BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER ONE


” mag ingat ka sa pagpasok mo, sana ay matiwasay kang makapagtapos anak. ” nakangiting ani inay habang inaayos ang collar ng damit pang itaas ko, ito ang unang araw ng Eskwela bilang kolehiyo pero tila ga’graduate na ako sa paningin ni Inay.
“ipinapangako ko po na pagbubutihin ko ang pag aaral ko inay. ” saad ko. “Ang itay, hindi ko na naman inabutan.” nasanay na ako sa madaling araw na pag tungo ni Itay sa Bukid pero kahit paano ay nag aalala parin ako.
Pag dating ko sa Gate ng Unibersidad ay talagang napahanga ako sa ganda niyon, malaki at kulay gold na gate ang nasa bungad, ipinakita ko ang SCHOOL ID ko at, wala namang kagatol-galot na pinag buksan ako ng dalawang gwardya, pareho itong nakangiti sa’kin kaya’t bahagya akong nakaramdam ng hiya, nagbaba ako ng tingin tsaka pinong naglakad papasok.
Diretsong hallway ang daraanan para marating ang Pinaka Entrance ng School at sa dalawang gilid ng hallway ay naroon ang isang malawak na soccer Field at sa kabila naman ay ang Gym na napaka ganda.
Napukaw ang atensyon ko sa mga lalakeng naglalaro ng Soccer field, nakatanaw silang lahat sa akin tila tinatanong kung bakit ako nakatanaw sa kanila kaya’t nagmabilis akong maglakad palayo habang nakababa ang tingin ko hanggang sa makabaga ako.
“Aray.” nasambit ko pa tsaka ako nag hilot ng noo, nang mag angat ako ng tingin ay nakataas ang kilay ni SUHO!
‘hala.. .anong ginagawa nito dito? ‘
Nakagat ko ang labi ko tsaka nag iwas ng tingin at nagmadaling humakbang palayo.
“Hindi mo kayang mag sorry? ” hindi ko alam kung galit ba sya kaya huminto ako sa paghakbang, ganun na lang ang lakas ng kaba sa dibdib ko.
Bakit ba kasi sya nandito!
“Suho… ” tawag pansin sa kanya ng isang babae, hindi ko alam na sikat din pala sya dito.
Umiling ako ng ilang ulit tsaka iwinalang bahala ang nangyari, humakbang ako palayo sa kinatatayuan ni Suho.
“Tara sa Gym, may Announcement daw. ” rinig kong saad ng babae. “May anunsyo Daw si Dean tungkol sa Welcome party para sa mga sophomore at Freshman.”
Napansin ko na din ang lahat ng Estudyante na naglalakad patungo sa Gym, hinintay kong makalayo sina Suho at yung babae bago ko maglakad.
“Hello Each and Everyone this is Dean Sheina Vellagas, nandito ko para mag announce tungkol sa Welcome party na gaganapin ngayon araw, we’ll ayokong ma-bore kayo ngayong First Day kaya naman nag implement ako ng Party na pangbungad.” napaka ganda ng ginang na ngayo’y nag sasalita sa Entablado, sa haba ng sinabi nya ay hindi ko na iyon napakinggang maigi nang magtama ng paningin namin ni Suho.
Nakatanaw ito sa akin, hind ko alam kung bakit.dahil ba nabangga ko sya?
Nakahinga ako ng maluwag nang muling umukyabit sa braso nya iyong babae na naman kanina.
~
Ang lahat ng Freshman ay naatasang magbitbit ng mga gagamitin patungo sa Gym kabilang ako, pinili kong magpatihuli dahil alam ko naman ang Estado ko, tyak na mayayaman ang lahat ng narito samantalang ako ay isang hamak na anak ng Mahirap. napalingon ako sa lalakeng kasabay ko na naglalakad suot ang itim na Jacket nito bitbit ang isang balot ng mga Softdrinks.
