Falling For A Bad Boy


📌 Author: keity_cutie
📌 Genre: Romance/Romantic Comedy
📌 Content Rating: 16+ with matute content.
📌 Status: ON-GOING, FREE, AND DAILY UPDATE!
PROLOGUE:
BIANCA’S POV.
Nandito ako ngayon sa cafeteria at sinusundan nang takbo ang lalaking gumawa ng kababuyang ito sa bagong kakalaba ko lang na bag.
Pinakaputi-puti ko pa naman ang paglalaba nito kahapon dahil wala ng perang ipambibili pa ng bagong bag ngayon.
I sighed.
“Hoy! Lalaking mukhang gorilya!” malakas na sigaw ko. Kumukulo ang dugo ko at para bang umiigting ang mga panga ko sa galit sa mukhang siyokoy na ito!
“At ano’ng problema mo, maliit na tao?” nakangising tanong niya at para bang may pangmamaliit na tono.
Nagsalubong ang mga kilay ko at tila umuusok na ang mga butas ng ilong ko. Nakakuyom pa rin ang mga kamao ko dahil sa sobrang galit at pagkapikon sa lalaking ito.
Patawarin sana ako ng Diyos, pero mukhang makapapatay ako ng tao ngayong araw.
“Ang kapal ng pagmumukha mo! Ikaw ba ang may gawa nito, ha?” Ibinato ko sa dibdib niya ang aking bag na punong-puno ng ketchup habang panay ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid namin.
“Ano ba?!” magkasalubong ang mga kilay niyang tanong sa akin, sabay pagpag sa kaniyang damit na nabahiran ng maasim-asim na ketchup na tila ay expired na.
“Wala akong ginagawa, okay?” matalim ang mga tingin niyang sigaw sa akin at tila sasabog na rin siya sa galit.
At siya pa talaga ang may ganang magalit? Ang kapal talaga ng mukha!
“Wala kang ginagawa? E, sino ba ang kilala kong taong hindi marunong mag-isip na pupunuin ng ketchup ang kakalaba ko lang na bag, ha?!” malakas kong bulyaw na tila mapupunit na ang aking lalamunan sa lakas ng boses ko dahil sa sobrang galit. Sa sobrang panggigigil ko sa kaniya ay hindi nawawala ang aking mainit na awra ngayon.
“Oh? Aba’y malay ko sa iyo! Porket ba may gumawa niyan sa iyo ay ako kaagad ang sisisihin at babalibagin mo ng mabahong bag na ito?” Sinipa niya nang sobrang lakas ang bag ko dahilan para mas lalo itong marumihan at kumalat ang ketchup sa lapag. “Hindi ko alam kung nasaan ang utak mong babae ka! Paraanin mo nga ako riyan! Nagsasayang lang ako ng oras sa iyo!” dagdag pa niya at naglakad palayo sa akin.
Lalong umiinit ang ulo ko! Walang hiya talaga ang lalaking ito!
“Ang lakas ng loob mo! Ikaw pa itong nagpapa-reverse pshychology ngayon! Ikaw pa itong galit! Hindi ba ikaw lang naman ang matindi ang galit sa akin dito, ha? Kaya sa tingin mo sino ang gagawa niyan, ha? Isang ligaw na kaluluwa? Hoy! Hindi porket matangkad, may magandang katawan at may magandang pagmumukha ka ay kayang-kaya mo akong ganyan-ganyanin lang!” nagdidilim ang mga paningin kong sigaw sa kaniya habang dinuduro siya nang madiin.
“Edi, inamin mo nga.” Humarap ulit siya sa akin ng may mapang-asar na mukha kung kaya’t ang kilay ko ay napapataas pa ang isa.
...


