Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 24.1


PAAAAKKK !
isang Malakas na SampaL ang sumalubong sa akin. 😭
Si tita iyon. Nanginginig sa galit at galit na galit na nakatingin sa akin. Nagulat man ay tiningnan ko sya sa mga mata.. Puno yun ng Luha at Poot sa akin ..Di ko mahanap ang dati’y maalalahanin at masayang netong pares ng mata sa tuwing titingnan nya ko.
“Pano mo nagawa to Esang ?Ang Laki ng tiwala namin sayo ng tito mo! Pero bakit mo sinira?! “galit nitong sigaw sa akin kasabay ng mga luhang pumapatak sa mga mata nito..
Nanlamig ang buo kong katawan dahiL sa sinabi nya. Pakiramdam ko’y tinakasan na ko ng dugo ..nanatiLi akong nakatayo habang nakayuko at ang mga luhang nag uunahan sa aking pisngi…
“tita…. –pasens–“,
“Huli na Esang niLoko mo na kame., pag nalaman to ng tito mo ay di ko alam kung ano ang kaya nyang gawin sayo.. “sya habang patuloy na umiiyak.
“Babawi po ako ” sabi ko dito. Wala na kong mahanap na salita.. Blangko na ang isip ko dahiL sa pangyayari.. Halong takot. Lungkot at hiya ang naramdaman ko..
“Long pumasok ka na “,si tita “at wag kang gagaya dito sa babaeng to.. Pagbutihan mo ang pag aaral mo “,dagdag pa nito..
Kahit ayaw umalis ni Long ay napilitan sya. Pero bago pa sya umalis ay nakita kong tumingin sya sa akin ng may pag aalala at saka tuluyang umalis.
PAKKKK
isang SampaL ulit ang natikman ko mula kay tita. At sa pagkakataong itoy na paupo na ako sa lakas ng sampal nya at tila nawalan narin ng lakas ang mga tuhod ko.
“BABAWE?? parang narinig ko na yan dati aa..ito ba yung pagbawi na sinasabi mo? Ang magkaroon ng mga puLang grades sa Card mo?Esang !Ano ba. Di ka ba talaga maawa sa amin Halos magkanda kuba kuba na kme kakahanap buhay para lang maigapang kayo at ng makapag araL …kaya pla kinakabahan ako kahapon ng sabihin sa akin ni mareng Susan na pinapapunta ako sa schooL ng teacher mo .!iyon pla nagbubulakboL ka lng dito. Pero yung tanga mong tito Kiko ay andun sa bahay at buong tiwalang naniniwala na kaya ako pinatawag dahiL daw sa mga matataas mong grades. Ang Laki laki ng tiwala namin sayo.. Ano ba Esang. Di ka ba natatakot sa tito mo o nahihiya para gawin mo ang ganitong mga bagay? At saka nakausap ko pa ang land Lady mo nagsusugal ka pa pala. Nilulustay mo ang perang halos ikamatay ng tito mo sa laot para lang may ipangtostos sa pag aaral nyo.! Mahabang panenermon nito sa akin at sa tono ng pananalita nyay...


galit na galit talaga ito sa akin.. Hinablot nya ang buhok ko at sinabunutan ako ..
Hindi ko man lang nagawang tanggalin ang kamay ni tita sa buhok ko. Hinayaan ko lang sya. Masakit yun pero alam kong mas masakit para sa kanya ang mga ginawa ko. Ang pagsira ng TIWALA NILA na binigay para sa akin..
Patuloy kameng umiiyak dalawa. Naupo nrin si tita sa tabi ko. Binitiwan nya na ang buhok ko..
“tita —
“Wag ka ng magsalita at kahit anong paLiwanag mo’y di ko rin maiintindihan. Esang ..ang tanong ko ay BAKIT MO KAME NAGAWANG LUKIHIN NG TITO MO.? si tito KIKO mo hindi natin sya kadugo. Hindi nyo sya kadugo pero khit wala syang kahit isang patak ng dugo na mag uugnay sa inyo ay di nya yun inisip bagkus pinag ugnay nya kayo sa sarili nya gamit ang PAGMAMAHAL. MAHAL NA MAHAL kayo ng tito nyo lalo ka na pero ganito pa ang gagawin mo. Kapag nalaman to ng tito mo ay di ko maipapangakong maipagtatanggoL pa kita “..sabi ni tita habang patuloy na humihikbi.
Wala akong mahanap na sagot.
Tumayo sya
“ayusin mo ang sariLi mo at pumasok ka na sa paaralan. Huwag kang mag alala di ko to sasabhin sa kanya.. Sana lang bago to malaman ng tito mo ay nabawi mo na ang mga bagsak mo nung third grading sa fourth grading mo. Pero wag mo aasahang di nya to malalaman. Di ko to ginagawa para konsentihin kasa ginawa mo ..ginagawa ko to kse ako ang tita mo at gusto ko ay matapos mo ang taong ito. Saka umakto kang tulad parin ng dati sa harap ng tito mo mamaya pag uwe nyo sa bahay ni Long. “sabi nito at iniwan ako ..
Patuloy parin ako sa pagLuha …ang sakit sakit ng dibdib ko.. Halo halo na ang emosyong meron ako.. Tila pinarusahan ako ng langit at ang mga panalangin ko ay di Nya narinig.. Di man lang Nya ko hinayaang makabawe pero alam ko nman sa sarili kong ksalanan ko ito at wala akong iba pang dapat sisisihin kundi sarili ko lng..
Ito na yun.. Ang kabayaran sa mga kasiyahang panandalian lamang. Sa tuLad kong bata na gusto’y maramdaman ang pagiging malaya ay ang malaking kapalit na pagkasira ng isang malaking TIWALA.
khit nahihiya ay sinubukan ko paring ayusin ang sarili ko para makapasok sa paaralan kahit subrang maga na ng mga mata ko sa kakaiyak..
-Itutuloy
Yung Chapter 25 po agad agad ang susunod kong ipopost pag naaprob po ito.
Tpos last na po muna yun para ngayong araw 🙂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top