David of New York


Meets Esang ng Tondo
Prologue
Kumislap sa dilim ang patalimna hinugot ng isa sa masasamang loob habang nakaupo sa lupaypay na estranghero nakahiga ang biktima na parang wala nang malay.tao,hinang hina sa mga tinamong suntok at sipa mula sa tatlong lalaking nakapalibot dito.
Kilala ni Esang ang notorious na grupo. Mula sa pinagtataguan niyang sulok ng madilim na eskinita,kitang-kita rin niya ang pagho holdup at pambubugbog ng grupo sa lalaki.
Si kulot ang pinakalider na madaling makilala dahil sa paliparan nitong noo at buhok na mas matumal pa sa kanyang benta.kasabwat nito ang dalawang alipores: si Onyok na namumutok ang malaking tyan at si pustiso na hindi maitikom ang bunganga dahil sa nakausling ngipin.Talamak na tirador ng shabu at holdaper ang tatlo.Nakatira ang mga ito sa looban sa kanilang lugar sa Tondo.
Sapilitang itinayo nina Onyok at pustisobang walang malay na lalaki habang si...


kulot ay may hawak na mahabang balisong at akmang uundayan ng saksak ang huli.Kinabahan si Esang sa nakita kaya lakas loob na lumabas siya mula sa pinagtataguan.
“Pulis!may paparating na pulis!sigaw niya.
Parang mga asong ulol na nagpulasan ang grupo ni kulot kaya hindi naituloy ng mga ito ang masamang balak.
Nakahinga siya ng maluwag nang masigurong wala na ang tatlo.Nilapitan niya ang walang malay na lalaki.Niyugyog ni Esang ang balikat ng nkadapang lalaki.” Kuya okay klang ba? Wla syang nkuhang sagot kaya pinihit nya paharap ang katawan nito.Tumambad sa kanya ang kalunos-lunos nitong hitsura.
“Tulong! Mga kapitbahay,tulong! May nabugbog dito! Sigaw nya para tawagin ang pansin ng mga taong malapit sa bakanteng lote na kinaroroonan nila.
Tiningnan nya uli ang wlang malay na lalaki duguan ang mukha nito putok ang nguso,at dumudugo ang ilong.Hindi maipagkakailang may sinasabi sa buhay ang lalaki base sa hitsura at pananamit.Mestisuhin din ito base sa makinis at mamula-mulang balat na naiilawan ng nag-iisang poste ng ilaw doon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top