“Sino yan? ”
“Suho? ang Gwapo nya talaga ! ”
“Freshman ba yan? ”
“Shocks i think im inlove. ”
“Si Suho yata yan! Grabe ang gwapo nya! ”
“hala magkakilala sila? ”
“Bakit hindi mo’ko kinakausap. ” ani Suho na sa unang pagkakataon ay kinausap ako, isa syang campus bully kaya naman takot ako sa kanya. ” Hoy.. “medyo tumaas ang boses nya tsaka nag lingon sa’kin.
“Ano.. Kasi..”natatakot na saad ko.
“kasi..? “ginaya nya ang tono ko. “Tsk! Suplada ka parin. ” halata ang inis sa tono nya tsaka humakbang ng malaki palayo sa’kin.
“ako? Kailan ako naging suplada sa kanya? Eh hindi ko nga sya kinakausap. ”
~
“Hello, ang pangalan ko ay Zoe” nakangiting bati sa akin ng isang magandang babae matangkad lang ako sa kanya ng kaunti. “Freshman ka din? ” anito pa.
” Oo.” tipid akong ngumiti, matapos ay hindi na kami nag imikan hanggang sa magpakilala na ang mga Senior,
“Ako si Dexter Varsity Captain ng Football ” ito yung lalake na nasa Field kanina, Senior na pala sya.
“I’m Calvin Suho Villegas. ” nakapamulsang anito ngunit nasa’kin na naman ang pares ng mata nya pati na nung babae na palagi nyang kasama.
“anak kaya sya nung May ari ng Malaking mansyon don? ”
“ang gwapo nya parang Artista ang mga magulang nya. ”
kung ganon?ano ang kaugnayan nila ng amo ni Inay? Dahil sa kaayawan ko sa lalakemg ito pati ang apelyido nya ay ngayon ko lamang nalaman.
Siguro naman ay nagkataon lang na magkaapelyido sila ! Dahil kung may kaugnayan nga sila ay baka ipagkalat nya na katulong lamang si Inay.
“Mahilig akong uminom, Kapag kailangan nyo ng kainuman ay tawagan nyo lang ako.”...


anito pa bago bumaba.
“Ako? pwede ba kitang yayain? ” tanong ng babae mula sa Senior.
“Kainuman lang hindi kalandian. ” masungit na anito tsaka huminto ang paningin sa’kin kaya mabilis aking nag iwas ng tingin hindi ko tuloy namalayan ang paglapit ni Zoe
“Sobrang Gwapo nya talaga. ” impit na kilig ani Zoe pero kalaunay ikinalma din ang sarili nang paakyat na sya sa stage.
“Ako Si Zoe Mendez isang Freshman. ”
“may Boyfriend kana? ” tanong ni Dexter kaya’t kabilis na umiling si Zoe.
“naku wala. ” mariing tanggi nito
“sus,umamin kana.. “panunuksong anang Dexter . “sa ganda mong yan wala kang boyfriend? ”
“Hindi naman.. “nahihiyang saad nya. “ang totoo ay mas maganda pa ang susunod sa’kin. ” lumingon ito sa’kin tsaka bumalik .” ikaw na. ” aniya sa’kin
Mabilis akong pinangunahan ng Hiya bahagya pang tumama ang mata ko kay Suho nakataas ang kilay nito sa’kin kaya’t nag baba ako ng tingin tsaka tumayo.
“Ako si Maricon Keziah isang Freshman. ”
“grabe ang gaganda ng mga Freshman. “anang babae na kaninay nag tanong kay Suho. .
Matapos ang mahabang pagpapakilala ay nagkanya-kanya kami ng bilog kung saan kami naka grupo.
“Anong ginawa mo buong bakasyon? ” rinig kong tanong na naman nung babae kay Suho ngunit patuloy lang ito sa pag lagok ng alak na nasa maliit na tagayan. “kasama mo ba ang Girlfriend mo? ”
Umiling si Suho
“sa gwapo mong yan Wala kang Girlfriend? O nag Split kayo?”
Muling lumagok ito ng Alak, “hindi ako interested.”masungit na aniya.
Inihanda ang mahabang mesa at pitong pitchel ng Alak para sa kanya-kanyang kalahok, “Ready… Set….Go! “anang isang Senior.
