PUSONG SINUNGALING- PART 2
Kabanata 1
Pagkatapos ng labing pintong taon…
” Anak, Rollyson…, mauna kana pumasok sa opisina, susunod na lang ako, halika nga muna dito at aayusin ko ang kurbata mo.” wika ng masayang INA na si Rea sa anak niyang magsisimula pa lang magtrabaho sa sarili nilang kompanya.
” Ok…Mommy… I love you Ma…! Sige po papasok na po ako sa work.” wika naman ng anak niyang kay gwapo gwapo…
” Kamukhang kamukha ka talaga ng Tatay mo.”nangingiting bulong ni Rea sa sarili niya habang papalabas na ang anak niya at pasakay ng kotse…
Si Rollyson siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila Rea at Rolly, lingid sa kaalaman nito, inilihim nila Edward at Rea na si Rolly ang tunay na ama nito.
Ang kilos, galaw at pagsasalita ay kuhang kuha nito.
Maraming nahuhumaling na mga kababaihan sa kanya.
” Ma, alam mo, may mga babaeng nagpaparamdam sa akin ng pag-ibig pero sabi ko sa kanila, iisa lang ang babae sa buhay ko at ikaw yun Mommy!.” Nakangiting wika ni Rollyson kay Rea.
” Anak, pag handa na ang puso mo na magmahal, huwag mong siyang iiwan, ipaglaban mo siya… kasi pag di mo ipinaglaban baka mawala siya sa iyo ng tuluyan at hindi na siya bumalik.” Payo at paliwanag ni Rea sa anak.
” Mommy, parang emotional ka, ngumiti ka nga diyan, hindi ko gagawin yun siyempre ipaglalaban ko siya kagaya ng pagmamahal sayo ni Daddy Edward, alam ko ipinaglaban ka rin niya diba?.” wika ni Rollyson na niyakap at pinahiran ng panyo ang mukha ng kanyang Ina.
Minsan sa isang Restaurant ay nagpunta si Rollyson kasama ang mga kabarkada niya, sa kabilang table ay napansin ng isa sa mga barkada niya ang isang lalaking tila kamukha ni Rollyson.
” Rollyson, tumingin ka doon sa kabilang table…”
” Bakit?”nagtatakang tanong ni Rollyson.
” Wow pare Carbon copy mo siya, damit lang ang naiba sa inyong dalawa mas matanda lang siya sa iyo… siguro kung hindi mo Daddy si Tito Edward, iisipin ko na tatay mo itong nakaupo sa kabilang table.”wika ng di makapaniwala niyang barkada.
”...