MY BESTFRIEND IS THE BEST DRIVER


MY BESTFRIEND IS THE BEST DRIVER”
“Be sama ka?”patanong sakin nitong si mica na nakasakay ngayon sa motor
“Saan mo nanaman yan naalbor ha,at tsaka san punta natin?”
“Don magsi swimming hindi ka sasama,”patanong pa nito sakin kelan paba sya natutong mag motor
“Abay naman kelan kapa ba natutong magmotor”
“Ah nung isang araw lang ano dika pa ba sasakay gusto ko ng maligo sa dagat eh kakaalis lang nila tara na para maabutan pa natin”
“Sige nanga basta mabagal lang patakbo mo ha baka kung saan tayo nyan pulutin kapag binilisan mo drive kanino nga pala yan bagong bago ah”ani kopa sabay sumakay
“Don kay kuya kabibili lang pero nagpaalam naman ako”ani pa nito maya maya pa ay nagsimula na itong umandar
“Sa short cut nalang tayo dumaan mabilis bilis don”ani pa niya napapahawak nalang ako sa bili ng patakbo jusko naman ayaw kopang kunin ni Lord
“MICA MICA MAY TRUCK! ”siga kopa dito mabilis lang naman niyang naiwasan yung truck na malaki at ngayon nga dumaan kami sa sinasabi nyang short cut ,ito naba yun parang bihirang bihira ang mga sasakyan ah
“Hazel humawak sa balikat ko bibilisan ko na para maabot pa natin yung lumpiang shanghai”


/> “Pinagsasabi mo dyan lumpiang shanghai agad iniisip mo sobrang layo panga natin,wag mo na bilisan yung drive mamaya st.peter ang deritso natin nyan”saad kopa dito
“Basta kumapit kanalang”
sigaw pa niya sabay patakbo ng mabilis ,,
“Ampogi gagi nakatingin sila satin”pabulong pa nito nakakairita talaga ang bruha hindi nalang tumingin sa daan
“MICA!! ”sigaw kopa saka naman natauhan ng malublob kaming dalawa sa putikan
“A_aray k_ko”singhal pa nito kita ko ang paglapit ng mga lalaking kanina na tinitingnan ni mica
“Sabi ko sayo eh puro tingin ng tingin kung saan saan tingnan mo nangyari satin para na tayong kalabaw nyan”ani kopa binato naman ako ng putik abay bruha talaga ,
“Hayst lagot”ani niya sabay sagot sa cp nya kuya nya yata yung tumawag
“Hello kuya”
“Mica nasan ka,nasan nayung motor ko bakit ginamit mo na hindi ka nag paalam”
“Ah kuya kasi yung motor mo nandito puno ng putik nalublob kasi kami sa palayan eh”
Pagkasabi nya non binato ko ng putik sa mukha ayon sapol haha , pinagtulungan naman alisin yung motor don sa putikan,
“Ubos nayung lumpiang shanghai”ani pa nito binatukan ko naman nalublob nanga kami saputikan lumpiang shanghai pa inisip
END!!!!
𝐖𝐫𝐢𝐭𝐭𝐞𝐧 𝐛𝐲: Ella 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭✍️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top