THE STORY OF US CHAPTER 14


Natulala sya sa ngyare. Hindi sya makakilos sa kinauupuan at tulala lang kay Jax sa harap nya na tulala din.Nakahawak pa sya sa bibig nyang napanganga sa gulat.
Di naman nya alam na haharap si Jax! Pagkasabi sa kanya ni Burn na halikan nya kung sino man gusto nyang lalaki ay walang pagdadalawang isip na si Jax kagad yun. Of course! Sa bestfriend nya sya komportable.
“Oh maygad!” tili ni Mira na kilig na kilig ang nagpagising sa kanila.
Nakita nya napakurap si Jax at di pa din alam ang gagawin. Sya naman ay di makatingin ng diretso dito.
“Excuse guys. Cr lang ako.” paalam nya sa mga ito. At dali dali syang tumayo at tumakbo papasok ng bahay at dumiretso sa common bathroom sa tabi ng kusina.
Pagtingin nya sa salamin ay nakita nya ang grabeng pamumula ng mukha nya. Napahilamos sya ng tubig. Ganun pa din pulang pula pa din sya.
Napahawak sya sa labi.
“Ang first kiss ko. Wala na.” mangiyak ngiyak nyang kausap sa sarili sa salamin.
“Mama di na ko bata. May naka kiss na saken” kausap nya pa sa sarili.
Nang maalala nyang si Jax ang unang nakahalik sa kanya ay medyo gumaan ang pakiramdam nya.
“Atlist hindi sa kung sino sino lang nabigay ang 1st kiss ko.” sobra ang bilis ng tibok nya ng maalala ang reaction ni Jax. Tulala ito at pulang pula ang tenga.
“Hala. Baka magalit si Babs saken. Wala na din syang 1st kiss.” nag aalala nyang tanong.
Napagpasyahan nyang lumabas na at kausapin si Jax para magsorry sya. Ayaw kong magalit sa akin ang bestfriend ko.
Pag bukas nya ng pinto ay nagulat sya ng maabutan ang nag aalalang mukha ni Jax ang naabutan nya. Agad na nangilid ang luha sa mga mata nya ng maalalang baka galit to sa kanya.
“Babs..” tumulo na ang luha nya. Nataranta naman ito at agad syang nilapitan at niyakap.
“Shhhh.. bakit ka ba umiiyak Nana? Sorry na sa ngyari di ko yun sinasadya.” pag aalo nito sa kanya.
Umiling iling sya. ” Sorry Babs. Sorry kung nawala na 1st kiss mo dahil sa akin.” hinging tawad nya dito habang patuloy na lumuluha. Ramdam nyang natigilan to.
“Dahil dun kaya ka umiiyak?” mahinang tanong nito tonong di makapaniwala.
Nilayo nya ang muka nya sa dibdib nito at tiningala ito. Hindi pa din sila naghihiwalay ng yakap.
Tumango sya. “Opo. Baka kasi galit ka saken kasi wala ka ng 1st kiss. Dapat sa girl friend mu yun ibibigay.” nakanguso pang sagot nya dito. Nagulat sya sa biglang pagtawa nito.
“Silly! Hindi ako galit. Ikaw pa ang inaalala ko na baka galit sa akin. Sorry Nana.” sinserong hingi nito ng patawad.
“Hindi. Hindi ako galit. Ikaw naman yun eh. Ok lang sa akin. Basta ikaw masaya pa din ako kahit wala na yung 1st kiss ko.” inosenteng paliwanag nya dito. Natawa naman ito. At kita ang tuwa sa mga mata.
“Paano kung ibang lalaki yun? Anong magiging reaction mo?” tanong nito sa kanya.
“Baka masampal ko. At maiyak ako sa galit at pandidiri.” kinikilabutan na sagot nya dito. Di nya maimagine na may ibang lalaki ang hahalik sa kanya. Natawa ulit ito.
“Eh bakit pag ako?” natatawa pang tanong ulit nito.
“Bestfriend naman kita. Mas ok na sayo kesa ibang lalaki pa. Saka pangako ko sa sarili ko na lalaking mapapangasawa ko lang ang makakahalik sa akin. Pag ikaw may exception.Di ako magagalit pag ikaw.Kaya natakot ako baka galit ka kasi baka may ganun ka din na pangako sa sarili mo.” mahabang paliwanag nya dito. Habang nagsasalita sya ay nakayuko lang ito sa kanya at kitang kita nya ang saya sa mata nito.
“Wag kang mag alala Nana.Tutupadin natin yang pangako mo. Haay naku ang inosente pa talaga ng Lyna ko.” makahulugang sabi nito at...


