Lara’s revenge Chapter 8


Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Agad hinubad ang sout niya at pumasok sa banyo. Nandidiri siya mula sa pagkakahawak ng binata sa kanya.
tumayo siya sa ilalim ng shower ” Inlove?” tumawa siya ng mapakla hindi kalang rapist manloloko kapa” Hinayaan niyang tangayin ng tubig mula sa shower ang kanyang mga iniisip.
Pabagsak na humiga si Marco sa kama.
” What’s wrong with me? Bakit ko ba ‘yon nasabi, seriously ,A’m I really inlove?” tanong niya sa sarili.
“ This can’t be nahuhumaling lang ako sa ganda niya at sa hubog ng kanyang katawan” kuntra niya sarili
“ Isa akong Martinez ang pinagkandarapaan ng mga babae”
Pinikit niya ang kanyang mga mata ng bigla na imagine ang hugis ng mukha ng dalaga kung gaano ito kalapit sa mukha niya naamoy pa niya ang pabango nito ” She’s too damn hot!” naramdaman niya ang pag init ng katawan ” when did the last tim since I had it?” naramdaman niya ang pag galaw ng pagkalalaki niya. Padabog siyang tumayo at tinungo ang banyo para patayin ang bumangon init sa katawan. ” I want her so badly’ bulalas niya habang nasa shower.
Ang unang paglabas nila ay na sundan nang maraming beses. Pero hindi niya parin nasungkit ang matamis nitong ” oo” gayon paman hindi siya sumuko.
Alas deyes ng umaga ng puntahan ni Marco si Lara. Pinaupo siya ng ginang sa sala habang hinantay ang dalaga. Pinagpaalam niya ito sa ginang na isama niya sa farm.
Nag mamadali bumaba si Lara ng pinaalam ng katulong na naghihintay na sa kanya si Marco.
” There she is” nakangiting sabi ng ginang ng makita siyang pababa ng hagdanan.
Lara always have the dramatic entrance. Tipong babae sa tuwing pumapasok ng silid ay mapapalingon ang kahit na sino at hindi lang isang beses mong lilingonin.
Napatulala siyang nakatingin rito. Lagi siyang napahanga sa dalaga sa tuwing nakikita niya ito. Naka puting spaghetti strap top na hapit sa baywang naka tuck-in sa black cargo pants at naka ponytail ang mahabang buhok wearing sunglasses .” lakas ng sex appeal” hiyaw ng isip niya
” lets go?” nakangiti pukaw sa attention ng binata na tulala parin.
Hinalikan niya ang ginang sa pisngi ” Aalis na kami tita”
Napangiti ang ginang sinundan sila ng tanaw palabas sa pintuan.
“ Alam kong magustuhan mo sa farm namin” untag sa kanya ng binata ng makasakay siya sa kotse nito.
“ Gusto ko naman ang probinsiya, sariwa ang hangin at malinis” tugon niya rito
eninjoy niya ang mga tingin sa bawat na-daraanan.
Tatlong oras ang beniyahe nila bago narating ang farm ng binata.
Inikot niya ang mga mata sa paligid. ng makababa sila ng kotse. Mula sa kanyang kinatayuan ay natanaw niya ang malaking contrate na bahay. Mukhang luma na pero na e-maintain parin nito ang kagandahan at malinis na kapaligiran. Sa paligid nito ay ang puno ng tatlong mangga na may maraming bunga. Sa ilalim ng isang punong mangga ay may maliit na kubo at may mahabang mesa na yari sa kawayan ” marahil ay don sila nag tipon tipon kapag may occasion”
“ Sir, buti na padalaw po kayo rito. Ang tagal niyo na din po hindi nakabisita”
Bungad ng tauhan ng malapitan sila.
“Pasensiya na mang Oscar, medyo busy lang dami kasi kailangan tapusin na trabaho” paliwanag ng binata sa tauhan.
” Lalong gumawapo si Sir” Puri ni mang Tomas sa kanya.
“Sympre mang Tomas mana saiyo” natatawa nitong biro.
“Si Lara nga pala.” Pakilala nito sa kanya
Nginitian niya si mang Tomas” hello po”
“ girlfriend mo sir? Bagay kayo maganda at pogi” Tukso nito.
Nakaramdam siya ng pamumula sa kanyang pisngi sa sinabi ni mang Tomas.
“ Hindi, nililigawan ko palang mang Tomas” nakangiti sabi ng binata
Agad kinuha nito ang dala nilang bag. Namangha siya sa closeness ng binata sa mga tauhan nito” don’t be deceived by what you see. Magaling magpanggap si satanas” maagap niyang paalala sa sarili.
Naramdaman niya ang paghawak ng binata sa siko niya at iginiya siya papunta sa bahay.
Pasimply niyang binawi ang siko ” Ang dami naman bunga nitong mangga niyo” tinaas niya ang kamay sa ere para abutin ang mangga hilaw na abot kamay...


