Author: yrstrly
———
PROLOGUE
“ANO BA ALLYIAH! Pwede bang layu-layuan mo na ako. Sabi nang hindi kita mahal diba?!” sigaw sakin ni Calvin.
Hindi ako nagpadala sa sigaw niyang iyon sa halip hinawakan ko ang kamay niya.
“C-calvin, ‘di mo na ba natatandaan ‘yung pangako mo? Diba sabi mo magpapakasal pa tayo, diba?” Iyak kong ani sa kaniya.
Marahas niyang ibinalibag ang kamay ko, “Anong sinasabi mo?! Nababaliw ka na ba? Wala akong sinabing ganun Allyiah, wala!”
Meron Calvin, meron. Nakalimutan mo lang…
“Ayoko nang makita ka, kaya please lang Ally wag mo nag guluhin ang buhay ko. Layuan mo na ako pakiusap..” Calvin.
Pasikip ng pasikip ang dibdib ko habang nakikinig sa kaniya. Bumuhos ang luha ko sa mata at hindi ko na napigilan pang manghina.
“S-sige. Ibibigay ko sayo ang gusto mo Calvin pero sa isang kondisyon. Pwede bang...