CRAZY EX-WIFE CHAPTER 32


– MARK –
Napauwi ako ng maaga galing sa trabaho dahil nalaman kong hindi pumasok si blessy at kumukulong lang sa kwarto.
” Blessy open the door please??” Nakikiusap ako sa kanya pero hindi nya ako pinapansin. Nag-aalala ako dahil nitong mga nakaraang araw nawalan talaga ako ng time sa kanya kaya baka may pinagdadaanan na sya at hindi nya lang masabi sakin dahil tinuon ko muna ang atensyon ko sa trabaho
Kinuha ko ang susing nakatago sa drawer para mabuksan ang pinto nya. Nakatalikod sya sakin pero umiiyak sya. Kahit di ko pa man nalalaman ang dahilan ay ramdam ko na ang sakit sa bawat hikbing naririnig ko sa kanya . Lumapit ako sa kanya at agad nya akong niyakap
” P-papa .. ” hinaplos ko ang likod nya para patigilin sya sa pag iyak
” Bakit umiiyak ang prinsesa ko? ”
” Bakit masakit magmahal? Sobrang sakit ”
” Sinaktan kana agad ng Reyden na yon? Kaya ka umiiyak dahil sa kanya? ” hindi nakasagot si blessy kaya alam kong sya nga ang dahilan. Uminit agad ang ulo ko. Wala palang isang salita ang lalaking yon e!
” Tinanggap ko sya dahil sinabi mong masaya ka sa kanya pero kung ganyan naman ang nangyayare sayo may kalalagyan sya sakin!”
” Pa! Anong gagawin mo? ”
” Stay here. Wag kang umiyak. Wag mong iyakan ang mga taong hindi karapat- dapat iyakan. Ang lalaki hindi nananakit ng babae. ”
” Pa magiging okay rin ako. Wag mo na ituloy ang binabalak mo please? Pipilitin ko nalang sya kalimutan ”
” Dapat lang na kalimutan mo na sya dahil kung hindi mo gagawin yon, lilipat ka ng ibang school. Pero bago mo sya kalimutan, tuturuan ko muna sya ng leksyon. Nagkamali sya ng sinaktan blessy. Ayokong sinasaktan kalang ng kung sino- sino !”
” Pa no! Wag na! Wag mo na ituloy ang binabalak mo! Kaya nga ayaw ko sana ipaalam sayo dahil alam kong magagalit ka sa kanya.”
Agad akong umalis para puntahan ang Reyden na yon at habol naman ng habol si Blessy pero ayokong papigil sa gagawin ko. Gagawin ko lahat para protektahan sya at walang karapatan ang kahit sino na paiyakin ang anak ko.
” Nasan si Reyden?! ” Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob ng classroom at wala manlang pasintabi sa professor nila.
” S-sino p0 sila?” Tanong sakin ng professor pero wala akong panahon magpakilala sa kanila.
” Pa! U-umuwi na tayo please? N-Nakakahiya sa kanila. P-Pasensya na po prof, classmates. Papa ko po sya. ” hingal na hingal si Blessy kakahabol sakin
” Umupo ka dyan! Wag mo akong turuan kung ano ang gagawin ko! Kailangan malaman ng lahat na walang pwedeng manakit sayo. ”
” Pero pa… Sobra na to. ”
” Mister, baka pwede naman pong pag usapan natin ng maayos ito. Problema naman po siguro ng mga bata yan at wag na p0 sanang panghimasukan pa ng mga magulang para wala na p0ng gulo” patawarin na ako ng professor nato pero hindi ko kailangan ng opinyon nya.
– Lance Reyden –
Inutusan ako ng prof namin na kumuha ng libro sa library kaya pumunta ako at nakaramdam ako ng gutom at dumaan muna ako sa cafeteria.
Medyo malayo pa ako pero nakikita ko na agad ang mukha ni Blessy. Humabol pala ito sa klase kala ko absent na sya . Habang papalapit ako ng papalapit napapansin kong parang umiiyak sya. Aist! Babae talaga nato ! Gusto nya pahirapan ang damdamin ko araw-araw. Hirap-hirap na nga nyang iwasan magdadrama pa sya. Gaya ng dati, kahit masakit kailangan ko nanaman dedmahin to . Sa kinakain ko lang tinutuon ang atensyon ko para hindi kami magkatinginan.
” S-Sa library p0 kasi si Reyden Sir” rinig kong sabi ng isa kong kaklase. Sinong naghahanap sakin?binilisan ko ang paglakad ko papasok sa room at may bigla nalang humablot sakin at sinandal ako sa pader. Tiningnan ko ang pagkain kong kumalat sa sahig kaya nainis ako. Ano bang problema ng lalaking to? Para nya na akong kakainin sa mga tingin nya palang sakin.
” Bakit mo sinaktan ang anak ko?! Pinagkatiwalaan kita dahil ang sabi mo meron kang isang salita! ”
Ahh nalaman nya na pala. Tingnan mo nga naman ang magaling kong ama. Bakit hindi nya kaya maisip na baka nagmana lang ako sa kanya. Dahil nananalaytay sakin ang pesteng dugo nya. Kung pwede lang pumalit ng dugo ginawa ko na...


