Ang Malambot kong pag ibig Chapter 5


Hindi na pinayagan ni Abby si Vince na umuwi, dahil alam niyang hindi na kayang mag drive ng kaibigan, Silang dalawa na lang ang gising sa mga oras na iyon, si Alvin buhat ng magpaalam ito na pupuntahan ang asawa ay hindi na ito bumalik pa.
.
Abby : Vince, nakiki usap ako sayo, dito kana magpalipas ng gabi, lasing ka na.
Vince : okay lang ako Besh!
Abby : Hindi, hindi ka okay, kung marunong lang akong mag drive papayagan kitang makauwi sa inyo, baka mamaya may mangyari pang masama sayo, dito ka na lang magpalipas ng gabi.
Vince : bakit ayaw mong mapahamak ako, mahal mo ba ako?
.
Natigilan si Abby sa tanong ni Vince.
Vince : sabihin mo sakin abby mahal mo ba ako?
.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Abby, hindi niya alam ang isasagot.ngunit ng kumalma ang puso niya ay sinagot naman niya ng tuwid si Vince, dahil bakit daw ba siya naapektuhan sa tanong ni Vince eh lasing lang ito.
.
Abby : syempre naman, magkaibigan tayo, diba ang mag bestfriend ay nagmamahalan.
.
Nakumbinsi ni Abby na doon na lang magpalipas ng gabi si Vince, At dahil malaking tao din naman si Vince na nasa 5′ 10 ang tangkad at si Abby naman ay nasa 5’4 lang, hirap siya na mag alalay kay Vince, hindi na niya kaya ang iakyat pa ito sa guestroom, kaya si Vince ay sa kwarto na niya ito papahigain, at siya naman ay sa Guestroom matutulog, nagkandahirap si Abby sa pag alalay kay Vince, sa tagal nilang magkakilala at nagkasama ni Vince ay noon lang niya nakitang nagpakalasing ito. Mabuti na nga lang at doon nalasing ito, paano na daw kung sa ibang lugar o di kaya daw sa isang bar, paano na, at hanggang sa naroon na sila sa kwarto ni Abby, konting hakbang na lang sana ay naroon na sila sa kama ngunit sa di inaasahan ay biglang nag Blow si Vince, naligo ng suka si Abby at ganun din si Vince, nag puro suka silang dalawa.
.
Abby : oh my God!!
.
Mabuti na lang at hindi pa sila umaabot sa kama, hindi nadamay ang kama sa pagsuka ni Vince, pinaupo muna ni Abby si Vince sa upuan, hindi alam ni Abby ang uunahin, kung si Vince ba o siya na puro suka din, ngunit sarili na muna niya ang inuna dahil hindi siya makapag isip ng mabuti kapag nararamdaman niyang may suka sa katawan niya, mabilis siyang naligo, at nang makaligo ay saka niya lang inasikaso si Vince, wala siyang experience sa pag aalaga ng lasing pero ayun siya at aalagaan niya si Vince, hindi niya alam kung paano ang gagawin niya kay Vince, kung huhubaran ba niya ito o ano..
.
Abby : hmp, bahala na, tutal naman wala ka nang alam dahil lasing ka.
.
Matapang niyang tinanggal ang damit ni vince na puro suka, tumambad na naman ang matipunong katawan nito, pinunasan niya ng bimpong basa ang katawan, upang maalis ang suka, at hanggang sa namomroblema na naman siya kung paano daw ang pantalon ni Vince, puro suka din..ngunit hindi na niya kayang tanggalin iyon, pupunasan na na lang daw niya ang suka sa pantalon..at lalagyan na lang niya iyon ng pabango upang hindi mahawa ang amoy sa kama. At hanggang sa natapos na siyang tanggalin ang mga suka sa katawan ni Vince, kumuha siya ng polbo at tinaktakan niya ng polbo ang dibdib at hanggang sa puson nito, napapalunok na lang si Abby dahil di naman maiwasan na hindi matitigan ang mga mamaselang katawan ni Vince, kay kisig kisig at lalakeng lalake ang dating, sayang nga lang daw at pusong babae ito..at hanggang sa mabilis na niya itong sinuotan ng damit, mabuti na lang at may mga malalaki siyang Tshirt na nagkasya kay Vince, at hanggang sa ipinunta na ni Abby si Vince sa kama, kahit na de aircon ang kwarto ay pawisan si Abby ng maihiga niya si Vince. Naupo muna si abby sa gilid ng kama dahil siya ay nakaramdam ng pagod, at haggang sa nagulat na lang si Abby ng makita niyang tinatanggal ni Vince ang pantalon nito, ngunit nakapikit naman ito, marahil ay naaalinsanganan dahil sa epekto ng alak, nataranta si Abby, hindi niya alam kung lalabas ba o ano, para siyang ipinako sa kinatatayuan at nanlaki ang mata niya na ngayon naka-naka brief nalang si Vince.
