IT’S HER
GENRE: RANDOM
AUTHOR: che ryl
Nakatayo ako habang nakatingin sa malawak na karagatan. Anim na taon na ang nakaraan nong muli akong bumalik dito. Wala parin itong pinagbago…Maganda parin.
Maganda at payapa dito taliwas naman sa aking nararamdaman at nakaraan.
Naalala kopa kung gaano ako nasaktan sa lugar nato. Kung gaano ako umiyak at magmakaawa para lang hindi niya ko iwan.
Naalala kopa kung gaano ko kagustong kalimotan ang lahat ng alala ko dito. Mga alaalang masasaya at masasakit.
Sa pag hampas ng mga alon, sabay ding bumabalik ang aking mga alala sa araw na iyon.
—-flash back—-
Nandito kami sa tabi ng dagat para ipagdiwang ang aming second anniversary. Dito ko napiling isopresa siya kasi sabi niya gumagaan daw ang kanyang pakiramdam kapag nakakakita siya ng dagat.
“Ang ganda dito no… Gusto ko… dito tayo ikakasal” nakangiting baling ko kay Tana sa aking likoran. Hindi ito umimik kaya lumapit ako sa kanya
“Hey kanina kapang walang imik dyan, ok kalang ba?” nagtatakang tanong ko
Umiiling iling lang ito kaya binaliwala ko nalang ito at naglakad ulit.
“Clark ayaw kona”
Natigilan ako sa paglalakad at hinarap siya dahil sa gulat
“Huh?”
nagugulohang tanong ko sabay lapit sa kanya
“S-sabi ko…a-yaw kona”
nanginginig niyang ani kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang balikat para tumigil ang kanyang panginginig.
“Hey nanginginig ka! gusto mo bang bumalik na tayo?” takot kong tanong
“H-hindi… hindi…Clark” sigaw niyang ani sabay tanggal ng aking kamay sa kanyang balikat at umatras.
Kumonot ang aking noo at lumapit sa kanya
“Dyan kalang Clark” sigaw niya kaya napatigil ako sa paglapit
“A-ayaw kona clark…b-break na tayo”
nabasag ang kanyang boses dahil sa pag pag hikbi.
Tinignan ko siya ng maigi para tignan ko kung nagbibiro ba ito. Biglang kumalabog ang aking puso ng makitang seryoso ito.
“Naririnig mo ba ako Clark? Sabi ko Break-”
Agad ko siyang hinigit at niyakap ng mahigpit para di niya lang matapos ang kanyang sasabihin.
“Baby wag kang mag biro ng ganyan, di nakaka tuwa”
Mas lalo siyang humikbi kaya hinigpitan kopa ang pagkayakap sa kanya.
Ang tunog ng paghampas ng alon ay kasabay ng kanyang mumunting hikbi ang maririnig sa lugar na ito.
Nakayakap parin ako sa kanya ng mahigpit. Natatakot ako na baka kapag niluwagan ko ang pagkayakap sa kanya ay makakawala siya sakin…mawalan ng tuloyan. Ayaw kong mangyari yun… iniisip ko palang nasasaktan nako, pano pa kaya kapag nangyari, siguro mababaliw nako non.
“C-clark” nabasag ang kanyang boses dahil sa kakaiyak niya kanina
Di ako sumagot. Natatakot ako sa susunod nyang sasabihin.
“Clark” tawag nya ulit sakin
Di parin ako sumagot. mas lalo kopang hinigpitan ang pagkayakap para pigilan siya sa susunod niyang sasabihin. Pero nagbumiglas siya at bahagya akong tinulak para makawala
“Clark bitawan moko” pasigaw niyang ani at tinulak ako ng malakas
Nakawala siya sa akin dahil sa lakas ng pagkatulak niya, agad naman siyang lumayo at umatras. Tinignan ko siya, ang kanyang masayahing mukha kanina ay naging seryoso ngayon. Napapikit ako at bumuntong ng mabigat na hininga
Agad namang nanlabo ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang tumolo dahil sa sakit na nararamdaman, agad ko naman itong pinigilan para di niya makita na mahina ako at nasasaktan.
Mabibigat na buntong hininga ang pinakawala niya bago siya nag salita ulit
“Clark…look…kailangan nating taposin to…kailangan nating palayain ang isa’t isa…kailangan mo akong pakawalan” nabasag ang kanyang boses sa huli nyang sinabi
Di ako sumagot. Di pumapasok sa aking isipan ang kanyang sinabi. Masakit isipin na gusto niyang makawala sakin
Umiiling iling ako habang lumalapit sa kanya
“Tana biro lang to diba?…biro-”
“Hindi ito biro Clark…totoo to… I’m breaking up with you” sigaw niya
Napaatras ako dahil sa gulat at bumuhos na ang kaninang pinipigilan kung mga luha. Di ako makapaniwalang gusto niyang makipaghiwalay sakin. Kahit kunti ay hindi sumagi sa aking isipan na dadating ang panahong makikipaghiwalay siya sakin
Umaasa ako…oo umaasa akong biro lang ito, kahit alam ko namang seryoso siya…pero sana naman biro lang… pero ngayon parang totoo ito…di ito kathang isip lang..totoo…at ang sakit
“Tana naman…w-wag naman ganito” hikbi ko
bahagya akong Lumapit sa kanya at siya naman ay umaatras. Masakit…masakit tignan na lumalayo na siya sakin…ang sakit di ko kaya
“Clark ayaw kona nga diba” sigaw niya
Napatigil ako sa pag lapit dahil sa sigaw niya. Napapikit naman ako at pinatahan ang sarili para di siya masigawan. Agad akong dumilat ng narinig ang kanyang mumunting hikbi
Ang sakit…na makita siyang umiiyak at nagmamakaawa sakin na palayain siya.
Lumapit ako para hawakan siya pero agad siyang umatras.
“Tana wag naman…diba nangako tayo sa isa’t isa, na walang iwanan, na…walang susuko…Nangako din ako na papakasalan pa kita…diba?…kaya naman Tana…wag ganito mahal na mahal kita… please Tana” pangkokombensi ko sa kanya
Wala nakong pakialam kung nagmumukha akong tanga, gusto kolang siyang kumbinsihin na wag akong iwan. Mahal ko siya, higit pa sa sarili ko.
“Ayaw ko na Clark…Pagod na ko”
“Kung pagod kana…P-pwede ka namang magpahinga …Wag molang akong iwan Baby” pangkukumbinsi ko ulit sa kanya
“Ano ba Clark ang kulit mo. Ayaw ko na nga diba” sigaw niya ulit
“So ganon nalang yun Tana…Babaliwalain monalang yung 2 years nating pagsasama?” sigaw ko rin, di ko na napigilang sumigaw dahil sa frustration
Mas lalo siyang umiyak kaya na guilty ako dahil nasigawan ko siya
“S-sorry…Sorry… tahan na Baby di ko napigilang sumigaw”
Lumapit ako para patahanin siya ng bigla siyang lumayo.
bumuhos ulit ang mga luha saking mga mata dahil sa ginawa niya. ang sakit sa pakiramdam na yung mahal mo ay lumalayo na sayo, na hindi mo na mahawakan kahit kunti
“P-please…...