e. Umaasta ako sa harap nya na parang wala lang sakin ang ginagawa nya dahil gusto kong damhin nya ang sakit. Mas maganda nga palang nangyare ito para maranasan nya rin ang masaktan. Nagagalit sya sa tunay nyang anak para lang ipagtanggol ang anak nya sa labas. Nakakatawa. Ngumisi ako para insultuhin sya. Lalong humigpit ang paghawak nya sakin.
” Pa .. pa, tama na please??? Wag mong gawin to kay Reyden ” pagpapakiusap ni Grace. Wala akong nararamdamang takot sa kanya. Gusto ko nga na saktan nya ako para magpatong-patong na ang mga kasalanan nya sakin at kamuhian ko sya habambuhay . Para pag dumating yung time na malaman nya ang totoo mamatay sya sa pagsisisi.
” Hayaan mong saktan ako ng papa mo dahil talaga namang niloko kita. Umaamin nako sa kanya ngayon. Niloko ko nga po ang anak nyo Sir. Pasensya na po kayo pero hindi ko kase kaseryo-seryoso ang anak nyo e ” masakit ang salitang binitawan ko pero ang alam ko lang, ang gusto ko ngayon, pare-pareho kaming magdusa. Hindi totoo ang mga sinabi ko tungkol kay Grace pero para ito sa papa nya. Sya kasi ang kahinaan ng walang kwentang taong ito!
Nangyare na nga ang gusto kong mangyare . Pinatamaan nya na ako. Sobrang lakas nun at ramdam na ramdam ko ang galit nya. Salamat sa pananakit nya at uminit narin ng tuluyan ang dugo ko sa kanya na kanina ko pa pinipigilan.
” That’s enough! Tumawag kayo ng security! ” Utos ng prof namin dahil sa eskandalong ito.
” Ang totoong lalake hindi nananakit ng babae!! ”
” Bakit? Ni minsan ba sa buhay mo hindi ka nanakit ng babae ? Sigurado ka? Baka mas masahol kapa sakin! Ang mapanakit galit sa kapwa mapanakit! ” Pagsasabat ko sa kanya
” Kung alam ko lang na ganyan pala ang ugali mo hindi ko hinayaang makalapit sayo ang anak ko! Wala kang galang! Wala kang respeto! Ang mga babae nirerespeto naiintindihan mo?! ”
” Sana yang mga sinasabi mo ina apply mo rin sa sarili m0! Wag nyo akong turuan dahil hindi ka naman guro! At wag mo akong pagsalitaan ng kung ano-ano dahil wala ka namang ambag sa buhay ko!
” security! Palabasin ang lalaking to! Nakaka istorbo sa klase. Reyden! Umupo kana at mag-uusap tayo mamaya! Ikaw naman mister, sumama kana sa security!”
” Hindi na kailangan! Aalis ako ng kusa . Reyden magkikita pa tayo at wag mong isipin na ayos na ang kaso mo sakin. Babalikan pa kita! ”
Kinaladkad nya si Grace paalis pero sumulyap muna sakin si Grace. Punong-puno ng sakit ang mga tingin nya sakin. Nainsulto ko nga ang papa nya doble naman ang balik sakin ng sakit na binitawan kong salita sa kanya. At lalo ko lang naramdaman ang sakit ng mawala na sya sa paningin ko. Hindi ko na magagawa ang mag sorry sa kanya kahit gustong-gusto ko para gumaan ang loob nya pero hindi ko na pwedeng gawin yon. Hindi ko kayang bawiin ang mga salitang nabitawan ko na.
– Blessy Grace –
Ang sakit nya talagang magsalita. Gustong-gusto ko parin sana syang pagtakpan para hindi na sya masaktan pero sya na mismo ang lumaglag sa sarili nya. Totoo pala talagang niloko nya ako. Akala ko, sabi-sabi nya lang yon para lang mag break kami. Ang sakit! Akala ko maaayos pa namin to. Hindi nya manlang inisip ang mararamdaman ko sa mga sinasabi nya. Wala na talaga kaming pag-asa. Nahihirapan lang talaga akong tanggapin.
Parang kilalang-kilala nya si papa sa mga pagsagot nya kanina. Para bang anlaki ng atraso ng papa ko sa kanya. Binabalik nya kay papa ang gawain nya para lang pagtakpan ang mga kasalanan nya sakin. Bakit nya naman pagsasalitaan ng ganon si papa e wala pa naman akong nakikilalang babaeng sinaktan nya.
” Nakita mo na ang tunay na kulay ng lalaking yon? Hindi sya mabuting impluwensya sayo! Kung ano man ang pinakita nya sayo noon, yun ay para mahulog lang ang loob mo sa kanya. Ngayon matuto kana blessy! Hindi lahat ng tao dapat pagkatiwalaan! ”
” Pa, may nasaktan kana bang ibang babae? Bakit parang kilalang-kilala ka ni Reyden?”
” Malay ko ba sa lalaking yon! Wala pa akong sinaktan. Hindi ako nananakit ng babae alam mo naman yon diba?”
” I’m sorry pa… Sana nakinig nalang ako sayo hindi sana ako nasasaktan ngayon”
” Ayaw kong saktan ka ng kahit sino anak. Mahal na mahal kita e. ”
Ang papa ko lang yata ang lalaking hindi ako sasaktan kahit na iniisip ni Reyden na hindi ako kaseryo-seryoso.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top