.
Abby : Hoy Abby. Ano ka ba huwag ka ngang magpa epekto, tuloy para ka nang baliw..(sabi sa sarili)
.
Nagpatay malisya na lang si Abby, dahil may kailangan pa siyang gawin, ang paglilinis ng sahig, dahil umaamoy na ang suka sa loob ng kwarto, dahil de aircon pa man din ang kwarto niya.hindi na lang siya tumitingin kay Vince, dahil nagiging abnormal ang puso niya.nang matapos ng linisan ni Abby ang sahig ay umakyat na siya ng Guestroom, ngunit nakalock ito, hindi niya alam kung nasaan ang susi, may kumuha sa lagayan at hindi ito naibalik, kaya bumalik siya sa ibaba, sa sofa sa sala na lang daw siya matutulog, bumalik si Abby sa kanyang kwarto upang kumuha ng kumot, dahan dahan siyang humahakbang papunta sa kanyang Cabinet upang kumuha ng kumot, ng biglang umungol si Vince, at narinig niyang binabanggit ng kaibigan ang pangalan ni Macky. Nakaramdam ng kirot sa puso si Abby, kahit sa pagtulog ay pangalan pa din ni Macky ang binabanggit..nang makakuha si abby ng kumot ay mabilis na din siyang lumabas ng Kwarto..lumipas ang magdamag, nagising si Abby ng may naramdaman siyang katabi sa sofa, nagmulat siya ng mga mata nakita niya ang gwapong mukha ni Vince.
.
Abby : Vince!!
Vince : Good morning..
.
Naka upo pala si Vince sa tabi niya at ginigising siya nito, nakita din ni Abby doon sina Kate at Alvin.
.
Alvin : Abby, malilate ka na sa Klase mo..
Abby : ows Shit..
.
At mabilis na siyang bumangon, halos isang oras pa lang kasi ang tulog niya, kahit naman anong pilit niyang matulog ay di siya makatulog, dahil ang isiping na natutulog lang yong lalakeng nagpapatibok ng puso niya sa kanyang kwarto ay nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso, mabilis na siyang gumayak di na nga niya nakuhang mag almusal, dahil hindi siya pwwdeng ma-late, dahil may exam sila, importante pa naman ang exam dahil pang last quarter na nila iyon. Hinatid na siya ni Vince, at gaya ng dati ay sinusundo din siya.
.
Abby : san tayo pupunta?
.
Napansin ni Abby na iba ang way na binabagtas nila.
.
Vince : Kakain tayo.
Abby : Busog ako.
Vince : Pagbigyan mo na ako, gusto lang kitang ilibre, parang pasalamat ko sa pag aalaga mo sakin.
Abby : wala yun.
.
Hindi na nakatanggi pa si Abby, naroon na sila sa isang mamahalin na Restaurant, puro espesyal ang inorder ni Vince, at alam ni Abby na hindi basta basta ang mga presyo ng mga pag kain doon.
.
Abby : Teka, anong okasyon, at sobrang napaka special naman ng mga pagkain natin, at saka ang dami, pakiramdam ko tuloy ay bitay ko na mamaya..
Vince : sira ka talaga.. talagang bibitayin kita kapag hindi mo inubos tong lahat.
Abby : Sandali lang, may galit ka sakin ano?
Vince : ano bang sinasabi mo diyan.
Abby : alam mong nag dadiet ako, magagalit ang coach ko sa Gym..
Vince : hala, ngayon lang to, alam mo kasi, gusto kong icelebrate yong pagiging magbestfriend natin, di mo ba natatandaan, ngayon yong date na nagsimula tayong maging magkaibigan.
.
Mangha si Abby dahil akala niya ay siya lang ang nakakaalam nun.
.
Abby : Ganun ba!!
.
Nagkunwaring hindi niya naalala.
.
Abby ; ang galing naman ng memory mo.
Vince : syempre naman, basta mahahalagang tao sakin hindi ko nakakalimutan yun.
Abby : naks naman!!
Vince : Kumain na tayo.
.
