“BRO, I’M really sorry,” bungad ni Clark nang pagbuksan ito ni Rhodel ng pinto ng kwarto. Sa totoo lang ay hindi na siya nagulat pa kung bakit nandoon si Clark sa labas ng kwarto. Inaasahan na siguro nito ang pagdating niya. Hinayaan niyang bukas ang pinto upang makapasok ang kaibigan.
“It’s okay, bro. You don’t have to explain.” Bumuntong-hininga siya, saka ibinagsak ang sarili sa kama.
“No, it’s definitely not okay.” Umiling si Clark. “Alam kong ako ang sinisisi mo kung bakit ka nahanap ng parents mo. But I swear to God, bro, it wasn’t me. It was Dad who e-mailed you. Okay, I’m partly to blame dahil iniwan kong naka-sleep mode ang laptop ko. But believe me, bro, hindi ako ang last na nag-send ng e-mail sayo.”
Rhodel looked at his best friend and nodded. “I believe you, bro. Alam ko namang hindi mo ako magagawang ilaglag sa mga magulang ko. At first, I doubted kung ikaw ba talaga ang nagsabi sa parents ko kung nasan ako. But now, you finally explained yourself.”
“Thanks, bro, for believing me. But I won’t blame you kung sira na ang tiwala mo sa akin.”
Hindi na siya nakasagot pa. Marahil dahil may katotohanan ang sinabi nito.
Bumuntong-hininga si Clark at umupo sa kanyang tabi. “So, what now? Ano nang gagawin mo ngayon?”
“Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam, bro.” sabi niya.
For a moment, they were both silent. Then Clark patted his shoulder.
“She must be special.”
Napalingon si Rhodel sa kaibigan.
Tumawa ito nang marahan. “I know you met someone in Cagayan de Oro. Base kasi sa e-mails mo, you sounded happy.”
Hindi niya napigilang mapangiti.
“What’s her name?”
“Merry Cris.”
“So she’s the reason ayaw mo akong pumunta sa CDO in case may sinet up sina Mom at Dad sa akin.” It was not even a question.
Natawa na si Rhodel. “Yeah, you’re right.”
Ngumisi si Clark. “I knew it.” Pagkatapos ay marahan siyang siniko. “I know she makes you happy, bro, more than anyone else can. And the way you said her name, I know she’s special.”
“She is,” he muttered softly, his gaze on his fingers.
“The days are flying by so fast, Mark. Before you know it, ikakasal ka na sa babaeng hindi mo mahal. You have to stand up for yourself, bro. It wouldn’t hurt to try, kahit na mukhang imposible. But I believe Merry Cris is definitely worth the risk.”
ππππππππππ
MARK RHODEL fought off the overwhelming feeling of standing up and walking out of the room. Instead he balled his hand into a tight fist. Kadarating lang ng Tito Edwin niya kasama ang asawa nito at si Barbie, ang unica hija ng mag-asawa —— in other words, his fiancΓ©e-not-by-choice. He gritted his teeth as he glared at his father, who looked at him as if to say ‘you better behave, son’.
Kanina lang, before this family dinner, ay nag-away sila ng ama. Sinikap ni Rhodel na paliwanagan ang ama ngunit hindi siya nagtagumpay. Ayaw nitong makinig sa kanya.
He sighed exasperatedly and looked at Barbie who was in a sullen mood, too. May kutob siyang pareho ang kanilang nararamdaman. He met Barbie in a business gatherings but they were not friends. She was beautiful, all right, but she was not even close to Merry Cris beauty.
Parang biniyak ang puso ni Rhodel nang maalala ang dalaga. Nami-miss na niya ito nang sobra.
“Well, let us not waste time. Let’s discuss everything now,” sabi ng dad niya.
Kahit na mukhang masarap ang mga pagkain sa harap ay walang ganang kumain si Rhodel. Sino ba naman ang may ganang kumain kung ang pinag-uusapan ay ang kasal? Hindi lang naman siya ang tikom ang bibig habang nakikinig, pati rin naman ang mom niya at si Barbie. Her mom, however, was...