Our Secret


Genre : Romance
Author :Jess
Prologue
Minsan sa buhay may mga bagay na nangyayari gustuhin man natin o hindi
Pigilin man natin ay hindi mapipigil
Ilihim man natin ay hindi na malilihim pa dahil kusa itong lumalabas , kusang natutuklas
●•●
Napatitig ako sa lalaking nakaupo sa harapan ko , nasa isang cafeteria kami ngayon , magkatinginan hindi alam kung sinong unang magsasalita , bumilis ang tibok ng puso ko , napailing ako , ang puso kong matagal ng kinalimutan ang nararamdaman ay muli na namang naghuhurumento , napakayraydor !
Ilang taon na nga ba ang lumipas ?
Matagal tagal din ng huli tayong magkita
Napatawa ako ng pagak , dahil nagsisimula na naman ang aking imahinasyon , ang imahinasyon kong nangdala sa akin sa masakit na katotohanan
No ! Hindi ngayon ! Ang hirap makalimot please huwag ngayon ..Bulong ko sa isip ko
Inaamin ko , wala padin syang pinagbago , tila ba walang kupas , ang mukha nyang perpekto ang pagkakalikha , ang mata nyang walang bibig pero ang daming sinasabi , ang ilong nyang matangos , ang kilay nyang nagsasalubong kapag nagagalit pero napakaamo sa totoo , ang labi nyang namumula ,...


walang kupas …
si Rashard Dweyn
Mataman nya akong tinitigan , mariin , tila ba iritado , pinanatili kong prente ang upo ko , ngunit maya maya pa ay bumuntong hininga sya at nagbaling ng tingin sa labas ng cafeteria , saka nya ibinalik sa akin ang tingin , ang kaninang iritado ay napalitan ng malambot ng ekspresyon , tila ba nasasaktan at frustrated . Bumuntong hininga sya bago nagsalita
” Bumalik kana sa bahay …” deretso nyang sabi na nagpahinto ng pagtibok ng puso ko
Tumayo ako at kinuha ang bag ko at walang sabi sabing tumayo ” Kung yan lang ang sasabihin mo ay aalis na lang din ako , mas madaming importanteng pasyente ang nag hihintay sakin sa hospital ” tumalikod na ako at akmang lalakad na ng pigilan nya ako
” Hindi ko sinabing saakin ka babalik , ang sinabi ko ay sa bahay … para kay Mom hindi para sakin ..” sa sinabi nyang iyon ay nanigas ako sa kinatatayuan ko at natigilan
Para kay Mom lang …
Katulad na dahilan , mula noon .. hanggang ngayon ba naman ?
React and Comment po para sa susunod na chapter ❤






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Its ridiculous how much more attention I receive from the other gender now that I drink protein shakes!

  2. Thanks pertaining to taking turns the following excellent subject matter on your website. I came across it on the internet. I will check to come back when you publish much more aricles.

  3. maganda ang novelang ito tuloy natin ang susunod na kabata upang masiyahan tayong magbasa ..salamat po

Leave a Reply


top