Masayang kumakain sina Abby at Vince, natutuwa naman si Abby dahil maganda ang mood ng kaibigan masaya ito, at wala siyang nababakas na lungkot sa mukha nito., samantalang ng nagdaang gabi ay iyak ng iyak ito.
.
Vince : Sya nga pala besh, salamat ulit ha.sobrang hiyang hiya kaya ako..napuyat ka ng dahil sa pag aalaga sakin.
Abby : kaya mo ba ako inilibre dito sa mamahaling restaurant dahil sa suhol.
Vince : anong suhol, suhol ba naman yong gusto kong makasamang kumain ang importante sa buhay ko.
Abby : huwag kang ganyang Vince, lalo akong na-iinlove sayo, kahit bakla ka papatulan kita!
.
Ngunit sa isip lang ni Abby ang mga katagang iyon., at hanggang sa masayang usapan nila ay di na nMan nila inaasahan na makikita ulit niya ang mama ni Vince.
.
Joanne : hi son!
Vince : ma!
.
Mabilis na tumayo si Vince at humalik sa ina, si Abby ay tumayo din.
.
Abby : Hello po maam(sabay yukod)
.
Ngunit di naman na siya pinansin ni Joanne..
.
Joanne : anak pwede bang maki share ng table?
Vince : sure ma.
.
Ipinaghila ni Vince ng upuan ang ina.
.
Vince : have a sit ma.
Joanne : thanks Son..
.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Abby, para daw kasing may pakiramdam si abby na hindi maganda, ramdam niya ang pagka-disgusto ng mama ni Vince sa kanya, inalok ng pagkain ni Vince ang ina ngunit tumanggi ito..
.
Joanne : busog ako anak, nakita ko lang na nakapark yong car mo dito, kaya alam kung nandito ka sa loob, agahan mo ang uwi sa bahay anak ha.
Vince : sige po ma(alanganing sagot niya)
.
at hanggang sa binalingan ni Joanne si Abby..
.
Joanne : and you young Lady, what is your name again?
.
Nanlalamig si Abby, nanginginig sa takot. Ngunit napag isip isip ni abby bakit ba siya matatakot eh, hindi naman siya girlfriend ni Vince.
.
Abby : Abby po maam.
Joanne ; oh...


Abby!
Abby : opo maam.
Joanne : ilang taon ka? Wait let me guess, either 16 or 17?
.
Nakaramdam ng hiya si Abby.dahil ang totoo 24 na siya.
.
Abby : 24 na po maam.(nahihiya niyang sabi)
Joanne : what? How come, that you are wearing a secondary school uniform?
Vince : ah ma, late na kasi siyang nakapag aral. Sa katunayan graduating na siya.
Joanne : this is ridiculous!!!(natatawang sabi)
Vince : mama!!!!(Saway niya)Hindi katawa tawa yun ma,!(galit na niyang sabi)
Abby : Vince, okay lang.
Joanne : im sorry, nagulat lang ako.
.
Nanliliit ang pakiramdam ni Abby, hindi siya makapaniwala sa kabaitang ugali ni Vince ay kabaliktaran ng ina nito.
.
Joanne : anyway kaya lang naman kita pinuntahan dito ay para sabihin sayong may pa welcome party si Tita Mina mo para kay Natalie, kailangang nandoon ka.
Vince : i’m not going!
Joanne : vince!!!
Vince : Please ma, huwag mo akong pilitin!!!
Joanne : saka na tayo mag usap kapag walang ibang tao.
Abby : ah Vince, mabuti pa mauuna na ako, para makapagusap–
Vince : Hindi Abby, ihahatid na kita.
Joanne : Vince, subukan mong huwag pumunta mamaya sa welcome party ni Natalie, itatakda na namin ang kasal ninyo.(sabay alis)
.
Shock si Abby sa narinig niya sa mama ni Vince, samantalang ang mama ni Vince ay hindi na nagpaalam ito sa kanila, si Vince naman ay nagpupuyos sa inis sa ina.
.
Vince : pasensiya ka na abby kay mama ha.
Abby : wala yun.huwag mo nang isipin yun.
Vince : nahihiya ako sayo eh.
Abby : ano ka ba, okay lang yun, kaibigan mo ako, lahat kaya kong unawain alang alang sa kaibigan ko.
Vince : salamat Abby.
.
Makalipas ang sandali ay sakay na sila ng kotse, tahimik lang si Vince na nagmamaneho, binasag ni Abby ang katahimikan ni vince.
.
Abby : okay ka lang?
.
