Ang Malambot kong pag ibig Chapter 6


sa ginupo siya ng antok, at makalipas ang oras ay unti unting nagigising si Vince dahil sa pakiramdam niya ay meron siyang kasama sa kayang Kama, at haggang sa nagulat na lang siya ng may mga kamay na naglalakbay sa kanyang dibdib, agad siyang bumalikwas ng bangon at sinindi niya agad ang lamp shade sa kanyang bedside table. At napag alaman niyang si Natalie iyon.
.
Vince : NATALIE!!!!!
Natalie : Hi darling!(nakangisi niyang sabi)
.
Napabalikwas siya ng bangon, nagulat si Vince sa presensiya ni Natalie, si Natalie naman ay Lasing ito, nang malaman ni Natalie na umalis si Vince sa kanyang party, sumama ang loob ng dalaga dahil di man lang daw nag paalam sa kanya si Vince, kaya naman nagpumilit siyang sumama sa mga magulang ni Vince nang umuwi ang mga ito.
.
Vince : bakit nandito ka, at paano kang nakapasok sa kwarto ko??
Natalie : hindi na mahalaga yun, basta nandito ako.
.
Nabigla si Vince sa Ginawa ni Natalie, sinungaban siya ng yakap at Hinalikan siya sa mga labi. Inilayo niya si Natalie..
.
Vince : Ano ba natalie, stop it!!
.
Mas ikinabigla ni Vince ang sumunod na ginawa ni Natalie, tinatangal nito ang blouse at sinunod ang skirt.
.
Vince : Natalie, what the hell are you doing?(galit niyang sabi)
.
Ngunit si Natalie ay patuloy sa pagtanggal ng mga damit.
.
Vince : Stop it Natalie, you’re crazy!!
.
Hindi pinakinggan ni Natalie si Vince, mabilis na kinuha ni Vince ang kumot at ibinalot niya ito kay Natalie.
.
Vince : tumigil ka na Natalie, lasing ka hindi mo na alam yong ginagawa mo.
Natalie : vince, gusto kita!
Vince : hindi ka na dapat nagpunta pa dito.
Natalie : gusto kitang makasama, kailangan kita ngauon gabi.
.
Tinanggal ni Natalie ang kumot na ibinalot sa kanya ni Vince..
.
Natalie : look at me Vince, do i look pretty? (Malanding sabi)
.
Humakbang palapit si Natalie kay Vince.
.
Natalie : i want you Vince!
.
Nabigla si Vince dahil bigla na siyang siniil ng halik ni Natalie, pilit na kumawala si Vince, itinulak niya si Natalie at natumba ito sa kama.
.
Vince : nababaliw ka na talaga Natalie, hindi mo na binibigyan ng kahihiyan yong sarili mo!!(galit niyang sabi)
.
Ngunit si Natalie ay tinawanan lang si Vince, at dahil sa labis ng napipikon si Vince ay mabilis nyang tinalikuran si Natalie at iiwanan na niya ito roon.
.
Natalie : Vince, bumalik ka dito!
.
Deretso sa paghakbang si Vince hanggang sa malapit na siya sa pinto..
.
Natalie : Vince bakla ka!!
.
Natigilan si Vince sa sinabi ni Natalie.
.
Natalie : Hinahain ko na yong sarili ko sayo, ayaw mo pa, siguro nga bakla ka Vince, bakla!!!(hiyaw niya)
.
Nakuyom na lang ni Vince ang kamao, ngunit di na niya pinatulan si Natalie, yun lang paglabas niya ng kanyang kwarto ay naroon ang papa niya, natigilan siya sa paghakbang, nag-alala siya na baka narinig ng papa niya ang sigaw ni Natalie, ngunit mabilis na syang naglakad palayo sa papa niya.
.
Rudolfo : Vince san ka pupunta?
.
Hindi na niya pinansin pa ang papa niya..
.
Rudolfo ; Vince, bumalik ka dito mag usap Tayo!!!
.
