NINAKAW NA SANDALI COntinuation of Chapter 6


Lalo pa Tuloy siya naistatwa nang Makita ang imahe ng lalakeng nagmamay-ari ng sasakyan. Hindi siya makapaniwala na makakakita siya na ganitong Klase ng lalake na tila para sa kanya ay perpektong nilalang na. Napakagwapo nito…
“Miss .”
Halos mangunot ang noo ni Jiro sa presensyang nakita niya sa babaeng muntikan na niyang mabangga. Tulalang-tulala kasi ito sa kanya.
“Bella.”ani ng kasama nitong babae
At tila ngayon lang ito natauhan sa pagyugyog ng kasama.
“Wala yata sa sariling katinuan.”naisambit ni Jiro sapat para mapabaling ito sa kanya
“Naku..pasensya na.”anas nito sa kanya”Hindi ko kasi-”
“Bella Huwag ka na ngang humingi ng pasensya sa supladong lalakeng yan. Halika na!Kailangan na nating makarating sa Munisipyo.”
“Pasensya talaga..”muling sambit ng babaeng muntikan na niyang mabangga
Hinila na ito ng kasama nito palayo sa kanya. At Saka lang siya napapailing na bumalik na rin sa sasakyan. NGunit di niya maiwasang muling tingnan ang babae na muntikan na niyang mabangga. Nagawa pa siya nitong lingonin at ngayon lang yata niya napansin na tila May hawig ito sa babaeng iniibig niya.
NAng maalala na si Shanaira Pala ang sadya niya rito sa San Juan ay binuhay na niya ang kanyang sasakyan para makaalis sa kalsadang ito.
Para pa...


rin na lutang ang isip ni Bella na Hindi pa rin mawala sa kanyang utak ang imahe ng lalake kanina sa May kalsada. Napahawak siya sa kanyang dibdib at tila malakas ang tibok niyOn.
“Hoy Bella di ka pa ba move on diyan.”puna ni Chacha sa kanya
“Ang gwapo niya Chacha..Para siyang isang Greek God na bumaba rito sa lupa.. Ano Kaya ang pangalan niya?”di niya maiwasang mapatanong sa sarili rito
“Gwapo nga siya Bella Pero pangit naman ng ugali.”
“SAbagay May punto ka naman diyan. Mukha nga siyang suplado”nasabi na lamang ni Bella rito Pero di pa rin niya maiwasan na hangaan ang lalakeng iyon sa pisikal
Para kasing nakita na niya ang mukha ng lalakeng iyon..Hindi niya nga lang alam kung saan at Kailan.
Tilian at sigawan ang naagaw pansin agad nila ni Chacha rito. At dahil ososyosera silang magkaibigan ay agad nilang tiningnan kung ano ba ang pinagkakagulohan sa labas. Sumilip agad sila sa harap ng munisipyo.
“OMG! Ang gwapo Pala talaga ng Fiancee ni idol Shanaira. Bagay na Bagay silang dalawa…”yan agad ang mga salitang narinig ni Bella sa mga kababaehan na nasa labas
Ang kaninang paghanga na naramdaman niya sa lalake ay parang naglahong bula. DAHIL May fiancee na ito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top