ang taas.
” Nagiging matamis sila kapag na hinog sila sa puno”
Inabot nito ang tatlong pongpong na hinog na mangga.
Binigay nito iyon sa kanya” Tatlo yan may meaning yan” natatawa nitong sabi
Napangiti siya” Kakainin ko ba to or gawin kung sourviner dahil bigay mo?” sinabayan niya iyon ng tawa.
Natawa ito sa sinabi niya” Yan talaga ang gusto ko sayo, you always makes me smile” malambing nitong sabi.
Nag tuloy silang pumasok sa loob ng bahay.
Ti-nour siya nito sa loob at tinuro nito sa kanya ang guest room.
Napahanga siya sa ganda ng loob ng kwarto. Malinis at very well organized ang mga gamit na nandoon. Lumapit siya sa may bintana nakabukas ang sliding window mula sa kanyang kinatayuan ay natanaw niya ang malawak na palayan.
” Sa inyo parin yan?”
Lumapit ang binata sa kanya tinignan nito ang tinuro niya.
” Oo, yan ang tumulong sa akin kung bakit ko narating ngayon ang posisyon kung ito.
Malawak ang palayan, yon ang kabuhayan ng magulang niya. Nang magkasakit ang kanyang ina ay naisanla ng ama ang boung farm dahil sa pabalik balik ang ina sa hospital dahil sa breast cancer. Napilitan ang ama isanla ito. Kung hindi dahil sa ama ni Monica na kaibigan ng ama niya ay tuluyan na sana iyon mawala sa kanila.
” Sir, Marco naka handa napo ang pagkain” pukaw sa kanila ni Edna isa sa kasambahay ng mga Martinez nasa singkwenta anyos na ito. Nasa 30’s palang ito ng mag simula na itong namasukan sa kanila.
” Sige po manang susunod na po kami” tugon ng binata. Sumunod sila rito
Tinungo nila ang bahay kubo na kung saan nakita niya kanina. Andon ang ilang mga tauhan nakaupo nag hihintay sa kanila.
” Ang dami naman nitong hinanda niyo” nakangiti niyang bulalas habang nakatingin sa nakalatag na pagkain.
May sugpo, inihaw na karneng baboy at isda at may mga kikilawin pa. Maliban sa madaming ulam ay may iba’t ibang prutas din ang nakalatag roon.
” Ganito talaga sila kapag dumating ako ang daming hinanda na pagkain. Puro mga paborito ko pa” nakangiting sabi ng binata. Umupo ito sa tabi niya.
Aliw na aliw siya sa mga tauhan na masayang nag kwe-kwentuhan. Nilantakan niya ang inihaw na isda dahil ‘yon ang paborito niya.
” Sir, sana mag tagal pa kayo rito” untag sa kanila ni mang tomas.
” Naku, mang tomas gusto ko sana dito nalang ako, kaya lang may mga trabaho pa akong tatapusin sa syudad” tugon ng binata nag hihimay ng sugpo para sa kanya. Pinagsilbihan siya ng binata.
” Ganon naman talaga pag manliligaw halos lahat gagawin mo” sa isip niyang sinulyapan ito.
Gumitgit ang siko nito sa siko niya, tila may kuryente dumaloy sa buo niyang katawan.
” Pero hayaan mo mang Tomas, pagka matapos ako sa mga gawain ko, babalik ako rito” anitong ngumuya ng kilawin.
Napaisip siya habang nakatingin rito kung hindi lang sana siya nagawan nito ng mali, baka mamahalin niya ito. Napangiwi siya ng bumalik sa kanya ang ala-alang iyon.
Napansin ni Marco ang pag iba ng kanyang expression sa mukha.
“Lara, okay ka lang ba? Baka gusto mo na mag pahinga” alala nitong tanong
Bahagya siyang ngumiti. “ Napagud lang ako sa byahe.”
“ Samahan na kita sa guest room para maka pagpahinga ka”
Agad siyang sumang-ayon gusto na niya mapag-isa.
Kinabukasan, pinasyal siya ni Marco, pinakita nito kung gaano kalawak ang palayan.
Naglalakad sila sa gitna ng palayan medyo maputik dahil sa malakas na ulan ka gabi. Dahan dahan siyang naglalakad habang kasunod ang binata.
” Ingat La” hindi pa natapos ng binata ang sasabihin ng madulas ang isa niyang paa sinubukan ng binata saluin siya ngunit na walan ito ng panimbang.
Bumagsak sila pareho, nasa ilalim siya ng binata nakaibabaw ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit at kung paano bigla niyang naramdaman ang pagtigil ng ikot ng mundo habang titig na titig sila sa isat isa.
“You look so beautiful,” puri nito lumamlam ang mga mata nakatitig sa kanya.Unti unti bumaba ang labi nito sa labi niya.
” Ang bigat mo” putol niya sa akmang paghalik nito sa kanya.
” So-sorry” nahihiya nitong sabi at mabilis na tumayo.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. It didn’t used to, the Specs are Nvidia 5500gt, 1gb RAM, so on, I know it’s not the latest computer out there, it’s mostly for playing very old games or surfing the internet. The computer automatically restarts at the beginning of a streaming video, it doesn’t even try to run it. I ran the computer in safe mode with networking at was able to stream video but there was no sound. It used to be able to stream video..

Leave a Reply


top