Buntong hininga ang narinig ni Abby kay Vince, gusto sanang magtanong ni Abby tungkol sa sinabi ng mama ni Vince, kaya lang hindi niya kayang buksan ang topic na iyon dahil, ang isiping bukod pala kay Macky, ay may isa pang problema ang kaibigan ang tungkol kay Natalie.
.
Vince : ang totoo hindi ako okay, sino ba naman ang magiging okay na ipakasal ako sa babae!!
Abby : San mo gusto. Sa lalake?(pabiro niyang sabi)
.
Kahit papaano ay nawala ang inis sa mukha ni Vince.
.
Vince : abby, kung ikaw ang nasa katayuan ko anong gagawin mo.
Abby : Ha, ano..
.
Hindi alam kung paano niya papayuhan ang kaibigan..
.
Vince : see, kahit ikaw hindi mo alam ang gagawin.
.
Nakaramdam naman ng awa si Abby kay Vince.
.
Vince : hindi ko maipagtapat sa kanila ang pagkatao ko, dahil alam kong itatakwil ako ni Papa, ayokong ma-disappoint sila mama at papa sakin, takot akong magaya kay Kuya Andrei na itinakwil ni papa dahil sa pagkatao ni Kuya na isang bakla, samantalang ako heto at nagtatago sa katauhan na nagpapakalalake, ginawa ko ang lahat para ma-achieved ko kung ano ang physical appearance ko ngayon, para lang ikubli ang katauhan ko, oo aaminin ko natakot ako na pati ako ay hindi bigyan ng mana ni papa, at naiinis ako sa sarili ko dahil isa akong duwag, hindi ko alam kung hanggang kelan matatapos ang kaduwagan kong ito.
.
Sa isip ni Abby, kaya pala ganun na lang ang pagpupursige ni Vince na maging Makisig dahil para ikubli sa magulang ang katauhan.
.
Vince : Tapos gusto pa nila akong ipakasal!! Hindi ko na alam ang gagawin ko abby! Gusto ko silang takasan, lahat sila! Kung hindi lang talaga masamang magpakamatay—
Abby : Vince, huwag na huwag mong gagawin yan, alam kong sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon, malalagapsan mo.din yan basta kung kailangan mo ng kaibigan, nandito lang ako vince.
.
Itinabi ni Vince ang kotse nya dahil hilam na ang mga mata niya sa luha, sa labis na bigat ng kalooban na nararamdaman niya..at dahil sa awa ni Abby ay kino-comfort niya ito, niyakap niya si Vince at tinatapik niya ang likod..
.
Abby : sige lang iiyak mo lang, nandito lang ako para sayo Vince..
.
Naramdaman na lang ni Abby na yumakap din sa kanya si Vince, si Abby ang nagsilbing shoulder to cry on niya..at makalipas ang oras ay naihatid na ni Vince si Abby, at ngayon pauwi na din si Vince sa bahay nila.
.
Joanne : mabuti naman at umuwi ka din ng maaga!
.
Ngunit di na pinansin pa ni Vince ang ina, nagtuloy tuloy na ito sa kanyang kwarto.
.
Joanne : gumayak ka na, maya maya ay pupunta na tayo.
Vince : kayo na lang po ang pumunta.
Joanne : Vince ano ba, huwag matigas ang ulo mo, inaasahan ka ni Tita mina mo.
Rudolfo : Vincent pupunta tayo!!, (Matigas na sabi)
.
Natigilan sa paghakbang si Vince dahil naroon pala ang ama niya.
.
Rudolfo : hindi mo ba namimiss yong kababata mo, panigurado ko sa 4 na taon na hindi nio pagkikita miss na miss ka ng kababata mo.
.
Wala ng nagawa si Vince kundi ang sundin ang ama.at lumipas ang oras ay naroon na sila sa bahay ni Natalie.
.
Mina : Rudy, Joanne, mabuti naman at dumating na kayo.
Rudolfo : madami kasing trabaho sa opisina, late na akong nakauwi sa bahay.
Mina : Vincent, Hijo, mabuti at nakapunta ka din, naku si Natalie nagmamaktol na kanina ka pa niya hinihintay, nasa kwarto siya, mabuti pa kaya ay puntahan mo na at kanina pa naiinip sa pagdating mo.
.
Pinagbigyan na lang niya ang kaibigan ng magulang niya.
.
Mina : naku, Joanne lalong gumagwapo si Vincent.
Rudolfo : san pa ba magmamana yan kundi sakin.
.
