“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Cris? Gusto mo ba talagang gawin ito?” tanong ni Kuya Indong na namumula pa ang mga mata. Sina Kuya Bruno at Kuya Borj ay nagsisimula na ring umiyak.
Gustong matawa ni Cris ngunit hindi rin niya mapigilan ang mga luha. Nasa airport sila ngayon at parang mga batang paslit na nag-iiyakan.
“Kuya naman, eh. Wag nga kayong umiyak,” ungot niya habang pinapahid ang mga luha. “Sa Cebu lang naman ako pupunta, hindi ako lalabas ng bansa. Hindi rin naman talaga ako mawawala, eh. Ang lapit lang kaya ng Cebu.”
“Eh, malayo ka na sa amin. Doon ka na titira. Wala na ang prinsesa namin.” Lalo pang humagulhol si Kuya Indong.
“Dadalaw rin naman ako. Pangako ko yan sa inyo. Sige na, wag na kayong umiyak. Masakit din sa akin ang umalis pero kailangan ko talaga, eh.” Napuno na naman ng luha ang kanyang mga mata. “Pagod na ako….. pagod na ako sa kakahintay. Hindi ko alam kung…. kung babalik ba siya o hindi. Palagi na lang akong naghihintay sa wala. Noon, ganito rin ako kina Mama’t Papa. Ngayon, ayoko na.” She broke into a sob and Kuya Bruno pulled her into his arms. Umiyak siya sa balikat nito, wanting to let it all out. Soon, she found herself in the center of a group hug. She honestly did not want to leave them, but she had to.
Mula sa itaas, isang eroplano ang dumaan. Kahit na maingay, dinig na dinig pa rin ni Cris ang pag-iyak ng mga kuya niya. Her heart was crushed but she knew leaving would be the best for her.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap ng mga ito, saka ngumiti. “Huwag na kayong umiyak, please. Para naman akong mamamatay nito,” biro niya habang pinapahid ang mga luha.
“Basta kapag ayaw mo sa Cebu uwi ka agad, ha?” sabi ni Kuya Borj.
“Opo, Kuya. Tatandaan ko yan.”
“At kapag may nanakit sa iyo don, tawagan mo kami, ha? Pupunta kami agad sa Cebu,” sabi naman ni Kuya Bruno at hindi niya mapigilang tumawa sa sinabi nito.
“Ingat ka, okay? Wag mong pababayaan ang sarili mo. Pray ka kay God para sa ligtas na biyahe. Magpe-pray din kami sayo.”
“Opo, Kuya Indong. Maraming salamat sa inyo.”
For the last time, she hugged the three of them. Bago mag-iyakan na naman, lumakad na siya palayo. Hindi na siya lumingon pang muli dahil baka tumulo na naman ang kanyang mga luha at magdalawang-isip pa siya.
Habang hila ang maleta, nagpatuloy lang si Cris sa paglakad. The airport was a bit chaotic. Marami kasing tao. Someone in the crowd was also yelling. Soon, a few people started yelling, too. Hindi sana siya hihinto sa paglakad upang makialam kung hindi siya pinigilan ng isang batang babae. Napatingin siya rito at magtatanong na sana nang marinig kung ano ang isinisigaw ng mga tao roon.
“You! The girl in pink ombre dress, stop!”
Napatingin tuloy si Cris sa suot na damit ——— pink ombre dress. Siya ang tinutukoy ng mga ito! Lumingon siya at nakitang nakatingin din ang ibang tao sa kanya.
(May dumi ba ako sa mukha? Or….. Oh, my God. Baka may tagos ako!)
But then she saw that familiar face.
Rhodel.
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
CRIS felt her knees go weak that she had to grab her suitcase handle to keep herself from falling. Her heart was starting to beat really fast. Gusto niyang tumakbo patungo kay Rhodel pero natatakot siya na baka maglaho ang binata. Ngunit nang lumakad ito palapit sa kanya, gusto niyang matunaw dahil sa titig nito. Oh, he was so handsome! Lalo na sa suot na plaid shirt na naka-rolled up pa ang sleeves.
“Where the hell you think you’re going, Merry Cris?” tanong ni Rhodel.
Napalunok si Cris. Hindi pa rin siya sigurado kung totoo ito. She slowly reached out and gently poked his chest with her index finger. A throaty chuckle escaped his throat. Without any warning, he grabbed her by the waist and pulled her into an embrace. His familiar perfume hit her nose and she knew this was real ——- he was here and she was not dreaming.
“I’ve missed you so much, Merry Cris.”
“I’ve missed you too, Rhodel,” bulong niya. Pero nang may maalala ay bigla niya itong naitulak palayo. “Hindi ka pa naman kasal, diba?” tanong niya, sabay tingin sa daliri nito.
Nakangiting itinaas nito ang kaliwang kamay. “Nope, I’m not married.”
Napasinghap siya. “P-pero paano? I-I thought strict yong dad mo?”
“Yeah, but I finally managed to convince him to stop the arrangement because I’m in love with you.”
“And he just ——– wait, what?”
Ginagap ni Rhodel ng dalawang kamay ang kanyang mukha at tinignan siya nang deretso sa mga mata. “You heard me. I am in love with you. I’m so completely, utterly and exclusively in love with you,...