WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CONTINUATION 41


KATE’s POV:
PINAGMAMASDAN ko ang mukha ni Sandra na halos hindi na nga makita pa ang itsura ni Kate.
Tuluyan ng natakpan ang Kate na kilala nila.
Tuluyan na akong nagbago.
“They messed with the wrong person also. Sinayang mo ako, David. Sinayang mo ako.”, bigkas ko na may poot pa rin sa boses.
“Ahem.”, rinig kong ubo ni Derick dahilan para mapalingon ako ng bahagya sa kanya.
“May problema ba tayo?”, I asked him while raising my eyebrow.
“W-wala naman.”, he replied.
“Then good. Mabuti ng magkalinawan tayo. Pero sige, uulitin ko Derick ang pinag-usapan natin ha? Pumayag ako maging tayo ulit. Pumayag ako makipagbalikan sayo para maghiganti at makuha ang hustisya sa pagkamatay ng anak natin. But it doesn’t mean, na mamahalin kita.”, wika ko para ipaalala sa kanya ang sinabi ko noon.
“I know Kate. I mean, Sandra.”, biglang saad nito.
“Nice! So let’s go? Gusto kong makita at mapuntahan ang kompanya na binanggit mo.”, bigkas ko sa lalaki.
Tumayo na ako at ako na mismo ang humawak sa braso ni Derick.
Hindi ko dapat sinasayang ang oras dahil para sa akin, bawat segundo ay mahalaga.
“Sige. Tara na.”, tugon niya at sabay kaming naglakad palabas.
Iniwan na namin ang Doctor habang kami ay patungong kompanya.
“Nagustuhan mo ba ang mukha mo ngayon, Sandra?”, pagtatanong ni Derick.
“Yes, super! I really like it!”, masiglang turan ko.
“Ako rin, nagustuhan ko ang mukha mo. But still, I like the Kate that I met before.”, sambit nito kaya tiningnan ko siya ng matalim.
“Stop mentioning that name! Naiinis ako!”, I shouted.
“I’m sorry.”, wika nito at itinuon muli ang atensyon sa pagda-drive.
I guess, twenty minutes din ang pagmamaneho ni Derick bago kami nakarating sa kompanya.
Pagkababa ko ng kotse, nasilayan ko do’n kung gaano kalaki ang kompanya ng binata.
Sa labas palang, sobrang ganda at nakakahilo agad dahil sa kataasan nito.
“Pumasok na tayo. Alam kong naghihintay na sila para makilala ka.”, bigkas ni Derick.
Inilahad niya ang kamay na mabilis ko ring hinawakan.
“Sino ba ang naghihintay sa loob? Wala ka yatang sinabi sa akin.”, curious na sambit ko.
“Sila David, nandito sila kasama si Katrina.”, sagot nito dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
“What? Derick naman! Ang usapan natin, kailangan sila ang magulat. Pero bakit ako ang ginulat mo?”, asar kong pahayag.
“Sandra, magrelax ka lang. I’m always here on your side. Nandito sila, para makipagpartner sa kompanya natin. At ikaw ang magiging CEO ng kompanya na ‘to. In short, ikaw ang magdedesisyon. Nasa palad mo, kung paano mo sila paglalaruan.”, wika ng binata.
Medyo naganahan ako sa binalita nito at naalis ang kaba.
“Good idea!”, ngising bigkas ko sabay lakad ulit.
And here we are, nasa tapat na mismo ng room kung saan nando’n si David.
Binuksan ni...


Derick ang pinto, kaya unti-unti kong nakita ang mga tao sa loob.
Lahat sila, dahan-dahan na tumingin sa gawi ko.
Pero yung mata ko, agad na hinanap ang lalaking nagpahirap sa akin.
“Hi Sir Derick.”, pagbabati nila.
“Hello din po Ma’am.”, baling na saad nila nang masilayan ako. So I just smiled at them.
“Magandang araw sa inyong lahat. Mukhang kompleto na yata ang nandito. Kaya simulan na natin.”, agad na panimula ni Derick.
Siya mismo ang nag-assist ng upuan para makaupo ako.
Pero sa gilid ng aking mata, kitang-kita ko, kung paano makatingin si Katrina sa akin.
Natatawa ako sa kanya. Halatang insecure agad siya sa bago kong mukha.
But sorry, dahil hindi na ako si Kate.
“By the way, I would like to introduce, my girlfriend. She’s Sandra. Nakilala ko sa New York. But she’s also a Filipino.”, wika ni Derick habang pinapakilala ako.
Nagkaroon tuloy ng ingay sa loob at halos pagpupuri ang naririnig ko sa labi nila.
Siguro, sina David at Katrina lang ang hindi nagsasalita.
“Congratulations, Derick. Sa wakas, nagka-girlfriend ka na rin. Akala ko kasi, yung dati mong nobya ang hinihintay mo. “, saad ng matanda.
“Ano ka ba, Mr. Ong. Paano niya mahihintay ‘yon? Diba patay na yung babae? Kakabalita palang na matapos mamatay ang anak niya, nagpakamatay na rin si Kate.”, sambit ng isa.
Natutuwa ako sa nangyayari ngayon.
Ako kasi ang pinag-uusapan nila.
Kaso hindi nila ako makilala dahil sa bago kong itsura.
“Tama na ‘yan. Ang panget pakinggan kapag binabanggit pa ang mga taong patay na.”, singit na sabi ni Katrina.
“Anyway, pwede bang pakibilisan ng meeting? Kanina pa kami dito naghihintay.”, patuloy na pahayag niya.
“The door is open, Miss. You can leave if you want. Hindi namin kailangan ang isang tulad mo na hindi marunong maghintay.”, agad na sambit ko.
“Excuse me, girlfriend ka lang ni Derick. Hindi ikaw ang CEO ng kompanya. Kaya wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan.”, turan nito na may kamalditahan.
“And correction, hindi na ako dalaga pa. Dahil kasal na ako. Kasal na kami ng katabi ko.”, she said again.
Awtomatikong kumulo ang aking dugo dahil sa nalaman ko.
Kasal na sila?
Wow! Kinakasal din pala ang mga hayop.
“Babe, hindi ko yata gusto ang sinasabi niya. Nakakawalang-gana. Tapusin na natin ang meeting. And my answer is NO. Ayokong makipagpartner sa kanila.”, pagdedesisyon ko at tumayo.
“Ang kapal din ng mukha mo! Hindi ikaw ang may-ari ng kompanya!”, sigaw ni Katrina.
Pero tumawa lang ako at nilapitan siya.
“I’m Sandra Lopez. And this company is MINE. Ako na ang bagong CEO ng kompanya na ‘to. Kaya matuto kang gumalang sa mas nakaka-angat sayo.”, palaban kong sabi.
Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa bago lumabas ng room.
Maling tao na ang binangga nila.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. yes gogogogo sandra

Leave a Reply


top