WHERE THE PLACE I BELONG TO” CHAPTER 8


WHERE THE PLACE I BELONG TO”
CHAPTER 8
“Oh ba’t natagalan kayo at bakit tila hinahabol kayo ng kabayo?” agad na tanong sa kanila ng kanilang Nanang ng makita sila.
“Ah- maulan po kasi Nanang kaya natagalan kami ni Mark” sagot niya dito.
“O sya- magbihis na kayo para makakain na tayo ng sabay-sabay” wika nito sa kanila.
“Sige po” halos sabay nilang sagot ni Mark.
Agad nga silang pumasok sa kani-kanilang kwarto at nagbihis pagkatapos ay lumabas na sila. Tinungo nila ang kusina kung saan...


naghihintay na sa kanila ang kanilang Nanang.
Umupo silang tatlo sa harapan ng mesa at nagsimulang kumain.
“May nangyari bang hindi maganda pagpunta niyo dun” biglang tanong ng kanilang Nanang.
Nagtinginan silang dalawa ni Mark, hindi alam ang isasagot sa ina…
“Ah- wala naman po Nanang, wag po kayong mag-alala hindi naman po kami nakita ni Angela” sagot ni Mark.
“Katunayan po Nanang nagkita ulit kami ng kuya ko” saad naman niya.
“Sino- si Robert?” tanong ng kanyang Nanang.
“Opo, kilala mo si kuya?” wika niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top