WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 21


Kate’s POV:
“KUMUSTA ka school, baby? May umaway ba sayo?”, tanong ko sa aking anak na si Michael.
Kalagayan niya agad ang inisip ko, matapos namin s’yang sunduin ni David.
Dito kami pumunta, matapos naming magharutan sa office.
Nasabi kasi sa akin ng lalaki, na ganitong oras ang uwian ng mga bata.
Kaya mahigpit na yakap ang ginawa ko sa aking anak, nang makita ko siya.
Pero base sa reaksyon niya, mukhang masaya si Michael.
“Ayos lang po ako, mama. Ang dami ko agad na kaibigan nung sinabi ko na papa ko siya.”, pagtuturo nito kay David.
Kung sabagay, pagmamay-ari pala ni David ang school na ‘to, kaya kahit sino kilala siya, lalo na sa apelyidong dinadala niya.
“Thank you papa David ha? Akala ko, magiging malungkot ako dito, hindi pala.”, saad ng bata nang yakapin nito ang lalaki.
Bahagya akong napangiti dahil masyado na silang close sa isat-isa.
“Ako pa ba? Hindi kita dadalhin sa lugar na ikakalungkot mo. Kaya pano, kain tayo sa labas.”, pag-aaya nito dahilan para tumalon si Michael sa tuwa.
“Yehey! Gusto ko po ‘yan papa! Gusto kong kumain sa Jollibee.”, pagtuturan niya.
And yeah, doon kami tumungo dahil ito ang naging request ng anak ko.
Sarap na sarap s’ya sa spaghetti at chicken joy at tila gutom na gutom si Michael.
Naka-tatlong order kasi kami dahil sa kanya.
“Mama, papa, antok na ako. Uwi na tayo.”, bigkas nito habang hinahaplos ang tiyan.
Natawa tuloy ako dahil sa inakto niya.
Ganito kasi ang anak ko kapag nasosobrahan sa kain. Dumadating sa punto na inaantok siya.
“Sige Michael, uuwi na tayo.”, saad ni David at nilapitan ang bata.
Laking gulat ko nang buhatin niya ito, para...


idala sa kotse.
Lumalambot tuloy ang puso ko, kapag ganito ang ginagawa ni David.
Kaya buo na ang desisyon ko, sasagutin ko siya sa araw ng birthday niya.
At paghahandaan ko ‘yon, para wala akong pagsisihan.
Double celebration na rin ang mangyayari kapag naging kami sa mismong kaarawan nito.
“Ang ganda yata ng iniisip mo ha? Napapangiti ka dyan na mag-isa.”, sambit ni David nang makita n’yang ngumingiti ako sa isang sulok.
Pero syempre, nilihim ko ang binabalak ko, dahil gusto ko s’yang i-surprise.
Kaya kunwari, hindi ko alam ang birthday niya.
“Wala.”, tanging tugon ko.
“Anong wala? Baka ibang lalaki ang iniisip mo, Kate. Umayos ka.”, bigkas nito sa akin.
“Bukod sa inyo ni Michael, wala na akong ibang lalaki sa buhay ko. So chill, wala kang dapat na ikaselos.”, pagtuturan ko na lamang.
“Mabuti na yung sigurado, honey. Ayoko lang masira ang relasyon natin.”, he said while driving.
“Relasyon ka dyan? Hindi pa kita sinasagot, Mr. David.”, baling na saad ko sa kanya.
“Doon din hahantong ang lahat. Ina-advance ko lang.”, sambit niya na tila kampante siya na magiging kami.
Masyado yatang halata ang kilos ko, para masabi niya ito.
I admit that I like him.
Kaya hindi maiwasan na tumugon ako sa halik ni David, kapag ninanakawan niya ako ng kiss.
“Natahimik ka yata? May nasabi ba akong mali? Na-offend ka ba, honey?”,
tanong nito.
“Hindi naman.”, tanging sagot ko.
Siguro dapat maging malamig muna ako ang pakitungo ko, para hindi niya maisip na gusto ko rin siya.
Tama, ganito ang gagawin ko bukas.
Nang sa gano’n, maging exciting ang pagsagot ko kay David.
Minsan talaga, gumagana ang utak ko kapag ganitong sitwasyon.
I love it!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top