Chapter ONE
“DEAR DIARY, INLOVE AKO KAY SIR”
Ms.Samonte POV:
Dear Diary,
Araw ng lunes na naman pala. Araw na pinaka-ayoko sa lahat!
Oo Diary, hate na hate ko talaga ang lunes na ‘yan!
Akalain mo ba naman, tuwing lunes lagi akong pinapapulot ng basura dahil dakilang late raw ako.
Eto kasi ang punishment na binigay sa akin ng adviser ko.
Aminado naman ako na hindi ko kayang pumasok ng maaga sa campus kasi nga masyadong malayo ang bahay namin.
Pero di bale diary, bukas na bukas feel to free na akong ma-late!
Alam mo ba kung bakit?
Dahil hindi na yung striktang babae ang adviser namin, baguhang guro na.
At hindi lang yan diary, SINGLE na lalaki ang papalit kay Ma’am.
Oh diba? Pak na pak!
Talagang tinupad ni Lord ang hiling ko sa kanya.
Feeling ko tuloy tadhana na ang naglalapit sa THE ONE ko.
Ayieee kinikilig ako.
So hanggang dito na muna diary at marami pa pala akong pupulutin na basura.
Matapos kong sulatin ang lahat, tinago ko na ang aking notebook sa bag at nag-umpisa na nga akong mamulot.
Well, mabilis kong napulot ang lahat ng basura dahil nasanay na rin ako.
So ayun, pumasok na ako sa klase.
Wala naman masyadong ginawa kaya nagsi-uwian na kami.
Nakahinga ako ng malalim dahil sa wakas, MALAYA NA AKO BUKAS!
Sa pagsapit ng bagong umaga, masaya akong naglalakad sa campus habang tinutungo ang classroom namin.
Kahit sobrang late na ako, taas-noo pa rin ako noh.
Nang makatapak na ako sa classroom, nagsitinginan agad sa akin ang mga kaklase ko.
Feeling ko tuloy nasa THE VOICE ako dahil sabay-sabay silang napaharap.
And oh my gosh!
Nakita ko ang mukha nila na bakas ang takot.
‘Teka, mukha ba akong aswang?’, ‘yan sana ang gusto kong itanong sa kanila kaya lang biglang nagsalita si Sir.
“Ms.Samonte, tama ba?”, tawag na tanong nito.
“Y-yes sir.”, tugon ko sa kanya.
Lumapit naman ito sa akin.
“Base sa record mo, palagi kang late sa klase. Pero sa ginawa mo ngayon, hindi lang late ang tumatak sa isipan ko, CUTTING GIRL ka na rin. “, diin na sambit ng lalaking nasa harapan ko.
“Sorry sir, malayo kasi ang b-bahay namin.”, utal kong paliwanag.
“Kahit na. Hindi ‘yan rason para pumasok ka ng ganitong oras.”,
“Sir— “,
“Mag-usap tayo mamaya sa office ko.”, tanging bigkas niya.
Matapos sabihin ni Sir ang katagang ‘yon, halos manlambot ang tuhod ko dahil sa lamig na titig nito sa akin.
Gwapo sana, kaya lang STRIKTO sya. HMPP!
Gaya ng sinabi niya, matapos magdiscuss at magpakilala, sumunod naman ako rito para mag-usap kami.
“Maupo ka.”, utos nito na akin...