At ano naman kaya ang iniisip ng lalaking ito?
“Alam mo, kung patay na patay ka talaga sa akin at nagsusumamo ka kahit kaunting oras ko ay ibibigay ko naman sa iyo. Puwede mo naman akong lapitan at kausapin. Puwede mo namang titigan ang makinis at maganda kong mukha nang malapitan hangga’t gusto mo. Pero sana, huwag naman sa ganitong paraang lahat ng tao ay nakikita kung gaano ka nababaliw sa akin. Ako kasi ang nahihiya at naaawa para sa iyo.” Sabay ngiti pa nito at ginulo ang buhok ko.
Anak ng tinapa! Ang kapal ng pagmumukha ng hayop na ito!
“Gusto mo bang lumabas tayo minsan?” Lumapit siya sa akin at hinatak pa ang baywang ko palapit sa kaniya.
Napangiwi ang mga labi ko sa kaniyang ginawa at talagang nagsisitaasan ang aking mga balahibo sa sinabi niya.
“Alam mo ba kung ano’ng gusto ko?” malambing na tanong ko sa kaniya para sakyan ang sapak ng utak niya.
“Bakit? Ano ba iyon?” nakangiting pang-uusisa niya pa at akala mo’y mapupunit na ang kaniyang mga labi dahil sa saya.
“Iyon ay ang lumayo ka sa aking gorilya ka!” Sinipa ko ang maselang bahagi ng kaniyang katawan na naging dahilan nang sobrang pagsigaw at pamimilipit niya. Habang ang mga tao sa paligid namin ay tila gulat na gulat sa ginawa ko.
“Masiyadong makapal ang pamumukha mo at talaga namang lantaran ang pagbuhat mo sa sariling bangko mo. Kung mambu-bully ka, siguraduhin mong hindi ka kaya. Dahil sa uuliting gawin mo ito, hindi lang iyan ang matatanggap mo.” Padabog na kinuha ko ang aking bag at inihampas sa ulo niya nang hindi binibitawan. Umalis ako sa gitna ng mainit na eksenang halos lahat ng tao ay tila nagyelo sa kanilang nasaksihan.
Huwag na huwag kang magkakamali Mr. Kevin Jacob Scott, dahil kayang-kaya kong ibalik sa iyo ang lahat nang pambu-bully mo sa akin. Walang Bianca ang magpapatalo sa isang katulad mong kulang sa aruga ng magulang.
“Walang hiya ka talagang panget ka! May araw ka rin sa akin!” galit na galit niyang sigaw na tila nag-aapoy na sa sobrang galit at sa pamimilipit sa natamo niyang sakit.
Wala akong pakialam kahit atakihin ka pa sa puso riyan! Bagay lang sa iyo ang basagin ang gitnang bahaging ipinagmamayabang ninyong mga kalalakihan. Masiyado kang mapagmataas at asyumero! Walang Bianca ang magkakagusto sa iyong panget ka! Ang panget pa ng ugali mo!
Kulang na lang ay sumpain ko siya sa isip ko. Uulit na naman tuloy ako sa paglalaba sa bag na ito at ang mahirap pa rito ay mistulang gawa sa telang pandamit ang bag ko at pagkatapos ay kulay puti pa naman. Kaya matindihang pagbababad sa sosa at paglalagay ng zonrox ang gagawin ko rito upang muling pumiti at bumalik sa dati nitong kulay at hindi lang iyon, lahat ng notes ko ay napuno rin ng ketchup at ang baho pa! Bukod sa maglalaba ulit ako ay kailangan ko pang bumili ng mga bagong notebook at mangopya sa notes ng iba.
Pinapahirapan mo talaga ako, Kevin! Nanggigigil ang kaluluwa ko sa iyo!
~ WHO WANTS TO READ THIS STORY? COMMENT ME AND I’LL GIVE THE LINK! 🤗 SAMANTALAHIN HABANG FREE PA!






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. You are posting recent blog entries on twitter as well? If so I would like to know your account, so I can follow you there and be informed.

  2. next po please

  3. Next po plss

Leave a Reply


top