When a Single Mom meet the HOT CEO Chapter 9


Kate’s POV:
Sa pagsingit ni Michael, kahit papano, nagkaroon ako ng tamang tiyempo para tulakin si David.
Nahulog pa ito sa kama dahilan para mapatakbo ang bata sa binata.
Wow! Concern ang anak ko, ha?
“Ouch, it really hurts, honey. My back!”, daing na bigkas nito habang hinihilot ang likuran.
“Mama, ba’t mo po tinulak si papa? Pa’no kung namatay ang papa ko?”, pagalit na sigaw ni Michael.
Teka, parang mali na ‘to.
Bakit parang kasalanan ko pa?
Bakit parang ako pa ang sinisisi niya?
“Anak lang kita, Michael. Kaya wala kang karapatan na sigawan ako.”, madiin kong sambit kasabay ng pagduro ko sa bata.
“Mama, stop it. Para ka pong tanga.”,
“–Kahit anong gawin mo, hindi mo po magagaya si Nora Honor.”, wika niya habang kinakamot ang batok.
Oo nga noh?
Hindi pala ako artista.
“Tsk. Alam ko. Pero hindi honor ang apelyido ni Nora. Aunor ‘yon, Michael.”, pagkokorekta ko na lamang at tumayo na.
Nabibwisit ako!
Dahil sa halip na ako ang ipagtanggol, halatang si David ang kinakampihan niya.
“Honey, sa’n ka pupunta?”, pahabol na tawag ng binata sa akin.
Hindi ko siya nilingon, dahil tuloy-tuloy lang ako sa paglakad hanggang makalabas ng kwarto.
Bahala silang dalawa!
Total, mas close pa yata sila.
So heto, ako na lang ang maglilibot ng bahay.
Siguro naman, hindi ako malilito rito.
Dahil bawat sulok, may mga maids akong nakikita.
Kaso sa bawat paglibot ko, nasisilayan ko ang mga titig ng katulong sa gawi ko.
Base sa kilos nila, halatang pinag-uusapan nila ako.
“Ahm, excuse me, may dumi ba sa mukha ko?”, I asked them.
Hindi lang ako...


sanay na ginaganito ng mga hindi ko kakilala.
“W-wala naman po ma’am.”, magalang na sagot ng isa.
“Kung gano’n, bakit ganyan ang titig niyo sa akin? May ginawa ba akong mali?”, curious kong turan.
“Hindi naman po ma’am. Ang totoo kasi n’yan, kamukhang-kamukha mo po yung ex-girlfriend ni Sir David na sobra n’yang minahal.”, singit na tugon ng babae.
“Hoy, ano ba! Tumigil ka nga.”, pagsisita ng katabi niya para tumahimik ito.
Hindi na ako nagtanong pa, dahil malinaw kong narinig sa aking tenga ang sinabi nito.
Napaiwang ang bibig ko na tila sumasagi sa isipan ko ang mga ginawa ng binata sa amin.
Kaya ba, mabilis para sa kanya na gumanap bilang ama ni Michael, dahil kamukha ko ang babaeng minahal niya?
So ano ‘yon? Ginagamit niya ako at ang anak ko?
Bahagya akong napailing at mapait na napangiti.
I hate this kind of situation.
Nasasaktan lang ako kapag ganito.
Feeling ko, mauulit muli ang nangyari.
Ang nangyari sa amin nung ex-boyfriend ko.
“Mama, ayos ka lang po ba?”, kalabit na tanong ni Michael.
Sinundan pala nila ako kasama ang lalaki.
“Ah o-oo naman. Ayos lang ako, baby.”, pagsisinungaling ko.
But David look at me so worried. Siguro nagtataka rin siya sa pag-iba ng akto ko.
“Kate, I know you’re not okay. So tell me the reason why.”, wika ng binata.
“Ayos lang ako diba? Hindi ka ba marunong maka-intindi no’n?”, masungit kong tugon.
“Pero–“,
“Magpapahinga muna ako. I’m tired.”, huling bigkas ko.
Tinalikuran ko muli sila at bumalik sa kwarto.
_____
A/N: This story will make you laugh and cry.
To be continue…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top