THE SOLD HEIRESS KABANATA 1


THE SOLD HEIRESS
KABANATA 1
Mga puno?
Kagubatan?
Tubig?
I-Isang kawalan. ASAN AKO?!
Mga tanong na pumasok sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang lugar na kinalalagyan ko ngayon.
Nasa gitna ako ng kagubatan ngunit sa kabilang bahagi natatanaw ko ang malawak na karagatan.
Wala akong matandaan kung paano ako nakarating at nakapasok sa kwartong ‘toh. Ang huling naalala ko ay nasa loob ako ng sasakyan kasama ang isang matanda tapos, sinigawan ko siya, tinutukan niya ako ng baril at…
“Pinatulog nila ako..” mahinang sambit ko nung maalala ko ang lahat.
Tinanaw kong muli ang buong lugar. Maraming nakakalat na mga gwardiya. Napapalibutan ang buong mansyon. Hindi ako basta-basta makakatakas sa lugar na ‘toh.
Sa gitna nang pagiisip, biglang nagbeep ang wrist watch ko.
Isa itong smartwatch. Isang device na kung saan maaari kang makarecieve ng phone call, vice versa.
“Mia? Hello, Mia ikaw ba yan?” sagot ko sa tawag.
“A-ako nga po ito señorita,”
“Gosh, kumusta kayo? Sila Nang Medel, Kuya Jon?, and si Daddy?” nagaalala kong saad, naiba lang ‘yun nang sambitin ko ang huling salita. Agad kong naikuyom ang kamao nang maalala ko ang ginawa sa’kin ng sarili kong ama.
Ibinenta niya ako sa mga taong hindi ko kilala.
“S-señorita, p-patawad po..” Iyak ni Mia sa kabilang linya.
“Naiintindihan ko Mia. Hindi ko din naman makakaya na makitang masaktan kayo o ang kahit na sino dahil lang sa’kin,”
“S-señorita, meron po akong sasabihin sa inyo. Si Señor Rualdo po at Señora Anita..,”
Nagpantig ang dalawa kong tenga nang marinig ang pangalan ni Ina.
“Anong nangyare sa kanila?”, nagaalalang tinig na sabi ko.
“Narinig ko po silang nagtalo kanina, señorita. ‘Di po makapaniwala ang mama niyo nang malamang binenta po kayo ni Señor Rualdo para lang sa pera. Kanina po, nawalan ng malay si señora,”
“Ano…k-kumusta si Ina? Nasa mansyon pa ba kayo?,” paiyak na ani ko.
“Wala pa pong malay si Señora at wala na rin po kaming lahat sa mansyon. Matapos po ang nangyare, agad pong nagimpake si Señor Rualdo. Narinig ko po sa pagtatalo nila kanina na aalis po sila at pupunta sa ibang bansa. Kahit ayaw po ni Señora wala na po siyang nagawa,” mahabang litanya ni Mia.
“I-iiwan nila ako dito?,” di...


makapaniwalang ani ko.
“Patawad po, señorita. Wala po akong magagawa para tulungan kayo. Sa ngayon po, nasa probinsya na kami nila Nang Medel. At..baka ito na rin po ang huli nating paguusap,”
“Mia–” di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa pagbukas ng pinto.
Kumunot ang noo ng lalaki dahil sa pagtataka. Marahan kong inilagay ang kamay ko sa aking likod upang maitago ang relo.
“Suotin mo raw ‘toh utos ni Boss. Susunduin kita dito mamayang ala-sais,” malamig niyang sabi.
Hindi ako umimik hanggang sa lumabas siya ng kwarto. Pinasadahan ko ng tingin ang iniwan niyang malaking kahon na ngayon ay nasa ibabaw ng aking kama.
Binuksan ko ito at tumambad sa’kin ang isang pulang dress, pulang stilleto, at mga mamahaling alahas. Hindi ako natuwa o nagulat man lang, sa halip pabalang ko itong kinuha at tinapon kung saan.
“Mia!,” sagot ko agad sa tawag nang sandaling nagbeep ang wristwatch ko.
“Luna,”
Biglang nagiba ang emosyon ko nang marinig ko ang tinig na iyon. Hindi si Mia ang tumawag kundi si…
“A-ama..,”
“Nakita mo na ba ang anak ng demonyong iyon?,” agad niyang tanong sa’kin. Ni hindi man lang niya ako nagawang kumustahin.
Pinigilan ko ang sarili na umiyak.
“Mahal kita, Anak,”
Pagak akong natawa dahil sa sinabi niya. “Mahal? Huh, mahal mo ko pero nagawa mo akong ibenta kapalit mg pera? Anong klase kang ama?,”
“Kung hindi ko ginawa ‘yun, papatayin nila tayong lahat. Nakakasiguro akong hindi ka nila papatayin, Luna. Meron silang ibang balak saiyo,”
“Anong ibig mong sabihin?,”
“Magiging ganap kang Guerrero kapag naipakasal ka sa anak ni Andres,”
Kumunot ang noo ko dahil sa tinuran niya.
“Ikakasal ako?,”
“At yun ang maganda, Luna. Pumayag ka at paibigin mo ang anak ng demonyong Andres na iyon. Kunin mo ang tiwala niya. Kapag nagawa mo ang lahat ng iyon, kukunin natin lahat ng kayamanan nila,”
Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Anong tingin sa akin? Bagay? Tauhan? Kingina, anak niya ako!
“Nababaliw ka na..Hindi ko gagawin iyon. Hindi ako magpapakasal!,” Matigas na tugon ko.
“Gagawin mo ang plano sa ayaw mo o sa gusto. Kapag hindi mo sinunod ang pinapagawa ko, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa mama mo.”
“Ama!–”
End call.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top