“Ang lakas talaga ng hatak ni Travis sa mga costumer, noh?”
“Kung ganyan ba naman ka-gwapo, Kevin, aba! syempre, ako din noh! hindi ko na papalagpasin dayuhin dito, masilayan ko lang si Travis.”
Tumikhim ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila habang nakamasid sila kay Travis na kasalukuyang nagse-serve sa isang table.
Mabilis umikot ang kanilang ulo sa akin, nagulat sila nang nadatnan ko silang nagtsi-tsismis-an sa oras ng trabaho.
Yumuko si Diane. “Sorry po, Ma’am.” and exited herself infront of me.
“Sa kusina lang po ako, Ma’am.” Si Kevin, hilaw na ngumiti, at tuluyan ng nawala sa harapan ko.
Tinignan ko ang kaninang bidang-bida sa usapan nila.
Tumaas ang isang kilay ko.
So may utang na loob pa ako sa kanya dahil dinadayo siya dito? Hindi dahil sa mga pagkain kundi dahil sa kanya? What a lame excuses!
But on the other side, kung titignan mabuti, hindi na rin masama. Mas lalo akong yayaman dahil sa kanya!
I saw how his lips twitch everytime the girl say something. Hindi ko iyon marinig sa kinatatayuan ko.
May gana pa siyang ngumiti niyan samantalang hindi ko pa nakalimutan ang ginawa niya sa akin kahapon. Nagpupuyos pa ang damdamin ko dahil sa inis ko sa kanya.
Imposibleng maubusan kami no’n! Dahil agaran ang ginagawa ng mga chef namin sa pag-bake kung sakali man na pa-kunti na ang naka-display.
Tinignan ko ng mabuti ang babaeng kausap niya. She’s wearing a private school uniform, pati ang mga kasama nito.
Umismid ako, at umalis na doon.
“What’s with that sighed?” tanong ni Ate Fiya pagkaupo ko.
“I’m bored.” sagot ko.
“I told you, ako na muna ang bahala rito. You can go wherever you want.” tumayo siya para lapitan ako.
“Huwag na, Ate. Baka malaman pa ni Mama na wala ako rito.” sabi ko. “Bakit pa kasi kailangan ang presensya ko rito? I don’t understand my mother.” nakasimangot kong sabi.
Bakit kasi araw-araw akong nandito?
Tumawa si Ate Fiya sa mga hinaing ko. “Because you’re her heiress, Candace. Gusto niyang pag-aralan mo muna ang lahat-lahat. To start from the bottom.”
I heavily sighed again. Tamad akong tumayo, at tinungo ang pintuan.
“Saan ka pupunta?”
Tumingin ako sa kanya. “Sa labas muna ako, Ate. I’m bored seeing those papers.”
Hindi ko na hinintay pa siyang magsalita. Paglabas ko, ay nadatnan ko silang abala, mabuti’t walang nagtsi-tsismis ‘gaya kanina.
Kumuha ako ng dalawang menu, at lumapit sa dalawang matandang kapapasok lang.
Ngumiti ako, at bumati sa kanila. Tinignan ako no’ng matandang babae na may kasamang pagtataka, dahil siguro sa suot kong iba sa mga waiter. Pero kalaunan ay matamis rin siyang ngumiti nang matapos kong ibigay sa kanila ang menu.
Maybe doing this will killed my boredom.
Nasa kalagitnaan sila ng pagpili doon sa menu nang maramdaman kong may tumabi sa akin ng tayo.
Nilingon ko siya. Ang ngiti kong para sa dalawang matanda ay unti-unting naglaho, at napalitan nang talim ng aking tingin.
I know it’s rude to act this way. Kaya lang hindi ko maiwasan ang mainis sa kanya.
Ewan ko ba dito sa sarili ko!
Travis’ face looks so calm. “Ako na dito, Ma’am.”
“Ako na.” saka ko siya pinapaalis gamit ang tingin.
Hanggang sa makuha ko na ang kanilang mga order, hindi pa rin umaalis si Travis sa tabi ko. Kinuha ko na ang menu pero napahinto ako nung kinuha niya sa akin ang menu dahilan para mahawakan niya ang kamay ko.