Patuloy sa paghakbang si Vince, Hanggang sa makalabas siya ng bahay, agad na nagpunta sa garahe at sumakay sa kanyang kotse, agad niya itong pinaandar at pinaharurot niya ito, samantalang ang gwardiya sa gate nila ay nataranta sa pag bukas ng gate para kay Vince, hindi alam ni Vince kung saan siya pupunta, basta drive lang siya ng drive, hanggang sa masumpungan na lang niya ang sarili na nasa tapat ng bahay ni Alvin.
.
Abby : Vince!!!
.
Si Abby ay naroon sa may garden na nagpapahangin, halos dis oras na ng gabi ay hindi dalawin ng antok, kaya nagpasya siyang lumabas, hindi siya makatulog dahil laman ng isip niya si Vince at ang sinabi ng mama ni Vince na itatakda na ang kasal nito sa kababata, kinurap kurap ni Abby ang mga mata baka daw dahil namamalikmata lang siya dahil sa kakaisip niya dito, ngunit si Vince daw talaga iyon, kilala ng gwardiya nila si Vince kaya pinagbuksan na ito ng gwardiya..nakita na din siya ni Vince sa garden dahil may ilaw na maliwanag roon.
.
Vince : Abby!
Abby : V-Vince!!
.
Nagulat si Abby ng biglang yumakap sa kanya si Vince, bumilis ang tibok ng puso ni Abby, ayun na naman ang puso niya nagtutumalon sa saya, sa kilig, dahill nga sa mahal na niya ang kaibigan, at hanggang sa ramdam ni Abby na yumuyogyog ang balikat nito dahil sa pag iyak, umiiyak si Vince..
.
Abby : Vince, a-anong n-nangyari?
.
Iyak lang ng iyak si Vince, naawa si Abby sa kaibigan, niyakap na din niya si Vince, pati si abby ay lumuluha na din sa awa sa kaibigan, siguro daw ay may di na naman sila pinagkakaunawaan ng mga magulang nito, at nang makakalma sa pag iyak si Vince ay saka ito tumawa.
.
Abby : ay, baliw din eh, iiyak tapos tatawa.
Vince : Siguro nga abby, gusto ko nang mabaliw sa nangyayari sa buhay ko.,biruin mo, makakita ka ng babae na maghubad sa harapan ko!!
.
Nagulat si Abby sa sinabi ni Vince, tama daw ba yong narinig niya, babaeng naghubad sa harap nito.
.
Abby : anong ibig mong sabihin.
Vince : alam mo kahit naman totoong lalake ako, hindi ko gagawing pakialaman ang hindi ko pag aari, lalo na kung hindi siya ang laman ng puso ko.
Abby : sandali, naguguluhan ako eh.
.
Kinuwento lahat ni Vince ang nangyari sa kanila ni Natalie..
.
Abby : Vince, hanggang kelan mo ba kasi itatago ang katauhan mo?
Vince : Hindi ko alam abby.
Abby : baka kailangan mo ng ipagtapat sa papa mo.
Vince : Hindi abby, natatakot ako, hindi ako mauunawaan ni Papa, itatakwil niya ako katulad ng ginawa niya kay Kuya Andrei
Abby : sa mama mo, sigurado ako na maiintindihan ka noon, dahil ina siya, dapat tatanggapin ka niya at mamahalin ano man ang pagkatao mo.
Vince : si Mama, hindi siya ganun sa inaakala mo..(malungkot na sabi)
Abby : pero ina siya.
Vince : hindi niya din ako mauunawaan, parehas lang sila ni Papa.
.
Samantala naman sa bahay nila Vince.
.
Joanne : Hindi bakla si Vince Rudy!!!
Rudolfo : hindi bakla, pero ano yong ginawa niya kay Natalie, pinahiya niya yong tao, si Natalie na nga ang gumagawa ng paraan, narinig mo yong sinabi ni Natalie, naghubad na ito sa harapan niya, tinanggahihan pa ng anak mo, dahill ang sabihin mo nandidiri siya dahil bakla yong anak mo!
Joanne : hindi Rudy! May ibang gusto si Vince, kaya niya tinanggihan si Natalie dahil may ibang babae siyang gusto.
