LARO LANG PALA, SANA SINABI MO SASABAYAN AT SASAMAHAN PA SANA KITA


Real talk tayo sa panahon natin ngayon. Lalo na kung ang pag-uusapan ay damdamin at puso. Tao at pagmamahal. Marami ang nakikipag laro ngayon sa pag-ibig. Matira at matibay. Matalo at manalo. Masasaktan ka o magiging masaya.
Sabihin mo? Ang daya ‘di ba? Kasi bakit gan’on? Bakit para sa kanila ginagawang laro ang pagmamahal. Dahil daw sa, trip nila. Walang magawa sa buhay, bored at lutang lang daw sila wala sa sariling pag-iisip. Pampalipas oras at libangan sa nakakapagod na mundo. Pati na sa sarili.
“Alam, ko na ang totoo. Alam ko na lahat. Lahat-lahat. Alam ko na. Kaya, ngayon sabihin mo na ang totoo sa akin. Basta h’wag mo lang subukang magsisinungaling,” wika ko sa katahimikang nakabalot sa amin. Nagtutubig na ang mga mata ko at mas lalo pang bumibigat ang pakiramdam ko.
“Alam ko. Alam ko na malalaman mo rin ang totoo pero hindi ko lang inaasahan ‘to. I’m sorry. Sasabihin ko na sana naunahan mo lang ako,” turan niyang nakayuko dahilan para mapatayo ako sa galit, inis at sakit na nararamdaman ko.
“Taena, bakit ako? Bakit ako? Ryel? Ang nagagawa mong paglaruan? Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng tao sa mundong, sa bilyon-bilyong babae sa mundong ito. Bakit ako pa? Ang bait ko, Ryel. Sobrang bait ko, pero bakit ako? Bakit? Kasi ang daya. Kasi sobrang sakit. Ang sakit-sakit.” Nakakamatay ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sabihin ko mang kaya ko. Pero hindi. Hindi dahil sobrang sakit.
Masakit mapaglaruan lalo na pag seryoso ka at totoo ka sa nararamdaman mo para sa kaniya. Kung sasabihin mong mas masakit lokohin at ipagpapalit. Masakit din naman mapaglaruan. Lalo na pag ‘yung pagmamahal na nararamdaman mo. Una mo pa lang nararanasan sa buong buhay mo.
“Hindi ko, alam. Zayne, kaya patawad kung ikaw ‘yung napili kong paglaruan. Bored kasi ako, Zayne. Kaya naghahanap ako ng mapapagtripan ko. Prank lang ‘yun para sa ‘kin. At sadyang wala ako sa pag-iisip lutang lang ako no’n, Zayne.”
“Bored? Prank? Lutang? Ako pa talaga ang napagtripan mo? Nanahimik ako. Tahimik buhay ko, e. Pumasok ka, ginulo mo. Ang sama-sama mong tao, Ryel. Sobrang sama mong tao. Bakit? Sino ka ba para saktan at paglaruan ako. Inaakala mo bang sa pagmamahal laro lang? Na gan’on-gan’on lang manakit ng tao? At ako pa? Na inosente. Na walang kaalam-alam at kamalay-malay‽” Hindi gan’on ang matinong taong nagmamahal. Baliw ‘yon kasi ginawa kang laruan at pampalipas oras niya.
“I’m sorry, Zayne. Pero, Zayne, totoong minahal kita. Minahal kita ng totoo, Zayne. Mahal na mahal kita. So, please, Zayne forgive me. Please stay with me.” Stay? Ano pa ang dahilan ko para mag stay sa kan’ya. Nagsinungaling siya. Nasaktan niya ako nang higit pa sa sakit na meron ngayon na siyang iniinda ko, sa buhay ko. Wala na, hindi na.
Nagmahal ka lang naman. Minahal ka tapos minahal mo lang pabalik. Tapos gan’on na lang sa huli? Oo, normal masaktan pero dapat ba ganong klaseng sakit ang dapat mong maranasan? Para sa’kin, Kailangan ka bang saktan? Bakit gan’on? Sana pala hindi na lang sila magmamahal kung mananakit at ang idudulot nila ay sakit lang pala.
“Laro lang pala ang lahat. Ang pagmamahal mo sa akin. Hinanap...


