Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 20


Ang pagsabing BABAWE AKO PARA SA MGA BUMABA KONG GRADES ay di ko ginawa sa halip ay kabaliktaran.
“Ano ba yan.. , di talaga ko marunong neto “, sabi ko kay Long sabay hulog ng piso sa butas.. “Susubokan ko ulit. ” sabi ko sa knya..
“Wag na kse yan.. “,sabi ni Long. “Subukan mo yung BOMBER MAN mas masaya yun laruin…parang tatate ka lang ng bomba tapos dapat aalis ka bago yun sumabog para makaligtas ka “,paliwanag neto sa akin pero nakatuon ang mga mata sa nilalaro..
Dito kame ngayon sa computer shop. Sa halip na pumasok ay dito kame pumunta. Sa totoo lng napapadalas na ang paglaro ko dito dahiL natutuwa ako. Yung allowance na binibigay ni tito at tita ay dito lng napupunta pero di nman lahat. Mejo malaki laki na rin ang aalowance namin ni Long ngayon kse malapit na mag december.. Mejo maganda na ang pakuha ng isda sa lambat.. Ang dating 300 isang linggo ay naging 500 na isang linggo. Pero may mas ilalaki pa yan pag sinabi naming may project kme kahit ang totoo ay wala nman. Napagkasunduan din namin ni Long na paghatian namin ang binibigay na allowance sa amin para may kanya kanya kameng pera basta bahala na kame kapag naubos agad ang pera namin..
WALANG UTANGAN SA ISAT ISA. ang batas na ginawa sa pagitan namin ni Long.
Maghapon kameng nagbabad sa computershop at di namalayan ang oras.
Nag eenjoy nga ko pero kapalit nun ay ang pagkasira ng kinabukasan ko..
Nakalimutan ko na ang munting Pangarap ko ..
Tapos na ang pasko at bagong taon.. Di tulad ng dating excited ako tuwing bakasyon ay kabaliktaran ang naramdaman ko. Mas gusto ko ng matapos ang bakasyon at makabalik na sa boarding house para maging malaya na ulit ako.
Miss ko na miss ko na ang mga ginagawa ko dun sa bayan. Nanatiling sekreto ang lahat .Di parin nalalaman bila tita at tito ang nangyayare sa akin ay hindi ang mga pinagagawa namin ni Long na ayaw nilang gagawin namin sa tuwing pinangngaralan nila kame ..
Nakapaikot kameng magkakabordmate sa may lamesa.. Madaming nanonood sa likod ko. Unti unti kong inangat ang nakataob na barahang hawak ko at isa isa ko itong sinilip ang limang pirasong baraha. Pinagpapawisan ako sa kaba dahiL talo na ko sa larong BET...


GAME at gusto kong mabawi ang natalo ko.
“Oh ano magkano bet mo.? “tanong ni ate pearL sa akin.
Nakita kong isang pares ng tres at singko ang baraha ko at isang syete na speed. Two pairs sana kaso ang baba. Kaya nagpass na ko.
Sa huLi ay talo ako ng 150. Kaya umayaw na ko.
“Kung gusto mo pauutangin kita basta bayaran mo ko sa linggo pagbalik mo dito. “alok ni ate PearL.
Nabakas sa mukha ko ang saya at nagpatuloy ako sa pagLalaro ng baraha..
NaLuLong na ko sa BISYO..
Puyat na naman ako at tinatamad bumangon pero dahiL takot akong maghinala ang landlord namin at isumbong ako sa tita ko ay pinilit kong bumangon at magsout ng uniform saka umakyat sa taas ng bubong.. Na may papag na ginawa ni Long .may mga nakatambak kaseng kahoy dun eh kaya ang ginawa nya inayos nya yun.. Pinagpantay pantay hanggang sa parang naging kisame na ng kwarto sa aming bording house.. Itinapon ko pataas ang bag sapatos saka unan dun at saka umakyat.. Baba nlng ako mamaya pagtanghali na.. Sa ngayon matutulog nlng muna ako..
Secret hide out namin to ni Long. Para kapag dumating o dumalaw si tita sa amin dito ay may pagtataguan kame..
Pagiinom nalang ang di ko pa nasusubukan saka paninigariLyo.ay may isa pa.. Ang pakikipag S*x ..sabi kase ng mga klasmaeyt kong malalandi ay masarap daw yun.. Saka base nadin dun sa mga nababasa ko sa pocketbooks pero dpat bago ang bagay na yan ay dapat ay may Jowa ka muna kse di mo naman daw yun magagawang mag isa.
Pero kahit Naligaw na ko ng Landas ay yang apat na yan ang mga bagay na di ko Gagawin kahit na subukan .
“PARA MAHALIN KA NG ASAWA MO NG LUBOS AY DAPAT SA KANYA MO IBIBIGAY ANG DANGAL MO ” paulit ulit na paalala sa akin ni tita habang naglalako kame ng Isda ..
HINDI KO NA RIN TALAGA KILALA ANG SARILI KO. ☹️
-itutuloy.
Ipopost ko po agad ang chapter 21 pagnaaproved po ito tpos last na para ngayong araw.
Di ko masasabi kong kelan ako mag uupdate
Baka kapag may naghanap na sa akin sa group πŸ˜‚
Gusto ko rin maramdaman yun para malaman ko kung sino talaga ang nagmamahal kay Esang sa kabila ng lahaT a πŸ˜‚






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top