—Prologue—
“kala ko m-mahal moko?!” Ang salitang paulit ulit kong naririnig sa mga babae, hindi ko alam kong ano ang mahirap intindihin sa salitang ‘No string attached’. Sa mga babaeng nilalandi ko ay nililinaw ko sa kanila na wala dapat mabuong feelings.
Bago siya makaalis ay isang sampal ang natanggap ko bago siya nagmartsa paalis, dun ako napangisi. Tangina ang linaw ng usapan tas ako sasampalin?
Hindi ko nayun iniinda dahil sanay na ako sa ganyang kilos ng mga babae, masyado silang emotional kahit kalabitin lang ay parang maiiyak na.
“Bro! Grabi ka talaga! Heart breaker ng taon!” Natutuwang sabi ni Sean at nginisihan ko lang siya. “Pero magingat ka baka karmahin ka..”
Napangisi lang ako at di pinansin ang sinabi niya.
‘karma? Anong pake ko dyan?’
“Dapat talaga ay iwas iwasan mo yang gawain mo pare…”
“Diko naman sila unang nilapitan ah! Sila ang nagpakita ng motibo kaya sino naman ako para tanggihan yun?” natatawang sagot ko at napaamang lang siya dahil sa sinabi ko.
“Sabihin mo nga… Nabroken ka naba noon?” Tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya.
Bigla kong naalala ang nangyari noon....