niyakap na naman sya.
Nagtaka na naman sya sa sinabi nito. Anong ibig sabihin ng sinabi nito na tutupadin na pangako? Saka tinawag na naman syang Lyna ko Nito.
“Lyna ko. My Lyna” lalong bumilis ang tibok ng puso nya sa mga naisip.
Humiwalay na ito ng yakap sa kanya at niyaya na syang lumabas. Hinawakan pa nito ang kamay nya ng magsimula na silang maglakad.
Pagbalik nila sa labas ay nagkkwentuhan na lang ang mga ito. 9pm pa lang maaga pa para matulog sila.Napatigil ang mga ito sa kwentuhan at napatingin sa kanila lalo na sa magkahawak nilang kamay.
“OH ANO KAYO NA?” mapang asar na bungad ni Mira sa kanila pagbalik nila ni Lyna sa labas.
“B*liw! Manahimik ka nga Mira!” napipikon na sagot naman ni Lyna.
“Guys tigilan nyo na.” nakangiting suway naman nya sa mga ito. Mapupunit na ata ang labi nya sa sobrang ngiti dala ng sobrang kasiyahan. Walang sinoman ang makakasira ng gabi nya ngayon.
Inamin nyang nag alala sya na baka galit ito sa kanya dahil sa nangyari. Kaya ng matauhan sya kanina ay dali dali nyang sinundan ito papasok at nakita nyang pumasok ito sa cr. Habang naghihintay sya sa labas ay di sya mapakali. Palakad lakad sya sa tapat nito.
Napahawak sya sa labi at napangiti na naman ng walang sa oras.
‘D*mn. Ang lambot ng labi ni Lyna.’ wala sa sariling sabi nya sa utak. Nagrereplay na naman sa isip nya ang nangyari.
‘Kahit anong mangyari papanagutan ko yan Lyna hahah’ natawa sya sa sariling naisip.
Maya maya ay narinig nyang nagbubukas na ang pinto ng cr. Bumalik ang pag aalala nya sa reaction nito. At nabalot sya ng pagkabahala ng makitang maiiyak na ito.
‘Don’t cry My Lyna. Nasasaktan ako.’
Nang marinig nya ang dahilan ng paghingi nito ng tawad ay saglit syang natigilan at di makapaniwala. Buong akala nya kaya ito umiiyak ay dahil di nito matanggap na nahalikan sya. Nawala ang mumunting kirot na naramdaman nya sa puso at napalitan na iyon ng tuwa.
‘Ang inosente talaga ng babaeng to. Lalo ako naiinlove haha’ tuwang sabi ng isip nya.
Masaya sya. Masayang masaya. Lalo na ng marinig nya ang pangako nito sa sarili ukol sa 1st kiss. At pinangako din nya sa sarili na tutupadin nya yun.
“Pre may video ako ng pangyayari. Gusto mo?” mahinang bulong ni Tony sa tabi nya nakapag balik sa kanya sa kasalukuyan.
“Sira ka. Sinong kumuha?” balik bulong nya dito.
“Si Angela. Expected na daw nya kasi na ikaw ang hahalikan ni Lyna kaya ni video nya haha” malokong sagot nito. Natuwa naman sya sa narinig.
“Nice.Send mo sa akin mamaya.” Tawang tawa si Tony sa sagot nya at natawa na din sya.
Naramdman nyang kinalabit sya ni Lyna at nilingon nya ito.
“Bakit kayo nagtatawanan?” parang bata na tanong nito.
“Wala Nana. May sinabi lang na kalokohan si Tony. Gusto mo kumaen?” pag iiba nya ng usapan dito para di na mag usisa pa.
“Gusto ko ng matamis Babs.” nakangusong sagot nito.
‘Cute. Sarap ibulsa. Haha’ sabi nya sa isip.
“Kuha kita ng dessert sa loob. Alam ko meron pa nung dala na tart ni Mira sa ref. Wait lang po.” paalam nya dito.
“Ok. Thank you Babs!” masayang sagot nito.
Pag tayo nya ay nakita nyang dali daling nilapitan ni Mira at Angela si Lyna.
“Hep! kung mang aasar kayo ay wag nyo ng ituloy!” rinig nyang suway ni Lyna sa mga to.
Tuluyan n syang nakapasok sa bahay kaya di na nya narinig pa ang sagot ng dalawa.
Narinig naman nyang tumunog ang phone nya at sinilip kung sino ang nagtext. Nagtaka sya ng makita ang unknown number. Lalong napakunot ang noo nya ng mabasa ang text nito.
“Hi Jaxy! I miss you! See you soon 😘”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top