The Choosen ONE Continuation of Chapter Disi Syete


“Ah anu kasi iha…..
Nadeline mainit ang ulo ni Thriod ngayon.At kapag ganon wala ni isa mang pumapangahas na pumasok sa kwarto nya o kumatok man lang sa pintuan lalo pa’t hindi nya pinapatawag”.
Mahabang paliwanag ni Manang Isang sa dalagang nakakunot ang noo.
“Wag po kayong mag alala Manang Isang.Wala pong gagawing masama sa akin si Thriod.Sinisigurado ko po yan sa inyo.Kaya sige na po payagan nyo na akong pumunta.May importante lang po akong sasabihin”.
Pagmamakaawa nito at dahil na rin sa ayos Ng dalaga eh kahit na may pangamba ang matanda pumayag ito.Siguro naman ay hindi nya masasaktan ang dalaga.Lalo pat nakikita nya kung paano alagaan at pakitunguhan ng binata ang babae.Ibang iba sa trato nito kay Argentina dati.
“Salamat po”masayang wika ng dalaga habang patakbong tinungo ang silid ng binata.
Napahawak sa pader ang matanda sa sobrang kaba.Nagdadasal na sana ay walang mangyareng masama.
“Manang isang pinayagan mo si Ma’am ?
“Ay...


palakang baka!!!!!napasigaw sa gulat Ang matanda sa biglang pagsulpot ng dalawang katulong.
“Ano ka ba naman Hilda papatayin mo naman ako sa gulat”.sermon sa kanya ng matanda
“Eh pasensya na Manang Isang.Pero bakit nyo pinayagan si Maam?Naku naku Manang kargo de konsensya mo pag nagkataong may mangyareng masama kay Ma’am Nadeline.
Napapalatak na wika nito.
“Kasalanan ko na nga eh.Bakit kasi makulit ang batang iyon”.ani ng matanda habang tanaw tanaw ang dalagang nasa harapan na ng pintuan ng kwarto ni Thriod.At walang katok katok na ginawa basta lang pumasok.
Sabay sabay pang napasign of the cross ang mga ito.
“Thri………”agarang banggit ng dalaga sa pangalan ng binata pagkapasok pero di na ituloy dahil sumigaw ang binata.
“I said don’t enter in my fucking room without my permission!!!?????sabay hablot ng baril nito sa mesa sabay harap at pinaputukan ang pangahas na pumasok sa kwarto nya.Apat na putok ang umalingngaw ngaw sa mansyon na iyon.
πŸ’žSo badπŸ’ž






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top