Rudolfo : Ayusin mo yan ha, ayokong mapahiya sa daddy ni Natalie, kapag nagkataon mapupurnada pa ang pag...


iinvest niya sa kompanya.
.
At nooy naalala ni Joanne si Abby, sa isip ni Joanne ay si Abby ang dahilan kung bakit nagkakaganoon ang anak, dahil may ibang mahal ito. Lumipas ang mga oras, sina abby at Vince ay naroon pa din sa garden.
.
Vince : Abby, Salamat ha.
Abby : para saan naman?
Vince : dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, sana huwag kang magsasawang makinig sa mga problema ko sa buhay.
Abby : Anytime Vince, nandito lang ako palagi.
Vince : kaya nga, ikaw agad ang naisip ko na puntahan, kayo ni Kate.
Abby : tama yun Vince, basta may problema ka, puntahan mo lang ako dito, kami ni Kate, o kaya tawagan mo ako, at pupuntahan kita, kasabihan nga eh, “Just call my name, and ill be there”
Vince : inenglish mo lang eh.
.
Nagtawanan ang magkaibigan.
.
Vince : abby, sorry ha, pinuyat na naman kita.
Abby : okay lang, wala naman akong pasok bukas.
Vince : Siguro kailangan ko ng umuwi, magmamadaling araw na masyado ka nang napupuyat, at saka maaga ang pasok ko bukas.
Abby : ganun ba, sige mag iingat ka sa pag uwi.
Vince : salamat.
.
Hinatid ni Abby si Vince hanggang sa gate, hindi umalis si Abby sa gate hanggang sa hindi nakaalis si Vince.
.
Abby : kuya Bernie salamat, sige po pasok na po ako sa bahay, kayo din po umidlip din po kayo..(sabi niya sa guard)
.
Kahit na puro hinaing ni Vince ang nagiging paksa nila ng kaibigan ay masaya pa din si Abby dahil nakakasama niya ito, talagang masaya ang puso niya kapag kasama si Vince, at sa paglipas ng mga araw, dumating na ang araw ng pagtatapos ni Abby ng High School.
.
Kate : Congrats Abby!!!(niyakap ang kaibigan)
Abby : Thank you kate.
Alvin : Congrats abby.
Abby : Salamat po sir Alvin, kung di po dahil sa inyo hindi ko makakamit itong diploma.
Alvin : ikaw lang eh, ayaw mo kasing sumunod sakin noon.
Ernesto : Salamat Alvin, naku sigurado ako natutuwa ang nanay ni Abby ngayong naka-graduate na ng high school ang anak niya.
Abby : opo tay sana nga po matuwa si nanay sakin.
Alvin : sigurado yun abby.
.
Naroon na sila sa bahay nila Alvin, pinagsasaluha nila ang ng hinandang pagkain ni Kate para kay Abby..
.
Abby : Kate, Salamat dito sa mga food, napagod ka dahil sa paghahanda nitong masasarap na pagkain.
Alvin : Abby, ako ang nagluto ng mga yan, si Kate taga mando lang sakin.
Abby : naks naman. Ang sweet naman ni Sir, salamat po sir Alvin, thank you kate.
Alvin : kadaya mo naman abby, si Kate kate lang ang tawag mo, ako may sir na nga may po pa, pakiramdam ko tuloy ang tanda tanda ko na.
Abby : bakit sir, bata ka pa ba?
Alvin : aba bata pa ako ako ah.
Abby : ay naku sir, matanda ka na.
Alvin : hindi pa nga, 33 pa lang ako.
Kate : Abby, kahit matanda na yong sweetie ko, baby face naman.
Alvin : grabe ka naman sweetie, bata pa talaga yong 33.
Abby : kate pagbigyan na natin si Sir.
Alvin : sweetie tama si Ma’am Abby, pagbigyan nio na ako.
Dante : parang wala pa sa 33 ang edad ni Alvin, parang nasa 20 pa lang diba, pareng Ernesto?
Ernesto : tama ka pare Dante.
Alvin : ayun oh, may kakampi ako, yong dalawang tatay ko ang kakampi ko, dalawa lang kayo, tatlo kami..
