“Anong nangyayare sa amo ko!” Tanong ni marsie sa isipan habang nagtutootbrush sa harapan ng isang malaking salamin sa loob ng banyo ,kakatapos lamang nyang maligo dahil sa sobrang manlalagkit dala ng kakaiyak nya kanina ,ibiniling nya ang ulo saka tinapos ang ginagawa’t tuluyang naglakad patungo sa pintuan dahil nasa labas ang bihisan nya ,pagpihit ng doorknob ay agad syang lumabas “huuuh!!!” Malakas nyang singhap ng makita si ralp sa loob mismo ng silid nila ni raffy ,hinahaplos nito ang ulo ng anak nito.. nang mapansing hindi ito nakatingin ay ,inihakbang nya ang mga paa pabalik sa loob ng banyo ng bigla ay magsalita ang lalaki
“Nandito ang bihisan mo!” Baritonong tinig ni ralp ,iniangat pa nya ang susuutin ni marsie na nagkataong underware pa ang nahagip ng kamay nya
“Bastos ka talaga ,bitiwan mu nga ya.. tyaka ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko at basta basta ka nalang pumapasok kung kailan mo gusto!” Di nya napigilang isigaw dito
“Silid din ito ng anak mo marsie baka nakakalimutan mo!” Tiim bagang na wika ni ralp ,kinuha nya lahat ng susuutin ni marsie saka inilagay sa itaas ng kama kung saan hindi nito iyun maaabot kung ito dadaan sa tagiliran nya
Napakagat nalang sa ibabang labi si marsie sa sobrang inis dahil sa ginawa ni ralp ,kakatapos nyang maligo kaya mejo maliwanag ng konte ang paningin nya kahit walang salamin ,kita nya kung paano sya nito ngisian habang nananatili ang paningin nito sa kanya ,pakiramdam nya ng mga oras na iyun ay hinuhubaran sya nito kaya matalim ang nya itong inirapan
“Alam mo marsie ,napakaganda mo dyan sa pulang towel ,you look so hot ,parang nangaakit ,tingin ko iyun ang ginagawa mo saakin ngayun dahil ilang oras ka nang nakapose dyan.” Pangaasar ni ralp sakanya
Pakiramdam muli ni marsie ay naging kasing pula na ng towel na balabal nya ang mukha pati na ang buong pagkatao nya dahil sa mga hinayag ni ralp “bakit hindi kana muna kaya lumabas, magpapalit ako saglit.” Nakayuko nyang sabi dito
“Anu pabang maitatago mo saakin nakita kona yan lahat at napagaralan na ang bawat detalye kaya kahit magpalit kapa sa harapan ko’y ayus lang..” angil nito sakanya
“Bastos ka talaga kahit kailan sir ralp” saad nya dito bago mabilis na naglakad patungo dito upang makaraan makuha ang mga gamit at kaagad na makakatakbo sa dressing room ngunit pagdaan nya sa harapan nito ay agad na pumulupot ang isang kamay nito sa bewang nya saka sya hinila kaya paupo syang bumagsak sa kandungan nito “ralp!!!” Kinakabahan nyang tili
“Marsie ,i miss you…” bulong ni ralp sa babae habang yakapyakap ito ng mahigpit “wag muna ulit uulitin pang tumuloy sa ibang bahay baby ,sasamain ka talaga saakin.” Muli nyang saad
“Ralp bitawan muna ako!” Pakiusap...