INUNA KO ANG IBA KAYSA SAKANIYA


INUNA KO ANG IBA KAYSA SAKANIYA🍃
[Xyver pwede ba tayong mag kita?] —text ng girlfriend ko.
[Kelly i’m kinda busy, maybe next time] —reply ko rito, maya maya pa ay tumawag siya kaya lumayo ako ng bahagya sa kaharap ko.
“hello? nasaan ka?” tanong niya.
“nasa bahay, I’m kinda busy Kelly wag kang makulit okay” ani ko dito.
“kahit kaunting minuto lang Xyver please? miss na kita eh, labas naman tayo kapag hindi ka na busy pwede?” tanong niya.
“Kelly sabi ko nga busy ako eh” halos maiinis na ako sa Pangungulit niya.
“o-okay sorry” ani niya.
“look babe, I’m sorry busy lang talaga ako. Don’t worry kapag tapos ko na lahat ng ginagawa ko babawi ako” malumanay na ani ko sakaniya.
“I really understand I’m just missing you” ani niya sa kabilang linya.
“I miss you too, sige na ibaba ko na to” ani ko, hindi ko na siya hinintay na may salita at agad ng pinatay ang tawag.
“ohh girlfriend mo?” tanong mo Zandra, one of my friends.
“Yes, nangungulit nanaman” ani ko habang walang ganang umupo.
“bakit hindi mo pa siya bitawan? tapos ako nalang ipalit mo, tutal mas better naman ako sakaniya hindi ba” ani niya at bahagyang hinawakan ako sa braso.
“I can’t, I love here” ani ko. Kahit kailan hindi ko iniisip na lokohin ang nag iisang babae sa buhay ko. Oo nawawalan ako ng oras sakaniya pero hindi ko iniisip na mag hanap ng iba.
[babe asan ka?] text ni Kelly sa akin habang mag bibihis ako. Inaya ako ni Zandra na pumunta ng mall para naman raw mabawasan ang mag pa boring niya. Pumayag naman ako dahil sabi ko na ibibili ko rin si Kelly ng regalo mamaya na pupunta ako sa bahay nila. I didn’t tell her na pupunta ako sa bahay nila gusto kong isurprise siya.
[Nasa bahay babe, bakit?] reply ko.Nag taka ako ng hindi na niya ako replyan kaya tinawagan ko ito.
“babe?” pag una ko sa tawag.
“nawalan ako ng load eh sorry, uhm.. free ka na ba? gala naman tayo ohh miss na talaga kita babe” ani niya. Ramdam ko sa boses niya na malungkot siya na halata sakaniya na miss na nga niya ako.
“Ahm babe hindi pa eh, maybe tomorrow?” pag sisinungaling ko sakaniya kahit naman na nasa byahe na kami ni Zandra papunta sa mall.
“hmm okay, uhmm aalis pala ako ng bahay pupuntahan ko lang sina Celine” ani niya.
“sige, mag iingat ka huh I love you” ani ko.
“talaga bang hindi ka pwede ka pwede?” tanong niya.
“babe..” ani ko.
“sabi konga you are busy bye” ani niya sabay baba ng tawag. Hindi ko naman na pinansin yun dahil pupunta naman ako mamaya sa bahay nila para isurprised siya.

“Zandra ano sa palagay mo ang maganda?” tanong ko sakaniya habang pakita ng isang malaking teddy bear.
“uhmm yang brown” ani niya.
“sige, sure ka ba?” tanong ko.
“nag tatanong kapa” ani niya kaya natawa ako. Bigla namang mag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.
[BABE IS CALLING]
“xyver kuhanan mo ako ng larawan dali!” biglang ani ni Zandra ng sasagutin ko na ang phone.
“Zandra sandal-” na putol ang sasabihin ko ng hilain niya ako sa kung saang sulok kaya naibulsa ko ang phone ko. Kinuhanan ko siya ng larawan at ilang shots rin yun.


