Isa Akong Ina Kabanata 2


Kasambahay ako pagdating sa MayniLa.. Syempre ganon naman ang madalas na papeL ng mga taga probensyang nakikipagsapalaran sa MayniLa..
KATULONG ang madalas na trabaho dahiL sa kakuLangan ng Tiwala sa sarili.. At sa pinag aralan..
Totoo nman kseng kapag muLa sa probensya at tumabi ka sa mga taong Laking MayniLa ay makikita mo agad ang kaibahan… Sa pananamit.. Kilos at pananalita…
Madalas ka pa ngang pagtawanan lalo na kapag Kamote ka sa pagtatagalog..
Ganoon kse tingin ng Amo ko sa akin..
“IGNORANTE ” ang palagi nyang tinatawag sa akin dahiL daw masyado daw akong walang aLam…
“Ano na Merling? Di ka tapos maglaba jan? Bilisan mo na at paplantsahin mo pa ang polo ng Sir mo at gagamitin nya mamaya pagpasok! “, singhaL na wika nito..
“Opo Maam Carla”, sagot ko na pinipigilan ang mga luhang wag pumatak..
“Bilisan mo na G*ga! Tamad tamad mo..! Kakupad mo magtrabaho !”,sabi pa nito bago pumasok sa Loob..
Nang maramdaman kong wala na si Maam Carla ay pinakawalan ko na ang mga luha kong kanina pa gustong pumatak..
Sa halagang 600 pesos na sahod ko sa loob ng isang buwan ay di sapat yun para alipustain nya ang pagkatao ko.. At kung pano nya ko insultuhin sa tuwing nagkakamali ako..
Akala ko pa nman dati napakabait ni Maam CarLa.. Yun pala pakitang tao Lang pla yun dahiL ng umalis si Ate Bering para lumipat sa ibang amo ay nagbago na rin si Ate porket alam nyang wala akong ibang kamag anak dito na pwede kong takbuhan para hingan ng tulong..
Binanlawan ko ang kamay ko ng tubig… Paplantsahin ko muna ang polong gagamitin ni Sir para sa pagpasok mamaya at pagkatapos ay saka nalang ako maglalaba..
Habang magpaplantsa ay naalala ko ang Nanay at tatay ko..
Miss ko na sila..
Di ko na alam kung kamusta na siLa sa probensya..
Masyado kseng mahal kung susulatan ko sila at ihuhulog pa sa Post opis na malayo dito sa bahay ng amo ko.. At tiyak kong di rin papayag si maam Carla kung magpapaalam ako..
DahiL sa pag iisip ko ay di ko namalayan na nasunog na pla ang polo ni Sir…
Kahit na de uLing ang plantsa ay nakakasunog din ito..
Napabalik ako sa ulirat ng maramdaman kong may humila sa buhok ko..
“Ignor*nte ka talagang Babae ka! Di mo ba alam na mahal yang polo ng Sir mo! G*ga ka talaga! Pagplantsa na nga Lang di mo pa alam kung pano gawin… Palibhasa eliteret kang Babae ka! “, galit na galit na sabi ni Maam Carla..
Umiyak ako dahiL nasaktan ako sa mga sinabi ni Maam Carla.. At mas lalo akong napabulahaw ng iyak ng maramdaman ko ang mainit na plantsa na idinikit ni Maam Carla sa braso ko..
”Maam ,Aray ko po ,wag po “, umiiyak na pakiusap ko.. “ang sakit sakit po! “, sumisigaw na sabi ko.. Halo ang Luha at s*pon sa mukha ko...


dahiL sa ginawa ni Maam KarLa sa akin..
“Hoy! Karla! Wag mong ganyanin ang bata! maawa ka nman.. Ano bang ginawa nya? “,sabi ni Kuya na pilit na nilalayo ang asawa nya sa akin..
“Yang t*ngang babaeng yan, sinunog nya lang nman ang polo mo! “, sumbong nito..
Pero sa halip na magalit ay tiningnan ako ni Kuya na naaawa sya sa akin dahiL sa ginawa ng asawa nya sa akin…
“Hayaan mo na.. Di nman sinasadya ng bata yun “, sabi nito bago hinila ang asawa papasok ng kwarto niLa..
Naiwan akong mag isa habang hawak hawak ang brasong pinaso ni Maam Karla ng plantsa..
Subrang hapdi ng pinaso nya kaya lalo akong umatungaL ng iyak..
“Pasensya ka na Merling. Hayaan mo..pagsasabihan ko sya “, sabi ni kuya bago lumabas ng bahay para pumasok sa trabaho..
Mabait si Kuya sa akin samantalang matapobre namn ang asawa nito..
“Babayaran mo ang polong sinunog mo! Isang buwan ka walng sahod dahiL sa katang*han mo! “, sbi ni ate bago pumunta ng kusina..
Agad akong pumunta sa likod ng bahay ipagpatuloy ang paglalaba khit na mahapdi ang braso ko..
Nahihirapan na ko ..akala ko dati mababait din ang mga taga tao na lumaking MayniLa di pala.. Nagkamali ako.. DahiL kay Maam Karla nalaman kong mayroon talagang di marunong makikapwa tao..
Gusto ko na umuwe sa probensya namin kaso di pwede..
Isang taon kse akong nakakontrata kela at anim na buwan na ko dito sa kanila…
Anim na buwan pa ang titiisin ko at pwede na ko umuwe sa amin.
“wag mong tatangkaing lumayas kung ayaw mong idikit ang mukha mo sa bawat poste ng ilaw dito at sa buong lugar ng Maynila “, pagbabanta ni Maam sa akin..
At dahiL nga wala nman akong alam ay agad akong natakot..
“Sasabihin kong Magnanak*w ka at makukulong ka “, sabi pa nitong lalong nagoakaba sa akin..
Kaya heto ako ngayon..
Nagtitiis sa mga pasakit ni Maam sa tuwing nagagalit sya sa akin dahiL sa mga kapalpkan ko..

Hanggang sa dumating na ang araw na tapos na ang kontrata ko..
Uuwe na ko sa probensya namin at naisip kong
“Mag aaral na ako ”
Sana Lang ay di pa huLi ang lahat…

Masaya akong makakauwe na ako sa amin pero malungkot ako dahiL uuwe ako sa amin na walang dalang khit ano Dahil di nman binigay sa akin ni Maam ang sahod ko..
Pero ok Lang yun..
Ang importante ngayon ay makakauwe na ko sa amin at mayayakap ko na si Nanay at Tatay..

Itutuloy
Ang kwento po na ito ay Di po ito Love Story 🙂
Kwento po ito ng isang Ina na para sa kanya ay naging mabuti parin syang ina khit na.. Ah Basta.. Basahin nyo nlng po 🤣 maiksi Lang ang episode na to.. Iiksian ko Lang para po matapos agad 🤣
Sa ngayon po GOODNIGHT na po Muna ❤






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sana nmn tapusin kc nkkbitin page ako gumgwa ng story tintpos ko.kainis lging bitin

Leave a Reply


top