Genre : Romance
Written by : @Atalanta041
.
☆ ☆ ☆ K A B A N A T A 1 ☆ ☆ ☆
UNA ko siyang nakilala sa drama club kung saan ako nabibilang. Pinaupo kami ng aming mga seniors sa upuang inihanay ng pabilog sa gitna. At isa-isa kaming nagpakilala.
Isa lamang siyang tipikal na lalake. Walang gel ang itim na buhok. Nakasuot ng puting T-shirt at itim na slacks. Ordinaryo lang din ang mukha. Hindi pansinin at walang anumang kamangha-mangha dito. He’s plain as sheet. Totally plain.
“Oliver Benson. 2nd year Book Keeping student,” anito nang siya naman ang nagpakilala.
Walang sinuman ang nag-ukol ng pansin. Dagling pumatlang ang katahimikan bago nagpatuloy ang mga naroroon.
“Kim Ambray,” panimula ko nang ako naman ang bumida. Napatingin silang mga nakapalibot sa gawi ko. Maging ang nagpakilalang si Oliver. “…2nd year BSBA student. Bagong transferee kaya masaya akong napabilang sa Drama Club. Mahal ko ang pag-arte kaya umasa kayong gagampanan ko ng mabuti ang mga tungkulin at paggawa. Hinding-hindi ko kayo bibiguin!”
Nagpalakpakan sila. Mas malakas ang natanggap kong papuri sa Senior naming si Glenn. Ang gwapo at matipunong si Glenn Delarama.
“Nakita ko kaagad ang potensyal mo noong unang silay ko pa lamang sa maganda mong mukha, Kim. Bagay ka sa mga lead roles. Hindi ka nagkamaling dito magparehistro sapagkat may paglalagyan ka,” sambot ni Glenn.
Napangiti ako. Umayon ang mga kasamahan kong nakapalibot ng pabilog. Pero si Oliver na tila walang ka-close doon ay patuloy na nakatingin sa akin. Tahimik.
“Maraming salamat, Glenn,” kaswal kong sagot.
Gulat sila. Tila natunugan ang kanina pa hindi karaniwang turingan namin ng gwapong hunk at apple of the eye ng mga kababaihan sa school.
Malalim ang ugnayan namin ni Glenn. Higit pa sa kaibigan, para ko na siyang tunay na kadugo. Si Glenn Delarama ang nobyo ng ate kong si Dimple o Dim. High School pa lamang sila noon nang magkagustuhan at opisyal na hingin ni Glenn ang pahintulot ng aking mga magulang. Simula noo’y lagi na ang lalake sa bahay. Halos sa amin na niya inuubos lahat ng kanyang libreng oras kapag hindi subsob sa pag-aaral. Buong akala ko’y panghabang-buhay ang magandang pagtitinginan ng aking ate at ni Glenn. Ngunit nagkaroon ng trahedya. Namatay si ate Dim. 3rd year high school pa lamang ako noon. At saksi ako sa pagkaguho ng mundo ni Glenn. Tila baliw itong ayaw nang iwan ang tabi ng kabaong ni ate. Hindi ito kumakain at nagpapahinga. Patuloy lang ito sa panaghoy. Sa libing ay nais na nitong sumama habang ibinababa sa huling hantungan si ate. Sinisisi niya ang sarili niya. Ngunit alam naming aksidente ang lahat. Hindi niya kasalanang may sakit sa puso si ate at hindi nakayanan ang labis na kaligayahan nang mag-alok si Glenn sa
kanya ng future wedding.
Lumipat kami ng tinitirhan pagkatapos niyon. Sa ibang Paaralan na ako nagtapos ng high school at nag-aral ng first year sa kolehiyo. Sinadya ng mga magulang ko ang pansamantalang paglisan. Hangga’t sariwa pa ang sugat at...