Samanatala naman si Vince nang makita siya ng kababatang si Natalie ay agad itong yumapos sa kanya, noon pa man ay alam na niyang may pagtingn ang kababata, hindi niya dito masabi ang kanyang sekreto dahil alam niyang sumbungera ito, alam niyang madaldal ang kababata kaya hindi niya ito mapagsabihan ng lihim.
.
Natalie : i missed you Vince, nagtatampo na ako sayo, ni hindi mo man lang ako matawagan.
Vince : sorry naging busy lang ako.
.
Si Natalie ay mas nadagdagan ang pagkagusto niya sa kababata, dahil daw mas gumwapo ito, mas naging matikas, kaya matapang na sinabi ni Natalie sa kanyang Tito Rudy at tita Joanne na gusto niya si Vince..
.
Rudy : Gusto ka din namin ng tita Joanne mo para sa aming anak.
Mina : aba dapat pag usapan na natin yan.
.
Nagprotesta ang kalooban ni Vince, dahil sa maraming tao roon ay ayaw naman nyang mapahiya si Natalie, dahil naiinis at naiirita si vince sa pinaguusapan ng magulang niya at ng tita mina niya ay walang paalam siyang umalis.pasalamat na lang siya dahil walang nakapansin sa pag-alis niya.samantala naman sa bahay ni Alvin.
.
Kate : Abby di ka pa natutulog?
Abby : Kate, bakit bumaba ka pa, may kailangan ka ba?
Kate : nauuhaw ako.
Abby ; sana tinawagan mo na lang ako sa intercom, paano kung nagkamali ka sa paghakbang mo sa hagdan dapat lagi kang magiingat na ngayong malaki na ang tyan mo, tulog na ba si Sir alvin.?
.
Natutuwa si Kate sa labis na pagaalala ng kaibigan.
.
Kate : okay lang ako abby, at isa pa di din ako makatulog, kwentuha naman muna tayo oh.
Abby : sige maupo ka lang muna at ikukuha kita ng inumin.
.
Naging busy si Abby sa mga pagrireview niya ng mga nakaraang araw kaya hindi sila nakakapag Chika ng kaibigan..
.
Kate : kumusta naman yong exam mo?
Abby : okay lang, kahit papaano naman ay sigurado ako sa mga sinagot ko.
Kate : namimiss ko na yong bonding nating tatlo ni Vince, kamusta na pala si Vince, medyo matagal ko na siyang di nakakwentuhan.
.
Pansin ni kate ang paglukot ng mukha ni abby.
.
Kate : abby may Problema ba?
.
Hindi niya masabi kay Kate ang nararamdaman niya kay Vince, dahil nahihiya siya, hindi daw bale sana kung totoong lalake si Vince, at isa pa daw kaiigan nila ito.
.
Abby : Kate, may pagkamatapobre pala yong mama ni Vince ano.
Kate : Ha! Hindi naman ah, mabait kaya si Tita Jho.bakit mo naman nasabi na–
Abby : hayaan mo na kate, kalimutan mo na yong sinabi ko.(putol niya sa sinasabi ni kate)
Kate : teka, siguro may problema ano, sabihin mo sakin abby.
Abby : wala, siguro hindi lang siya makapaniwala na nasa high school level pa lang ako..
Kate : ano nga ang nangyari.
Abby : siguro iba lang yong pakiramdam ko sa mama ni Vince, pero ang ikinagulat ko ay si Vince gusto siyang ipakasal sa kababata nito.
Kate : ano bakit hindi ko yata alam yun, hindi nagsasabi si Vince may problema na pala siya, sinosolo niya..
.
At sa pag uusap nila abby at Kate ay sumulpot si Alvin.
.
Alvin : sweetie nandito ka lang pala.
Kate : sweetie nauhaw lang ako.
Abby : sige na kate, matulog ka na din, masama sa pregy ang napupuyat.
.
Lumipas ang oras nasa higaan na din si Abby, laman ng isip niya si Vince, naiinis talaga siya sa sarili niya dahil, bakit ba nasasaktan siya sa tuwing naaalala niya ang panunuya ng mama ni Vince sa kanya, nadagdagan tuloy ang sakit ng kalooban niya, una wala na nga siyang pag asa para sa kanyang kaibigan, dahil kahit kailan daw ay di mangyayari na makakamit niya ang pag ibig ni vince, pangalawa mukhang di siya gusto ng mama ni Vince at ang pangatlo ay may Posibilidad na may babae nang nakatalaga para kay Vince at iyon ay ang kababata nito. Ano naman daw ang panama niya sa kababata, samantalang siya ay Kailan lang sila naging magkaibigan nito.
.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top