at tiningnan mo pala ako bilang laruan mo. Pampalipas oras mo. Hindi dahil gusto mo ng taong mamahalin mo. Laro, lang pala sana sinabi mo sasabayan at sasamahan pa sana kita. Kaso hindi mo kasi sinabi. Ikaw lang tuloy ‘yong nasisiyahan.” Natawa pa ako ng pagak. Kasabay nang mga luha kong pumapatak. Napahawak ako sa puso kong parang tumitigil na sa pagtibok at pagpintig. Ang sakit. Sobrang sakit.
“I’m sorry, Zayne. H’wag mong sabihin yan alam kong ilang araw na lang mawawala ka na sa mundong ito, Zayne hindi ko ‘yon kaya.” Kusa sana niya akong lapitan para alalayan at hawakan dahil ano mang oras matutumba at mawawalan na ako ng malay at hininga.
“D-dahil sa ‘yo. N-ntatakot na a-wkong m-magmahal. D-dahil sa ‘yo a-ayoko nang m-magtiwala. D-dahil sa ‘yo a-yoko nang t-tumanggap nang taong m-mamahalin ko’t m-mamahalin ako. D-dahil sa ‘yo a-yoko ko na sa p-pagmamahal at p-pag-ibig. D-dahil p-pglaruan lang a-ako,” kandautal-utal ay sabi ko sa kaniya. Nahihirapan akong magsalita. ‘Yong puso ko kasi unti-unti nang sumisikip sa sakit. May sakit kasi ako sa puso. Sobrang lala na nito. Pakiramdam ko maging huling araw ko na ‘to.
“Z-zayne, a-anong nangyari sa ‘yo? Z-zayne, h’wag ka n-nang m-magsalita, please, Z-zayne. L-lmaban ka. Z-zayne. M-mahal kita. Z-zayne, h’wag k-kang m-mawala sa akin. Z-zayne, wala na ata a-akong m-mahahanap na kagaya mo. So, please, Zayne. Please. L-lumaban ka. P-patawarin mo ako, Z-zayne.” Umiiyak na sabi niya habang nakahandusay na ako sa mga braso niya. Tumulo ang mga luha ko. Ang sakit.
“S-salamat sa p-pagmamahal mo. D-dahil sa ‘yo h-hindi na a-ako matatakot m-mabawian ng buhay. I-kkaw lang ang t-tanging d-dahilan ko k-kaya p-pinipilit k-kong mabuhay. K-kaya rin ‘di ko s-sinabi sa ‘yo ‘to d-dahil ayoko na m-mag-alala ka. P-pero, s-sinaktan mo ako sa laro mo. S-sobrang s-sakit ng laro ?m-mo. H-hindi ko k-kaya. K-kaya, w-wala na akong d-dahilan para m-mabuhay pa. D-dahil sa ‘yo h-handa na akong iwan ka at ang m-mundong ito. H-handa na ako.” Utal-utal na aniya kong sumusuka na ng dugo. Unti-unti na ay naging malabo ang paningin ko. Gusto ko ng pumikit. Gusto ko nang matulog.
“Zayneeeee” rinig kong sigaw niyang niyuyugyog ako. Hindi ko na kaya. Ito na ang oras ko.
“M-mahal kita, k-kahit s-sobrang sakit ng g-gnawa mo. H-hnihiling ko. I-in a-another l-life I w-would b-be your girl, a-again.” Matapos ang salitang iyon na nilabas ko’t sinabi sa pinakamahinang boses. Nawalan na ako ng malay. At naputulan na ako ng hininga.
Life is too short. Always choose happiness. Piliin mo lagi ang sumaya sa araw-araw at sa mga oras na lumilipas. Minsan, hindi mo kailangan mag sakripisyo o isakripisyo ‘yung saya at ligaya. Dahil lang sa ibang bagay o tao. Alam mo kung bakit? Dahil hindi natin alam kung hanggang saan lang tayo. Oras at panahon ang magdidikta no’n hindi tayo. Masakit pero, ‘yun ang totoo.
H’wag kang matakot magmahal at sumugal. H’wag kang matakot maging masaya dahil lang sa sinasabi ng iba at iniisip mong masasaktan ka. Basta h’wag mo lang paglalaruan ang damdamin at puso ng isang tao. Dahil hindi mo alam kung ano ang pinakamasakit at pinakahirap na ibabalik no’n sa ‘yo. Lalo na si karma.
________
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Slisam

Leave a Reply


top