/> Matapos kung makunan siya at tinignan ko ang phone ko.
[25 missed calls]
“ano kayang nangyari? bakit ganito karami ang calls niya?” takang tanong ko sa aking sarili. Agad kong tinawagan si Kelly para malaman kung anong nangyari. Pero hindi ito sumasagot at Nanatili lang na nag riring.
“f*ck!” mura ko ng ilang beses akong naka missed call sakaniya pero hindi niya sinasagot.
Pipindutin ko na sana ang ‘call’ nang biglang tumawag ang mommy niya kaya nag taka ako.
“hello tita?” tanong ko.Rinig ko naman na umiiyak ang nasa kabilang linya kaya mas lalo akong nag taka.
“x-xyver.. nasaan ka” umiiyak na ani nito.
“tita bakit kayo umiiyak? anong nangyari?” nag aalalang tanong ko dito.
“x-xyver pumunta ka dito sa ospital p-please.. si k-kelly x-xyver parang awa mo na pumunta ka dito” umiiyak na ani niya.
“ano po bang nangyari sakaniya? sige po papunta na ako, tita tatagan niyo lang po ang loob niyo. Hintayin niyo ako” ani ko dito. Agad akong pumara ng taxi papunta sa ospital, habang nasa taxi ay gusto ko nang maiyak sa hindi malaman na dahilan.
Bakit nasa ospital ang girlfriend ko.Nang makarating ako sa ospital at naabutan ko si tita na umiiyak habang naka harap sa emergcy room nilapitan ko ito at agad na niyakap.
“tita anong nangyari?” tanong ko na gumagaralgal ang boses.
“s-si Kelly naholdap siya kanina habang papauwi siya ng bahay.. nanlaban siya kaya nasaksak siya ng tatlong beses x-xyver ang anak ko” humahagulhol na ani nito. Halos manigas ako sa mga narinig ko. Naholdap siya? kaya ba siya tumawag sakin ng ilang beses kanina? fvck this.

“d-doc!” ani ko ng lumabas ang isang doctor sa emergency room. Lumapit ito sa amin.
“we really did our best but she’s not survived, maraming mga parte ng organs niya ang aapektuhan dahil sa talim ng kutsilyong tumarak sakaniya. Maraming dugo na rin ang nawala sa katawan niya. I’m really sorry but.. she’s dead” ani ng doctor, parang nag pantig sa mag kabilang tainga ko ang mga sinabi niya. Wala na ang girlfriend ko?
“w-what did you said?” hindi makapaniwalang ani ko dito habang tumutulo ang luha.
Napasuntok nalang ako sa pader habang hindi na mapigilang mapa hagulhol sa sobrang sakit na nararamdaman.bakit ang bilis naman. Bakit ang bilis ng lahat.Kung pumayag lang ako sakaniya kanina na mag kita kami hindi mangyayari ang ang lahat ng to. Kung hindi siya hinayaan na pumunta sa bahay ng kaibigan niya hindi mangyayari to. Kung inuna ko siya hindi mangyayari to.Kung pwede lang na mabalik ang lahat. Ginawa ko.

Umiiyak akong tinitignan ang babaeng mahimbing na natutulog ang babae sa harap ko. Patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyari. Kung hindi lang nangyari ang krimen na yun, masaya pa sana kami ngayon.Pero wala eh.
“mahal na mahal kita Kelly kung nasaan ka man, sana masaya ka. Patawarin mo sana ako sa mga pag kukulang ko. Mahal na mahal kita Kelly” umiiyak na ani habang niyayakap ang kabaong ng mahal ko.
“MAHAL NA MAHAL KITA KELLY! MAHAL NA MAHAL!” malakas na sigaw ko habang malakas na humahagulhok sa harap ng kabaong niya. Halos mag wala ako sa sobrang sakit na nararamdaman, halos hindi ko kayanin at ayukong tanggapin na wala na siya. Na wala na siya sa tabi ko. Ang sakit lang. Ang sakit sakit.
_____
END
🦋SALAMAT SA PAG BABASA🦋






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top