.
Nagtawanan silang lahat, at hanggang sa sinimulan na nilang pagsaluhan ang mga masasarap na pagkain, samantalang si Abby ay kanina pa tumitingin sa labas ng bahay, hindi pa kasi dumadating si Vince, pangako sa kanya ng kaibigan ay pupunta ito sa araw ng graduation niya.
.
Alvin : siya nga pala Abby ano na ang balak mo ngayon.
Kate : oo nga abby, napagisipan mo na ba kung ano ang kukuhanin mong kurso.
Abby : hindi pa nga eh.
Alvin : simple lang naman kasi, ang tanong ano bang pangarap mo sa buhay?
Abby : ako, simple lang, maging isang chef sa sarili kong restaurant.
.
At sa pag uusap nila ay dumating si Vince, at may mga dala itong dalawang bouquet ng Flower para sa dalawang kaibigan.
.
Vince : Hi, everyone, sorry im late!
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Abby, dahil naroon na ang kanina pa niyang hinihintay, halos isang linggo silang hindi nagkita ni Vince, sobra na itong abala sa trabaho, kaya madalang na lang silang magkita, kaya namiss niya ito.
.
Nagmano si Vince sa tatay ni Kate, ngunit mayroong hindi pamilyar na mukha kay Vince, ngunit ipinakilala ito ni Alvin.
.
Alvin : si tatay Ernesto nga pala, ang tatay ni Abby.
.
At agad na din namang nagmano si Vince sa tatay ni Ernesto.
.
Ernesto : kaawaan ka ng Diyos hijo.
Vince : kamusta po kayo?
Ernesto : mabuti naman hijo.
.
At ibinigay na ni Alvin ang bulaklak sa mga kaibigan.
.
Kate : wow, thank you Vince, you’re so sweet.(sabay amoy ng bulaklak)
.
At huli niyang binigyan si Abby, samantala naman kingalitan ni Abby ang sarili, dahil pakiramdam niya nag iinit ang mga pisngi niya, habang inaabot niya ang bulaklak na ibinibigay ni Vince sa kanya. feeling niya manliligaw niya ito na binigyan siya ng bulaklak.
.
Vince : Congrats abby.(masayang bati niya)
Abby : salamat! Kumain ka Vince.
Vince : kakain talaga ako kasi kanina pa ako nagugutom.
.
Masaya na ang awra ni Abby na kanina lang ay mukhang aburido siya, at pansin iyon ng kaibigang si Kate, masayang nakikipag kwentuhan si Vince sa tatay ni Abby, at ganun din sa Tatay ni kate. Si Alvin naman ay nasa kanyang opisina sa kanilang bahay, may kausap ito sa telepono. At samantala naman sina Kate at Abby ay naroon sa kusina at nagkaroon silang makapag usap na magkaibigan.
.
Kate : Abby, may hindi ba ako nalalaman?
Abby : Ha, ano naman, wala naman ah.
Kate : Abby, matagal na din tayong magkasama bilang magkaibigan, para na nga din tayong magkapatid..kaya alam ko na yong saya at ngiti mo nang dumating si Vince.
Abby : Hala grabe ka kate, ano ba naman yang pinagiisip mo.
Kate : eh anong ibig sabihin ng mga ngiti mo ng iabot sayo ni Vince yong flower.
Abby : ay naku kate, wala yun, syempre masaya ako dahil kompleto tayo ngayon.
Kate : May gusto ka ba kay Vince?
.
At samantala naman sa pag uusap nilang dalawa ay–
.
Vince : Narinig ko yong pangalan ko na binabanggit ninyo ah..pinaguusapan ba ninyo ako, at sino ang may Gusto sakin ha kate?
.
Nataranta si Abby, sobrang lakas ng kalabog ng puso niya. Paano na daw kung narinig ni Vince yong sinabi ni Kate!!
Itutuloy
.
Maraming salamat po sa lahat na patuloy na sumusubaybay sa kwento ko..❤️❤️❤️






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Not a bad article, did it take you plenty of your time to consider it?

Leave a Reply


top