap sa’yo at ayaw kitang makita, naiintindihan mo ba?” naiirita niyang tanong. Sariwa pa rin sa isip niya ang sakit na idinulot ng pakikipagbalikan nito kay Mercy.
Sa halip na tugunin siya nito ay bigla siyang nitong hinapit at niyakap ng mahigpit. Nagulat siya sa ginawa nito. Tila biglang nanlambot ang tuhod niya.
“I’m sorry,” bulong nito.
Itinulak niya ang lalaki.
“Ngayon ka pa ngso-sorry nasaktan na ako. I hate you Giuseppe! Sana Hindi na lang kita nakilala,” naiyak na si Cathrina Agatha sa sama ng loob na nararamdaman.
“Cathrina makinig ka sa akin, mahal kita!” Seryosong wika ni Giuseppe.
Sinampal ni Cathrina Agatha ang lalaki dahil sa sinabi nito.
“Sinungaling ka! Hindi mo ako minahal. Kung mahal mo ako sana noon mo pa sinabi iyan, noong hindi pa kayo nagkakabalikan ng nobya mo.” May kapaitang wika Cathrina sa lalaki.
“Cathrina maniwala ka, ang totoo…”
“Stop! Enough!” Putol ni Cathrina Agatha sa sinasabi ng lalaki.
Hindi naman malaman ni Giuseppe kung paano siya magpapaliwanag sa dalagita para paniwalaan nito ang sinasabi niya.
Hindi naman inasahan ni Cathrina ang sumunod na ginawa ng lalaki. Muli siyang niyakap ng lalaki at siniil ng halik sa labi. Tinangka niya itong itulak pero mahigpit ang yakap nito.
Iyon ang tagpong nadatnan ng mommy at daddy niya. Nagulat ang mag-asawa. Namumula sa kahihiyan si Cathrina nang bitawan ni Giuseppe.
Isang suntok ang dumapo sa kaliwang panga ni Giuseppe. Galit na galit si Jake. Hindi naman siya lumaban sa galit na ama ng dalagita.
“Daddy please,” umiiyak na awat ni Cathrina sa ama.
“Giuseppe pinagtiwalaan ka namin,” pinilit ni Jake na timpiin ang galit at pakalmahain ang sarili.
“Sir, Ma’am patawarin n’yo po ako mahal ko po ang anak n’yo. Pananagutan ko po iyong mga nangyari sa amin habang nagbabakasyon siya dito,” wika ni Giuseppe.
“Ano? May nangyari na sa inyo ng anak ko?” Hindi naman makapaniwala si Xieley.
Nagtatakang napatingin si Cathrina sa lalaki dahil sa kasinungalingan nito. Nais niyang tutulan ang nais iparating ng lalaki sa mga magulang.
“Dapat lang na pakasalan mo siya! Hindi ako papayag na hindi mo siya panagutan,” mariing wika...