Truth or Dare


Truth or Dare
Author: Miss_Pc
Genre: Horror
||PROLOGUE||
Nadito ako ngayon sa kabinet nag tatago habang umiiyak at biglang kumulog ng malakas na syang nagpatakot sakin.
Pilit kong pinapatahan ang aking sarili upang Hindi makagawa ng kunting ingay. Takip takip ko ang aking bibig habang naka silip sa maliit na butas.
Wag kang umiyak, ina patatagin mo ang sarili mo! Kagat kagat ko ang aking labi dahil sa takot.
“Bogshhhh”
Nagulat ako ng mayroon akong narinig na malakas na tunog, tunog na parang may itinapon.
“Tulong” may narinig akung boses na pamilyar.
Niña!
Kagat labi kong binuksan ng bahagya ang pinto ng kabinet kahit akoy nanghihina na dahil sa mga pasa at sugat kong natamo sa taong nakamaskara.
Nilibot ko ang aking paningin na medyo
Walang maaninag dahil sa dilim ng paligid, maya-maya may narinig nanaman akong ingay, mas malakas na ito kaya dali dali kong sinara ang ang pinto at takip takip ang aking bibig.
“T-ulong, tulong!”
Kinikilabotan na ako at pinagpawisan ng malamig at napakabilis na ng tibok ng puso ko.
Sorry natatakot ako!
Bigla nalang tumahimik at tumila na ang ulan at hindi ko na narinig ang babaeng humihingi ng tulong, wla akung marinig kundi ang tibok lng...


ng aking puso.
Dugdug dugdug dugdug!
Balak ko na sanang buksan ulit ang pinto ng bigla nalang itong bumukas “t-ulong” natakpan ko nalang ang aking nga mata dahil sa duguang mukha ng bumungad sa akin.
“T-ulong” namamaos na umiiyak ang boses nito.
Dugdug dugdug dugdug!
Hindi ko pa rin ito matignan dahil sa nakakatakot nitong mukha.
“T-tulongan mo ako” pagsusamo pa nito sa akin.
Dugdug dugdug dugdug!
“Niña–ahhhhhh!!” napasigaw ako at bigla nalang bumagsak sa akin ang duguang ulo ni Niña.
Napayuko ako at napa hagulgul ako habang
Tumutulo ang malapot na dugo nito sa aking katawan.
Bakit sa amin pa nangyari ito!
Pilit kong pinapatahan ang aking sarili ng biglang may narinig akong naglalakad at natigilan ako ng may bota na sa aking harapan.
Dugdug dugdug dugdug!
Hindi ako nakakpagsalita at napaiyak na lang ako ng tahimik ng bigla na lang nya ipokpok iyun sa ulo ko.
“Bogshhhh!”
Naramdaman ko na lang na may tumulo ns sa aking mukha na likido at bumagsak na ako at nanlabo na ang aking mata kaya pumikit na ako.
Bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko pa itong bumati “maligayang kaarawan, kapatid!” At nawalan na ako ng malay.
Next or delete?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top