“Ako na dito.” sabi niya ulit.
Para akong napaso sa hawak niya kaya mabilis kong binitiwan ‘yong menu.
Sa seryoso ng kanyang mukha, hindi ko alam kung sinadya niya bang hawakan ang kamay ko o ano.
Matalim ko siyang tinignan salungat sa kung paano niya ako tignan.
“Are you deaf? I said, Ako na! Ako. Ako.” bulong ko. Binigyang-diin sa pagkakasabi ng ‘ako’.
Huli na ang umatras nang yumuko siya para maabot ang kanan kong tainga.
“Ikaw lang naman talaga.” bulong din niya. Parang may ibig sabihin.
Nang umangat ang tingin niya sa akin. Nakita ko kung paano humubog mula sa ngisi ang kanyang labi. He even winked at me!
Kumurap ako. Tila nabingi sa binitiwan niyang salita. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Narinig ko ang iilang mga bulungan sa paligid. Hindi ko mapagtagpi ang mga sinasabi nila dahil wala doon ang atensyon ko kundi sa papalayong bulto ni Travis.
What was that?! Tama ba ang pagkarinig ko? O baka guniguni ko lang ‘yon? Bakit naman niya sasabihin sa akin ‘yon?!
Pinagalitan ko muna ang sarili, at inayos ang postura saka naglakad upang lapitan ulit ‘yong mga kapapasok lang.
Nang matapos makuha ang mga order nila ay binigay ko ‘yon kay Beth. Tumingin ako sa paligid. Namataan ko si Travis na papalapit na naman sa akin.
Agad akong tumalikod at walang pag-aalinlangan umalis sa kinatatayuan.
Saglit akong lumingon sa kanya ngunit agad din pinagpatuloy ang paglalakad nang sinusundan niya pa rin ako. Mabilis kong tinungo ang pasilyo papuntang opisina.
“Para kang nakakita ng multo, Candace. Something wrong?” narinig kong tanong ni Ate Fiya nang maisarado ko ang pintuan.
Oo, Ate Fiya… multo sa nakaraan.
Umiling ako. Napahawak ako sa’king dibdib, ramdam ko doon ang malakas na tibok ng puso ko.
Even my own heart betrayed me.
Hindi na ako muling lumabas pa. Mas gustuhin ko na lang makaharap ‘tong mga papel na ‘to kaysa ang pakialamero na ‘yon.
Pati gusto kong gawin, pinapakialaman niya! Mas lalo lang nadagdagan ang inis ko sa kanya.
Tapos kung makangiti siya sa mga babae do’n. Aba! Akala mo talaga single pa siya! Kawawa naman si Keith dahil wala siyang kaalam-alam na lumalandi ‘tong boyfriend niya.
Kung ako sa kanya, patigilin niya ng magtrabaho rito para matigil na rin ang pagiging malandi niya, at ang pakialaman ako.
Malandi na nga at pakialamero pa! Hindi magandang kombinasyon!
Sana langgamin siya sa matamis niyang ngiti na ‘yon!
Ate Fiya’s snap her fingers infront of me, dahilan para bumalik ako sa kasalukuyan. Tinignan niya ako ng may pagtatanong sa mukha.
“Want to say something? Kanina ka pa tulala.”
“Wala ‘to, Ate.” sabi ko.
“Come on, tell me, Candace. I’m on ears.”
Ayokong magsabi kay Ate Fiya. Dahil kapag ikwento ko ang nangyari sa kanya kanina, sigurado akong magtatanong siya hanggang sa mabuklat pa ang nakaraan namin ni Travis.
Na ayokong mangyari. Ayoko ng balikan pa ‘yon, kahit maraming katanungan sa isip ko.
Hindi na muli ako kinulit ni Ate Fiya tungkol doon, na pabor sa’kin dahil wala talaga akong balak mag-kwento muna sa kanya. Inabala ko na lang ang sarili sa ibang bagay.
Habang patuloy ang takbo ng kamay ng orasan. Nagpasyang lumabas sandali si Ate Fiya. Ako naman, nilabas ko ang cellphone...