The Manipulative Jerk


๐๐ซ๐จ๐ฅ๐จ๐ ๐ฎ๐ž

Twenty-one-year-old Zarniyah Ashanna Conde is facing all sorts of problems. Firstly she doesn’t have enough money to continue her college education, Secondly her sister was scammed so all of a sudden their savings disappeared. . Third, they were deeply in debt because her brother become addicted to gambling. Fourth, his mother had a heart attack so they would need a large amount of money. And lastly he ran over the expensive car of billionaire Dashiel Sullivan Cortaleza, her childhood enemy.

The young man offers her a strange job but she is hesitant whether she will accept it or not but due to the successive misfortunes she suffers she decides to accept the job offered by Dashiel, to be his slave. Since that day, her life has become even more chaotic.

๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ 1

“Nakakasakal ka na! Sobra kanang lumampas sa boundary mo, sobra mo nang minamanipula ang buhay ko!” Nanggagalaiting sabi ko habang paulit ulit na hinahampas ang dibdib niya gamit ang hugis batong palad ko. Sinalo niyo ang pulso ko at halos bumakat ang kuko niya sa higpit ng hawak niya rito.

Ilang araw na niya akong kinukulong dito sa mansyon niya. Habang tumatagal lalong lumalala ang pagpapahirap niya sa akin.

“Hindi ko naman sana gagawin ‘to kung hindi mo sinagad ang pasensya ko. How many times have I told you that I don’t want you to go with that axel? ” iritableng sigaw niya sa akin. Padabog niya binitawan ang pulso ko na ngayon ay may konting bakat ng kamay at kuko niya.

“Lalo na pala kung may sex video rin kami ni Axel? Edi lalo kang nanggalaiti diyan” Wala sa sariling bulalas ko. Sakrastiko siyang napatawa, sinamaan ko siya nang tingin.

“That video happened before i met you, so why do you always mention it when we’re in the middle of a conversation?”ย  iritableng tanong niya.

Hindi naman ako tanga para paniwalaan siya. Noong may nag-send sa akin nang sex video nila nang ex-girlfriend niya, ‘yon ang mga araw na hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita, tapos nandun pala siya saย  condo ng makating higad niyang ex, nakikipaglaplapan?

Pero ano nga ba naman ang karapatan kong magreklamo? Slave lang naman niya ako at isa lang rinย  sa mga babaeng nai-kama niya.

“Bakit ka ba nag-eexplain sa akin? Kung gusto mo ulit makipag-s*x sa ex mo, halika at ako pa ang mag-vivideo sainyo” pagyaya ko kahit hindi ko naman talaga kaya na makita na ginagawa niya sa iba ang mga nakakabaliw na haplos niya sa akin.

“Ang hirap mong kausap, Zarniyah. Galit ka ba sa akin dahil lang sa video na’yon?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Mukhang iritang irita na siya.

“Galit ako sayo kasi pagod na pagod na akong sundin ka. Sobrang nakakasawa na yang ugali mo. Sobrang nakakasawa ka na” Halos mapaos na sigaw ko. Tiningnan niya ako nang masama at kung patalim lang ang mata niya ay kanina pa akong walang buhay ngayon. Kahit nakakaramdam ng konting takot ay sinalubong ko ang matulis niyang tingin.

“Kung gusto mo nang kumawala sa akin. Bayaran mo muna ang mga utang mo” paghahamon niya sa akin. Alam kong kaya siya may lakas ng loob na hamunin ako dahil alam niyang wala...


akong pangbayad sa lahat ng utang ko sa kaniya.

Hindi pa ba sapat na ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya? Pero kunsabagay kagustuhan korin naman ‘yon. Nagustuhan ko rin naman lahat ng haplos na pinaramdam niya sa akin.

Bakit naman kasi ako nadala sa mga pagpapaikot niya sa akin?

“I wish i never met you!” Dagdag ko pa na lalong nagpatindi sa tensyon naming dalawa.

“How can you say that thing to me? Gusto mo ba talaga na laging nahihirapan?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin sa nanunubok na tono. Nag-aapoy ang tingin niya na kulang nalang ay may lumabas ngang totoong apoy sa kaniyang mata. At dahil ayaw kong magpatalo sa kaniya ay tinitigan ko rin siya nang kasing tensyon ng pagtitig niya sa akin.

“Hindi mo na ako matatakot, Dashiel. Lahat ng kademonyohan, nakita at naranasan ko na sayo. Hinding hindi mo na ulit mapapakialaman ang buhay ko” matigas na sabi ko. Sakrastiko siyang napatawa.

“Husto ko kalang sa salita, zarniyah. Kahit alam mo naman na kayang kaya parin kitang pasunurin” Mayabang na sabi niya. Hindi akong makapaniwalang tumingin sa kaniya.

“May utang lang ako sayo pero hindi mo ako pag-aari, Dashiel. ” Ngumisi siya na para bang katawa-tawa ang sinabi ko. Para siyang demonyo na nagkatawang anghel. Maamo ang mukha niya pero nagsusumigaw sa kasamaan ang ugali niya.

“Nah. You’re mine, Zarniyah. I own you, even your heart, soul and body. Sa akin ka lang” Matigas na sabi niya na nagpakulo lalo sa dugo ko. Bakit ba lagi niyang sinasabi at pinaparamdam na pag-aari niya ako? Para namang mahalaga ako sa kaniya, kung gayung katulad lang rin naman ako sa mga babae na naging parausan niya.

Ganito ba talaga siya sa mga babae na naii-kama niya?

“Patayin mo nalang ako kung sasakalin mo rin lang naman ako diyan sa pagmamanipula mo” paghahamon ko.

“Really, Zarniyah? Kakaiba rin ang tigas ng ulo mo” tumatawang sabi niya. Tawa na mukhang ikinakalma lang ang sarili sa tuluyang pagsabog. “Masama akong magalit kaya wag mong sagarin ang pasensya ko” nananakot na banta niya pa sa akin.

“Ang sabi ko patayin mo nalang ako—-” Napayuko ako at napasapo ako sa tenga ng biglang ibato ni Dashiel ang vase na kanina ay nakapatong lang sa lamesa na nasa gilid.

Nanginig ang buong katawan ko sa ginawa niyang iyon. Nawalan ako nang balanse at napaupo sa sahig dahil sa takot. Muntik nang tumama sa akin ang vase bago ito nabasag sa pader.

Paano kung tumama sa akin ang vase na yon? Siguradong durog ang ulo kapag nagkataon.

Nagbibiro lang naman ako eh pero bakit mukhang tototohanin nga niya? Ganyan ba talaga siya ka-walanghiya?

Yumuko siya at hinablot ang buhok ko, sa lapit ng mukha niya sa akin ay nasaksihan ko ang magandang pagkakahulma ng mukha niya.

“Sinabi ko na sayo na huwag mo akong hahamunin.” matigas at nakakapangilabot na pagbabanta niya. Napamaang naman ako sa kaba.

“H-Hindi n…na ako n-natatakot sa—-” Bago ko maituloy ang sasabihin ko ay hinuli na niya ang labi ko.

Bakit ba alam na alam niya ang kahinaan ko?

Bakit madali niyang natitibag ang pader na itinayo ko sa pagitan namin?ย  Bakit hinahayaan ko ang sarili ko na maging isa sa mga babaeng pinaglalaruan lang niya?






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. next po please

Leave a Reply


top