Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. He put my bag on my lap, then, he slowly closed the door beside me, tila tinatantiya pa ang magiging reaksyon ko.
Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Oo’t maraming magagandang lugar dito, ngunit wala ako sa tamang huwisyo nang tanungin niya ako kung saan ko gustong mamasyal muna bago niya ako ihatid.
I can’t think clearly when I’m with him. Kaya kalaunan nagpaagos na lang ako sa saan niya gusto… at paniguradong magugustuhan ko rin… basta siya ang kasama ko.
So, this is the feeling to be with him as his girlfriend. Kabila sa mapanganib niyang aura, may sekretong nakatago rin doon na hindi ko akalain magpapalambot sa puso ko.
“Don’t text me when you’re in class.” simula niya.
“Ahmm, h-hindi naman nakatingin si Prof… so,”
Nabaling ang tingin niya sa akin. Magkasalubong na ang kilay. Ang kaninang medyo may kabilisan takbong pagmamaneho ay bumagal iyon.
“Kahit na,”
“But you were asking me.” sabi ko.
“Kaya kong maghintay. Hindi ko naman gagawin ang hinihingi ko ng wala kang permiso, Candace.” banayad niyang sabi.
Tumango na lang ako kahit hindi siya nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa bintana, at pinagkaabalahan ang mga magandang tanawin sa labas. Humaplos sa mukha ang sariwang ihip ng hangin. Ang mahabang buhok ay tila nasa entablado sa kaaya-aya nitong sayaw.
I turned to looked at him, matamis akong ngumiti nang magkasalubong ang aming mata.
“Can you, please, stop right there?” sabay turo sa nakahilerang mga nagtitinda ng bananacue, camotecue, turon, at palamig sa labas ng pribadong elementaryong paaralan.
Excited akong bumaba, hindi na hinintay na pagbuksan ako ng pintuan.
Dumeretso ako sa puwestong marami ang bumibiling mga bata, doon kasi iyong may kalulutong bananacue.
“Ate! Bakit kulang ‘yung bananacue ko? Kay Tomas apat! Tatlo lang akin!” sabi noong matabang batang lalaki.
The little girl rolled her eyes expertly. “Tanga! Malamang malaki ‘yang iyo, sa kanya maliliit. Utak, Tsikoy!” walang preno ang pagkakasabi sa ka-klase.
Napangiti na lang ako sa bangayan nila. Nang nakabili ay gumilid sila.
Tumikhim ako upang makuha ko ang atensyon noong nagtitinda. Matamis ang ngiti niyang nakatingin sa likuran ko. And I know, really well, what she’s looking at!
Sa tingin ko ay halos magkaedad lang sila ni Travis. Tumikhim ulit ako baka sakaling manakaw ko ang atensyon niya.
Tumaas na ang kilay ko ng wala pa rin talaga, “Ate! pabili ako!” hindi na napigilan ang sarili.
Nabaling na din sa wakas ang tingin noong babae sa akin. “Ah. ahm. Ano sa ‘yo, Miss?” Pero malikot pa rin ang kanyang mga mata. Sarap sundutin ng stick ng banana que!
“Gusto mo?” Baling ko kay Travis, makita ko lang kung ano ang reaksyon niya, at kung nakatingin rin ba siya doon sa babae.
But I was caught off guard, may munting ngisi ang nakapaskil sa pulang labi nito habang amused na nakatingin sa akin.
Lumapit siya sa akin halos maramdaman ang kanyang dibdib sa’king likod. He crouched to reach for my ears.
“Oo, Candace.” he said huskily.
I cleared my throat, binalewala ang nagwawalang puso sa aking dibdib.
My heart is crazy, indeed.
Ilang araw na ang nakalipas simula noong naging kami. In those days, doon ko napagtanto sa sarili, not subracted, not even cut in the middle… mas lumalim lang ang nararamdaman ko sa kanya. Na tila may humukay pa roon at mas pinalalim.
At an early age, I already dreamed of us… everything is like a fairytale. Perpekto ang bawat anggulo ng pagkaka-plano. Perpekto ang storyang nabuo sa utak. Everything was so perfectly beautiful.
The news about us spread like a contagious disease. At hindi ko na kailangan tanungin kung sino ang pulot dulo noon.
Magkaroon ka ba ng isang kaibigan makati ang dila, ‘wag mo ng pangarapin maitago ang sekreto mo.
Hindi ko na kinompronta si Bana tungkol doon, para saan pa’t malalaman rin kalaunan. At saka isa pa, totoo naman na kami talaga, there’s no place to deny it.
Mabuti na rin iyon para malaman nilang hindi na siya single. So back off, bitches!
“Sa wakas! Natapos rin! O, ano, guys, tara shot?” sabi ni Andei na kadarating lang, at sabay hila sa upuang katabi ni Liyk.
Binigyang distanya ang likod ko at sandalan ng ino-upuan upang makaabot ng chips sa tapat ni Keith. Maingay na sa aming round table dito sa canteen, nakakaagaw na ng pansin. Dahil katatapos lang ang exam namin, ngayon nagpapa-plano sila kung saan kami pwedeng mag-outing.
“Oo nga! Sa Surag Falls tayo.” sang-ayon ng iba.
“Masyadong malayo!” reklamo ni Astepa.
“Teka! Tek-” si Liyk, tumayo na mula sa pagkakaupo, tinaas pa nito ang dalawang kamay. Na nagpatahimik sa mga kaklase.
“Pabida!” hindi iyon nakaligtas sa pandinig namin lahat bulalas ni Astepa.
But it’s seems that Liyk didn’t bother about it. Pinagpatuloy pa rin ang naputol na salita.
“Doon na lang tayo kila Atep. Tutal, hanging bridge lang ang pagitan ng bahay nila sa ilog. Saktong may cottage na rin doon.”
Mas lalong umingay ang nasa puwesto namin sa mungkahi ni Liyk.
Pero nagulat ako...