Tinanaw na naman ako ni Suho, samantala ang iba ay nagsimula nang uminom ngumisi pa ito sandali tsaka nilagok ng diretso ang Alak.
“Nakita mo ba yon? Nakatanaw sya sa’yo! “ano Zoe.
“huh? “inosenteng saad ko. “Hindi ah, hindi ko naman sya kilala. ” pagtanggi ko pa.
Muli ay ang lalake na naman na ito ang muling bumida sa lahat ng Estudyanteng narito, Huli man ay nauna paring naubos ni Suho ang alak at tulad ko ang lahat ng naroon ay halos hindi makapaniwala.
“ganun sya kalakas uminom…” naibulong ko pa sa sarili ko.
Pinahid nya ang kaunting tumulo sa gilid ng labi nya gamit ang likod ng palad nya,tsaka pumikit sa akin habang nakangisi.
“pansin ko na panay ang pa cute nya sa’yo .” nakangiti ma’y halata naman na hindi papuri ang hangad ni Zoe sa sinabi, hindi ko malaman ang nais nyang tukuyin.
~
Natanaw ni Suho si Maricon palabas ng Venue kaya sinundan nya ito Paliko na sana sya ngunit bahagyang hinatak ni Zoe ang laylayan ng Damit nya kaya huminto ito sa paghakbang tsaka walang interes na nilingon ang babae.
“Ang lakas mo palang uminom.. “nakangiting Ani Zoe pero hindi sya pinansin ni Suho. “kasi.. Na.. Hihilo ako lasing na yata ako. ” umaarteng dagdag pa ni Zoe.
Tumikhim ang binatang suplado tsaka isinuksok ang kamay sa bulsa. ” Kilala ba kita? “sarkastikong aniya sa babae. ” tsaka Wala akong gamot, pumunta ka sa clinic kung gusto mo. ” walang habas ang dilang saad nito, binawi nya ang braso nya at iniwan ang babae.
“what are you doing here? ” bungad nya nang makalapit kay Maricon, bahagya pang nagulat ito nang makita si Suho.
Akmang hahakbang sya para lumayo pero hinigit ni Suho ang pulsuhan nya. “Hey, san ka pupunta! ” saad ni Suho. “palagi mo nalang akong iniiwasan! ”
“I-ikaw.. A-ano…. ”
“Pwede ba? Ideretso mo yang dila mo. ” nakangiwing saad ni Suho. ” Takot ka sakin? Tsk! wala akong balak na masama sa’yo dahil unang -una h-hindi naman kita t-type! ” nauutal na saad ni Suho.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Maricon, “Tutal ay k-kilala m-mo naman a-ako… Sige s-sasabihin ko ang d-dahilan. ” nahihiyang ani Maricon. ” Wala na k-kaming pera para s-sustentuhan ang pag a’aral ko ka-kaya umuwi kami d-dito. ” ani Maricon.
“hmmmm… ” iyon lamang ang nasabi ni Suho dahil abala ang mata nya sa pagmamasid kung gaano kaganda sa malapitan si Maricon.
“ikaw? B-bakit ka narito? ”
Bigla ay napalunok si Suho ng magtama ang mata nila,abilis nyang pinakalma ang sarili nya.
‘Kasi nandito ka. ‘ yun ang laman ng isip nya.
“wala, boring sa manila.. Namiss ko din si Sucon.” bahagya pa syang kinabahan na baka mahalata ng dalaga na kinuha nya ang dulo ng mapangalan ang aso sa Pangalan na Maricon.
“a-ano… Hihingi sana ako ng Favor? “saad ni Maricon kahit pa bahagyang may takot sa dibdib nya. “Hwag mo sanang ipagkalat na Kasambahay ang nanay ko. ” nagbaba ng tingin si Maricon, labis ang awa na naramdaman ni Suho para sa Dalaga pero bahagya syang napangiti.
“Pag iisipan ko, hwag kang magpakalasing. ” aniya tsaka ginulo ang buhok ni Maricon at iniwan doon.
Nagulat pa ang dalaga dahil sa iniasta ng lalakeng kinatatakutan nya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top